DA - 013

22 2 0
                                        

"Baaaabe~ bakit umuwi ka naman agad kahapon?" Tiningnan ko lamang sandali ng masama si Gideon saka nagpatuloy sa paglalakad. "Nakakapagtampo ka naman eeeeh~"

"Sorry na nga diba? Ang iyakin naman nito" Bigla naman akong napatigil sa paglalakad dahil hinila niya ako at kaagad na niyakap. Taragis gusto ata mahampas ng laptop itong lalaking ito.

"Ikaw naman kasi eh. Parang hindi mo ako jowa ah. Sabay dapat tayo umuuwi diba?" Napabuntong hininga na lamang ako sa kinikilos ni Gideon. Seryoso nga ata siya sa amin. Nakonsensiya naman ako bigla.

"OY PDA! PDA!" Agad ko namang itinulak si Gideon noong may sumigaw sa may bandang likuran namin. "Kayo ha? Aga-aga nako hahahahahaha"

"Wow Lore! parang kayo ni Kuya Claud hindi ah? Hahahahaha" Agad naman akong napatingin sa kamay nina Kuya Claudric at Lorelie na magkahawak. Bakit ganito bigla ang nararamdaman ko? Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko. 

"Eh kayo grabe eh sa daan pa nagyayakapan eh" Rinig ko pang sabi ni Lorelie saka tumawa.

Sa mga oras na ito ay parang gusto ko na lamang mawala na parang bula. Hindi ko alam. Naguguluhan ako masyado. Basta ang alam ko lang ay gusto kong tumakbo para makalayo at makatakas sa situwasiyong kinalalagyan ko ngayon.

"Kay sa nag-aasaran pa kayo eh maglakad na tayo papasok" Pag-aaya ni Kuya Claudric sa amin. Bigla akong napatingin sa kanya at saktong nakatingin rin pala siya sa akin. Diretso lamang ang kanyang tingin at walang mababakas na kahit anong emosiyon mula sa kanyang mga mata. Nakaramdam naman ako bigla ng lungkot sa hindi ko malamang kadahilanan. Ano ba itong nangyayari sa akin ngayon? Bigla-bigla na lamang akong nalulungkot at nasasaktan. 

"Hala siya meron ka ba ha? Sungit sungit hahahaha" Hindi niya pinansin ang pang-aasar ni Lorelie sa kanya at patuloy pa rin siyang nakikipagtitigan sa akin. Nakikita kong bahagyang bumubukas-sara ang kanyang bibig na parang may gustong sabihin ngunit hindi niya matuloy-tuloy.

"Tara na. Baka malate pa tayo" Hinila na ni Kuya Claudric si Lorelie at tuloy-tuloy na naglakad. Naririnig ko pa rin ang patuloy na pang-aasar ng girlfriend niya sa kanya ngunit hindi niya ito pinapansin.

"Tara na din Ter. Sunod na tayo sa kanila" Hindi na ako tumingin kay Gideon at nagsimula na akong maglakad. Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang kamay ko at hinayaan ko na lamang ito. Kahit naman kasi sitahin ko siya eh hahawakan pa rin niya.

Hindi naman nagkakalayo ang distansiya namin kanila Kuya Claud at Lorelie. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa na nagtatawanan habang papasok sa loob ng EC.

Pagkapasok namin sa loob ay sumakay na kami ng elevator para mas mabilis. Hindi pa naman kami late pero nagkatamaran lang kami gumamit ng hagdan.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa 4th floor. Pagkadating doon ay nagpaalam na kami sa isa't isa.

"Babe wag uuwi agad ha? Nako mamaya kalimutan mo nanaman jowa mo" Natawa na lang ako kay Gideon dahil sa paalala niya.

"Oo na hindi na uuwi" Maglalakad na sana ako papunta sa room ngunit bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papalapit sa kanya. Napakahilig talaga manghila nito pastilan.

"I love you, Ter" Nagulat naman ako noong bigla niyang hinalikan ang pisngi ko. "Hanggang midyear lang, please?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binitawan na niya ang kamay ko at naglakad papunta sa room niya kasabay si Lorelie. Iisang block lang kasi sila. Hindi na ako nakasagot sa huli niyang sinabi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Al" Agad naman akong napatingin kay Kuya Claudric na nasa tabi ko na pala. "Tara na?" Tumango na lang ako sa kanya at tahimik kaming naglakad papunta sa room namin.

Dealing with an AstronautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon