DA - 006

32 4 0
                                        

Lunes nanaman at may pasok kami. Sa totoo lang ay nakakatamad ng pumasok sa eskwelahan at mag-aral. Nakakasawa na. Kung maaari nga lang na huminto na ako ngunit naiisip ko rin ang paghihirap ng mga magulang ko mapaaral lang ako. Hindi ba't napakasuwerte ko kung tutuusin? Kaya heto ako ngayon, nakasakay sa isang bus dahil puno ang lahat ng jeep na napapadaan sa kanto namin. Suwerte mo na lang kung makakaupo ka sa loob ng bus o 'di kaya'y may isang maginoong magpapaupo sa'yo. Ngunit sa aking lagay ay nakatayo ako at ni isa ay walang gustong magpaubaya ng kanilang mga inuupuan. Ayos lang dahil sanay na ako sa ganitong sitwasyon.

Mga ilang minuto rin ang itinagal ng biyahe bago ako makarating sa Cerulean City at pagkababa ko'y sumakay na ako ng pulang jeep papunta sa Evergarden College.

"Alterriaaaaa~" Salubong sa akin ni Ayesha pagkadating ko sa may gate. Agad naman akong umiwas sa kanya dahil alam kong yayakapin ako nito o 'di kaya'y aakbayan.

"Grabe makaiwas ha? Grabe" Tiningnan ko naman siya nang mapang-asar na tingin sabay tumawa. Sarap asarin nitong babaeng ito eh mwehehehehehe.

"Ay naku tara na nga naku" Naglakad naman kami papasok sa campus. Nagdadaldalan pa rin kami habang naglalakad ng biglang may tumapik sa balikat ko.

"Oy nays" Si Kuya Claudric pala. Hindi sila magkasabay ni Benedict ngayon. "Block C din kayo diba?" Tanong niya sa amin.

"Oo kuya hahaha" As usual si Ayesha sumagot. Ganyan yan eh feeling close sa lahat.

"Nays nays hahahaha ez-han lang natin ito" Hindi ko alam pero bigla akong natuwa sa tawa niya. Ang cute eh.

'Huy Ter umayos ka aba' Okay so kinakausap ko na sarili ko. Normal lang 'to normal. Promise.

"Ang cute" Wala sa isip kong sabi habang nakatingin lang kay Kuya Claud na nasa kaliwa ko at noong marealize ko yung sinabi ko ay nagsalita agad ako bago pa makapagreact yung isa sa kanila ni Ayesha.

"Aaang cute nung ano nung owl na nakita ko kagabi. Hahaha" Tumingin agad ako kay Ayesha at pilit na natawa. Sinuklian naman niya ako ng isang makahulugang tingin at base sa nakikita ko ngayon ay mukhang alam ko na ang iniisip nito.

"Saan? May mga owl ba sa inyo?" Okay so hindi ko ineexpect na si Kuya Claud ang magtatanong. Teka lang kasi hindi ako prepared eh at tsaka bakit bigla na lang ako kinakabahan kay Claudric? Wala naman siyang ginagawa eh? Anyare na ha? Hakdog?

"Ah ano hindi hahaha sa facebook ko nakita hehe" Para ata akong matatae bigla nito ah. Ano ba kasing nangyayari sa'kin? Bakit ang bilis ata ng tibok ng puso ko? Mamamatay na ba ako?

'OA mo naman bes wow ha wow. Kinikilig ka lang wag kang ano diyan' Luh? Okay so kailangan ko ng magpunta sa mental kasi hindi na ito normal. May sariling pag-iisip na ang isip ko. Teka ano daw? Hindi ko na maintindihan. Padampot niyo nga author nito tapos ipadala sa Bermuda Triangle naku.

Aemitielle's: Sige gawin ko yan sa'yo. Ayos ba?

Alterria: Ay hala joke lang po hahaha hindi na po dear owtor hihi wuv u 💕

Ganito lang talaga siguro pag hindi mo madalas makausap yung isang tao. Kahit naman kasi naging close kami ni Kuya Claud eh hindi naman kami madalas magkausap talaga.

"Ah hahaha akala ko naman may mga kwago sa inyo eh" Ano ba ito? Bakit ba nakucute-an ako sa tawa niya? Hindi ko alam pero ang cute talaga eh. Taragis yan.

Tumawa na lang din ako at si Ayesha naman ay bigla akong kinalabit kaya napalingon ako sa kanya. Pagkakita ko'y nakangisi na ito na alam ko ang ibig sabihin. Sige mang-asar pa noh? Makakahampas talaga ako ng gitara mamaya eh naku. Wag lang talaga akong mapunta sa music room kung hindi may mayayari talaga sa'kin.

Dealing with an AstronautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon