"Guurrrll! Kinakabahan ako mygash" Nakita ko namang napapakagat na si Ayesha sa kuko niya dahil sa kaba. Hindi ko naman siya masisisi dahil tulad niya ay kinakabahan din ako ngayon. Final presentation na kasi namin sa IoT kaya sobra talagang kabado kaming lahat.
"Shet kaya natin ito guys. Tiwala lang" Narinig ko namang sinabi ni Avery na agad sinang-ayunan ni Azalea. Sana nga makayanan namin ito. Taragis.
Nandito lang kami ngayon sa room at naghihintay kung kailan kami tatawagin sa lab para sa project presentation. Taragis gusto ko lang matapos na itong araw na ito.
"Uy Ter jowa mo oh" Napatingin naman ako sa direksiyon na itinuro ni Tiffany at nakita ko si Gideon na papalapit sa pwesto ko.
"Oh para sa'yo pala. Iwas kaba" Inabot naman niya sa akin iyong malamig na tubig. Sakto medyo nauuhaw na rin ako.
"Uy salamat. Kaso baka naman maihi ako bigla nito hahaha" Natawa lang si Gideon sa sinabi ko saka nagpaalam na sa akin dahil bigla siyang tinawag ni Lorelie.
"Gurl ano nang status niyo ha? Mukha naman siyang seryoso talaga sayo" Pagtatanong ni Ayesha noong makaalis na si Gideon. Napahingang malalim ako bigla dahil sa huli niyang sinabi. Naguilty kasi ako bigla eh.
"Ter? Huwag mo sabihing wala na talaga?" Si Azalea naman ang nagtanong ngayon.
"A---" Napahinto naman ako sa sasabihin ko noong biglang pumasok si Ma'am Melancholy sa room kaya agad naman kaming napaayos.
"Good morning class! So today is your final presentation of your IoT projects. Siguro naman ready ang lahat sa inyo noh? Ang haba ng time na binigay ko para sa preparation ha." Pare-pareho kaming walang imik at hinihintay lamang ang sasabihin ng aming propesor. Wala eh. Kabado na talaga kami kaya hindi na kami makapagsalita at pare-parehong hinihintay na matapos na itong araw na ito.
"So sasabihin ko sa inyo iyong pagkakasunod-sunod sa presentation para naman hindi na ako pupunta pa dito at tawagin kayo isa-isa" Nakafocus lang kami ngayon kay Ma'am Melancholy na nakatingin sa attendance sheet na hawak niya.
Ilang minuto din ang nakalipas matapos niyang banggitin ang pagkakasunod-sunod ng mga grupong magpepresent. Medyo kinabahan ako kasi pangatlo kami ni Kuya Claudric pero ayos na din para maaga kami matapos.
"Okay so after this presentation, iyong mga grupong natapos na eh pwede na kayong umuwi kung wala na kayong ibang gagawin dito sa school. Good luck my lovely students!" Natuwa naman ako sa sinabi ni Ma'am Melancholy na pagkatapos magpresent ay pwede nang umuwi. At least makakapagpahinga ako ng maaga. Pero makakapagpahinga nga kaya ako pagkatapos nito?
---
[11:49 am]
Nandito lang kami ng mga kaibigan ko sa tapat ng lab habang hinihintay na matapos magpresent sina Ayesha at Orion. Hindi ko akalain na magiging mabilis lang itong presentation namin dahil wala nang gaanong revisions si Ma'am Melancholy. Hindi nga din siya gaanong nagtatanong about sa project namin eh. As long as working iyong project eh ayos na sa kanya. Nakakatuwa lang dahil napakagaan niya sa amin.
Si Kuya Claudric naman ay nauna nang umuwi kasama sina Kuya Eustace at Benedict. Nagtaka nga ako kasi hindi na niya hinintay si Lorelie eh lagi nilang kasabay iyon. Sinabi lang niya noong tinanong ko kung bakit hindi na niya hihintayin iyong girlfriend niya eh kaya na daw ni Lorelie sarili niya. Pabiro naman iyong pagkakasabi ni Kuya Claudric pero parang may nararamdaman akong iba eh. Ewan bahala na sila diyan basta ang mahalaga eh natapos na kami sa IoT. At ang mas mahalaga pa eh ayos na si Kuya Claudric. Hindi na bakas ang lungkot sa kanyang mga mata ngayon.
BINABASA MO ANG
Dealing with an Astronaut
Jugendliteratur"An astronaut is a person who travels in a spacecraft into outer space." 'Yan ang alam niya tungkol sa astronaut. Ngunit, sa pambihirang pagkakataon, nagbago ang pananaw niya ng makasalamuha siya ng isang astronaut na hindi lumilipad patungong kalaw...