DA - 002

26 4 0
                                    

Kinalabit ko ang kwerdas ng gitara at tumugtog ng kung anu-ano. Lahat ng marinig ko sa pinapatugtog ng mga kaibigan ko ngayon ay sinusubukan kong tugtugin. Kinakapa kumbaga.

Wala kaming pasok ngayon kaya naisipan ng mga kaibigan ko na magovernight kami sa bahay nina Ayesha at sa linggo ng gabi na kami uuwi. Paborito namin dito sa kanila dahil wala lang. Basta gusto lang namin. Napakapayapa lang kasi dito sa lugar nila.

Alam kong nagtataka kayo kung bakit hindi ko kasama si Gid eh siya ang best friend ko. Ganito kasi. Bale iba-iba circle of friends ko. Sina Ayesha, Azalea, Avery, at Orion, sila yung mga kaibigan ko simula first year hanggang ngayong third year na ako. Sila una kong naging kaibigan sa college at ang pinaka naging close ko ay si Ayesha. Kapag sila ang kasama ko, talagang hindi ko makakasama si Gid dahil hindi naman siya close sa mga ito. Pero okay naman si Gid sa kanila. At noong second year naman ay saka ko nakilala sina Solar at Celestine. Ito yung time na okay kami ni Solar dahil hindi ko pa kilala si Gid noon. At sila pa nung ex niyang si Cryon. Okay pa rin naman kami ngayon kaso nga lang siguro nakakaramdam ako ng inggit sa kanya pero wala pa rin namang nagbago dahil close pa rin naman kami katulad noong una kaming nagkakilala. Si Gideon naman, second sem ng third ko naman siya nakilala dahil ito yung unang beses na naging magkaklase kami. Nakakagulat nga kung tutuusin na naging magbest friend kami kasi pareho kaming tahimik at hindi namin kinakausap yung isa't isa noong unang araw ng pasukan eh. Nakausap ko lang siya noong may pinaactivity sa amin sa subject na Sociology na magdrawing ng family tree. Yun yung time na nalaman kong pareho pala kaming mahilig magdrawing at doon na kami nagsimulang magshare sa isa't isa ng mga gawa namin hanggang sa heto kami ngayon, naging magbest friends. Kaso nga lang mukhang napasobra yata ako. Siya, nanatili lang sa boundary. Ako, lagpas na lagpas na.

"Oy guys? Kain tayo" Rinig kong sabi ni Ayesha na kababalik lang galing sa kusina nila at may dala-dalang malaking bowl ng pancit canton. Kumalam naman bigla yung tiyan ko dahil sa gutom na ako at lalo pang nagutom dahil nakakatakam na amoy ng canton. Bango eh.

"Woooooh kainan na yeheeeeey!" Masayang sabi ni Avery at kumuha na ng plato at naglagay ng pancit canton dito. Sumunod na rin kami dahil pare-pareho na kaming gutom.

"Uy guys nood tayo. Nakakasawa na magpatugtog eh. Movie marathon naman" Nagsuggest si Azalea na manood naman kami ng movie. Tama, nakakasawa rin naman kasi makinig lang ng music. Buti na lang at naisip niya yun.

"Sige sige. Ito oh hard drive ko. Sakto kakadownload ko lang ng mga movies" Nilabas naman ni Orion yung hard drive niya at inabot ni Azalea.

"Yun nice nice. Akin na para masalpak ko na sa tv" Inabot naman ni Azalea kay Ayesha yung hard drive ni Orion at sinalpak na niya ito sa tv nila.

"Avengers: Infinity War" Suggestion ko dahil hindi ko pa napapanood yan. Oo, hindi ko pa napapanood. Sorry outdated kasi ako masyado sa Avengers eh. Pero alam ko namang tatanggi sila dahil mas gusto nilang panoorin yung mga horror movies. Okay lang din naman sa akin. Nanonood din naman ako ng horror basta may kasama.

"Oy yun daw gusto ni Ter. Yun na panoorin natin" Nagulat naman ako na sumang-ayon si Avery. Expect ko kasi na siya unang tatanggi eh.

"Sige hindi ko pa rin naman napapanood yan eh" Pati si Azalea ay sumang-ayon din.

"Sige sige yun na" Pinlay na ni Ayesha yung napili naming movie at nakafocus na kaming lahat sa screen.

Dalawang oras ang tinagal nung movie bago matapos. Taragis ang angas pala nito. Halos mapatayo ako sa pwesto ko habang nanonood kasi nadadala ako sa mga scenes eh. Lalo na nung dumating si Thor sa Wakanda, grabe yung entrance niya doon. Napapalakpak pa ako eh. Ang intense grabe.

Dealing with an AstronautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon