DA - 003

24 3 0
                                    

Kasama ko sina Ayesha, Avery, Azalea at Orion ngayon at kasalukuyan kaming nakapila para magbayad ng downpayment sa enrollment. Medyo malapit naman na kami magbayad kasi mga limang tao pa at si Avery na ang susunod. Buti nga mabilis lang ngayon kasi hindi naman lahat may pasok ng midyear eh. Karamihan mga third year students lang.

Wala si Gid ngayon kasi noong nakaraan pa siya natapos magpaenroll kaya hindi na siya pumunta dito sa school. Kasabay niya sina Solar at Celestine. Ano pa nga bang aasahan ko diba? Syempre sasabay siya kay Solar.

"Omg malapit na ako makapagbayad yaaaaas!" Masayang sabi ni Avery sa kinauupuan niya. Tama siya dahil isa na lang tapos siya na yung magbabayad. Ang bilis ng cashier ngayon ah? Sana ganyan lagi tuwing enrollment eh kaso pag lahat ng estudyante may pasok, ang bagal ng proseso sa cashier naku. Minsan dalawang window lang nakabukas.

Nakita naman namin na may papalapit sa pwesto namin. Tatlo sila.

"Oy nays anong block niyo?" Tanong ni Kuya Eustace sa amin. Close siya sa lahat dahil sobrang bait niya at napakatalino. Lahat ng nalalaman niya shineshare niya sa amin. Idol ko nga yan eh. Kahit na bihira lang kami magkausap ay hindi naman kami nahihiya sa kanya. Siya kasi unang lumalapit.

"Block C kami Kuya Eustace. Ikaw ba?" Si Ayesha ang sumagot dahil siya yung pinakamalapit sa kinatatayuan nina Kuya Eustace.

"Oy nays nays. Kablock niyo pala si Claudric at Benedict. Ako kasi napunta sa block A eh. Si Ma'am Mira naglagay sa akin doon" Sayang naman pala at hindi namin magiging kaklase si Kuya Eustace. Talino kasi niya kaya siguro nilagay siya sa block A.

"Oy nays nays kaklase ulit tayo Ter" Lumapit naman sa akin si Benedict at nakipag-appear. Grabe alam niyo ba na ang gwapo nitong lalaking ito? Daming nagkakacrush dito eh. Isa na ako doon kaso dati lang. Hindi na kasi ngayon eh. Si Ayesha may crush kay Benedict. Patay na patay nga eh.

"Oo nga eh. Saya haha" Second year kami unang naging magkaklase ni Benedict. Naging close ko din agad ito dahil friendly siya.

Napatingin naman ako kay Kuya Claudric na tahimik lang sa tabi nila. Ngumiti naman siya sa akin noong nagkatinginan kami. Wala ewan pero parang nahiya ata siya bigla? Yumuko eh tapos tumingin sa cellphone niya.

Si Kuya Claudric ngayong third year ko lang naging kaklase. Ang tahimik nito masyado kaya hindi ko gaanong nakausap noong first sem na naging magkaklase kami. Nagkausap nga lang kami noong naging magpartner kami sa project namin sa Networking eh. Yung gagawa ng tutorial sa pag set-up ng network between client and server pc. Doon ko lang nalaman na makulit din pala ito. Tapos madalas ko na siyang nakausap noong second sem na. Ewan basta naging close na rin kami kaso may time nga lang na parang nahihiya siya sa akin? O ako siguro yung nahihiya? Ewan ko ba. Pero ayun nga nagkakausap naman kami. Nagsusuggest pa nga siya sa akin ng anime eh.

Naglakad naman sila papunta sa may likod namin at umupo. Bigla namang nagsalita si Kuya Claudric.

"Magkano downpayment?" Tinanong niya sina Avery, Ayesha, Azalea at Orion. Pero ako hindi niya tinanong. Ayan nanaman siya. Parang nahihiya nanaman si Kuya Claud.

"2550 Kuya" Sabi ni Ayesha at nakita kong tumango tango si Kuya Claud.

"Oy nays salamat" Rinig kong sabi pa ni Kuya Claud at nakipag-usap na kanila Kuya Eustace.

Dahil mabilis ang cashier ngayon. Tapos na agad kami magbayad. Nagpaalam naman kami kanila Kuya Eustace na mauuna na kami.

"Oy ingat kayo guys" Sabi sa amin ni Benedict. Bigla namang napangiti si Ayesha. Malamang kinilig ito.

"Uy ingat daw tayo omg" Halatang kinikilig ang lola niyo mga kababayan kasi parang gusto na niya tumili. Pinalo naman siya bigla ni Avery sa may kanang braso niya.

Dealing with an AstronautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon