[Day 1 of Claudric's suspension]
Third person:
Kasalakuyang kumakain sina Alterria ngayon sa kanilang canteen kasama sina Ayesha, Azalea, Avery, Orion, Hershey at Tiffany. Sakto kasing lunch break na nakalabas si Alterria galing sa dean's office.
"Kaloka ka Ter! Hindi ka man lang nagsabi sa amin tungkol sa nangyari sayo kagabi" May halong inis at tampo na sambit ni Avery sa kaibigan dahil sa pagtatago nito sa kanila ng katotohanan.
"Ayaw ko lang kasi na mag-alala pa kayo. Pasensya na" 'Yan ang laging nasa isip ni Alterria. Palagi niyang iniisip na nadidistorbo lang niya ang mga taong mahahalaga sa kanya kung magkukwento pa ito ng mga masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Mas gugustuhin niyang ipagsarili na lamang ang mga problemang kanyang kinakaharap kay sa magsabi pa sa kanyang kaibigan.
"Ter, alam mo bang pakiramdam namin ngayon eh wala kaming kwentang kaibigan sayo?" Napatitig si Alterria sa mga kaibigan niya dahil sa sinabi ni Azalea. Hindi niya alam na ganoon na pala ang nararamdaman ng kanyang mga kaibigan dahil sa palagi niyang paglilihim sa mga ito.
"Pakiramdam namin balewala lang kami sayo" Dahil sa sinabing iyon ni Ayesha ay doon na unti-unting pumapatak ang mga luha niya na kanina pang gustong kumawala mula sa kanyang mga mata.
"Hindi. Hindi totoong wala kayong kwenta" Napayuko na lang si Alterria habang pinupunasan ang mga luha niya. Hinihimas naman ni Orion ang likuran niya upang patahanin siya. "Patawad kung iniisip niyong wala kayong kwenta. Patawad"
"Ter, tahan na. Please. Tandaan mo lagi na andito kami para sayo" Naiyak na din si Tiffany dahil sa nakikita niya. Maging ang iba pang kaibigan ni Alterria ay naiyak na rin habang pinapatahan nila ang huli.
"So-rry, s-orr-y..." Paulit-ulit na bulalas ni Alterria kahit pa nauutal na siya dahil sa pag-iyak.
"Kahit kelan hindi ko inisip na wala kayong kwenta. Patawad kung ang paglilihim ko sa inyo ay parang pagtataboy ko sa inyo. Patawad, mga kaibigan ko. Patawad" Paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa kanyang mga kaibigan na pinapatahan pa rin siya hanggang ngayon.
Lingid sa kaalaman ng mga ito ay lubos na pinapasalamatan ni Alterria ang Diyos Ama dahil binigyan siya ng mga napakabuting kaibigan. Sadyang makasarili lang siya dahil iniisip niya palagi na pabigat lamang siya sa mga ito kahit na ang totoo ay hindi. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na walang kwenta ang mga ito.
"Huuuy tama na nga. Naku pinagtitinginan na tayo ng mga andito oh" Nakuha pang sitahin ni Hershey ang mga kaibigan kahit na naiiyak pa rin siya hanggang ngayon. "Ang papangit na natin mga beshy"
"Kayo lang naman umiiyak dyan eh. Naku" Pasaring ni Orion kahit na ang totoo eh umiyak naman talaga siya. Nakakababa daw kasi sa pride ng kalalakihan ang pag-iyak kaya pilit niyang itinatanggi na hindi siya umiyak.
Nagtawanan na lamang sila dahil kay Orion at tinuloy na nila ang naudlot na pagkain nila kanina. Malapit na rin kasi matapos ang lunch break kaya binilisan na nila.
---
[4:30 pm]
"Hay sa wakaaas! Uwian naaa yaaaas" Masayang tugon ni Avery habang nag-unat pa ng mga braso. Natapos na kasi ang klase nila ngayong araw.
"Oy mga bes wag niyo pala kalimutan mga proposal haaa? Bukas natin ipapasa yun" Dagdag pa niya at sabay-sabay sumaludo sa kanya ang mga kasama. "Yes ma'am Avery!"
"Aish kayo talaga. Tara na nga" Niyaya na lamang niyang lumabas ng silid ang mga ito at agad namang sumunod sa kanya ang mga kaibigan niya.
"Ter" Napalingon naman si Alterria sa tumawag ng pangalan niya. Sakto kasing pagkalabas niya sa pinto ay tinawag naman siya noong nakatayo malapit doon.
BINABASA MO ANG
Dealing with an Astronaut
Teen Fiction"An astronaut is a person who travels in a spacecraft into outer space." 'Yan ang alam niya tungkol sa astronaut. Ngunit, sa pambihirang pagkakataon, nagbago ang pananaw niya ng makasalamuha siya ng isang astronaut na hindi lumilipad patungong kalaw...