"Oy guys alam niyo ba? May nasalubong kami kahapon ni Alterria na killer" Lahat kami natigil sa pagkain dahil sa sinabi ni Ayesha. Muntik ko nang mailuwa yung kinakain ko dahil sa gulat eh.
"TAENA SAAN???!!!" Triggered bigla si Avery sa sinabi ni Ayesha. Taragis kasi naman ang OA ng killer eh wala naman kaming nasalubong eh.
"Kalma. Wala naman kaming nasalubong na killer eh. Pinagsasabi mo Ayesha? Haha" Nakita ko naman na medyo kumalma na si Avery dahil sa sinabi ko ngunit bakas pa rin sa kanyang mga mata ang pag-aalala.
"Eh kasi naman girl ang creepy niya tumingin sa atin eh lalo na sayo" Tiningnan ko lang si Ayesha sabay kuha sa mansanas na nakalapag sa tabi ng pagkain niya. Aagawin pa sana niya ulit sa akin kaso bago niya makuha ay kinagatan ko na.
"Ano kasi kahapon habang papasok kami sa room natin may nabunggo akong estudyante na lalaki. Tapos bigla niya akong tinawag sa pangalan ko. Sabi niya "Hi Alterria". Nagulat ako doon kasi kilala niya ako pero siya hindi. Yun yung unang beses na nakita ko siya sa school natin" Nakatingin lang silang apat sa akin habang nagkukwento ako. Inaabangan ang kasunod. Buti na lang at hindi nakisabat si Ayesha sa pagkukwento kasi ang hilig makisabat niyan eh. Taragis.
"Tapos ayun pagkaangat ko ng ulo ko, nakita ko yung tingin niya sa akin. Ang creepy lang tapos nakangiti pa siya na akala mo may balak na masama eh"
"Kingina ituro mo nga sa akin yan naku. Nang-aano eh. Gusto mo dukutin ko mata niya ha? Naku naku" Natriggered nanaman bigla si Avery habang sina Azalea at Hershey naman eh tumatawa dahil kay Avery. Pati si Ayesha ay nakitawa din.
Napuno ng tawa yung bahay nina Ayesha dahil sa amin. Wala kasi kaming pasok kaya nakatambay nanaman kami dito kaso kulang kami. Si Orion kasi may trabaho eh kaya di namin siya kasama ngayon. Kumakayod si kuya niyo haha. Si Tiffany naman na best friend ni Hershey, may gala kasama ng ibang friends niya. Dami kasing kaibigan eh. Kaya lima lang kami ngayong magkakasama.
"Uy pero Alterria mag-iingat ka ha? Naku baka mamaya masalubong nanaman yun bigla tapos mag-isa mo lang. Dapat lagi kang may kasama kahit isa sa amin or sa mga kaklase natin pag papasok" Paalala ni Hershey sa akin. Tama siya, dapat nga'y mag-ingat ako sa taong iyon dahil hindi natin alam kung anong maaari niyang gawin. May kakaiba rin kasi akong nararamdaman sa kanya na hindi ko magugustuhan.
"Tama si Hershey. Naku Ter doble ingat" Pagsang-ayon naman ni Azalea sa sinabi ni Hershey. Tiningnan ko naman sila sabay nginitian upang makasiguro sila na susundin ko ang kanilang mga sinabi.
"Salamat, Hershey at Azalea. Tama nga kayo. Dapat mag-ingat ako" Ibinaling ko na muli ang aking atensiyon sa kinakain kong mansanas at kumagat muli dito. Ewan ko ba pero paborito ko talaga ang prutas na ito kaya kahit hindi ko ito pag-aari ay kinuha ko ito mula kay Ayesha.
"Ay naku Ter gusto mo mag-act akong bodyguard mo para kung sakaling masalubong man natin yung lalaking yun eh sisiguraduhin kong hindi makakalapit sayo. Naku subukan lang niya" Natawa nanaman kami dahil sa sinabi ni Avery. Talagang pinatunog pa niya ang kanyang mga kamay pati na ang leeg habang binibitawan ang mga salitang iyon.
"Naku salamat Avery pero hindi naman kailangang umakto ka pang bodyguard hahaha" Nagtatawanan pa rin kami habang tinutuloy na nila ang kanilang pagkain kanina na naudlot dahil sa sinabi ni Ayesha.
"Ay naku hindi na talaga kailangan kasi may knight in shining armor na yan. Ayieeeeee" Tiningnan ko naman si Ayesha ng masama at binato ko naman siya ng mansanas na ngayon ay yung gitang bahagi na lang ang natira kung saan may mga buto. Saktong sakto ang pagkatama nito sa kanyang mukha kaya lalo nanaman kaming natawa.
BINABASA MO ANG
Dealing with an Astronaut
Teen Fiction"An astronaut is a person who travels in a spacecraft into outer space." 'Yan ang alam niya tungkol sa astronaut. Ngunit, sa pambihirang pagkakataon, nagbago ang pananaw niya ng makasalamuha siya ng isang astronaut na hindi lumilipad patungong kalaw...