salve (pt. 1)

16 3 0
                                    

- Claudric -

[November 22, 2017, 9:08 am]

Nandito kami ngayon sa RM521, kasalukuyang hinihintay ang professor namin sa Networking. Sinabi kasi niya sa aming babalik siya dahil may kinuha lang siya sa faculty. Kung anuman iyon ay wala akong pakialam. Taragis gusto ko na umuwi eh.

"Okay class, pasensya na kayo pero hindi ako magtuturo today. May importante akong lakad ngayon" Narinig ko namang naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Sir Mariano at maging ang propesor namin ay natawa na lamang sa hiyawan ng mga kaklase ko.

"Pero bago ko kayo i-dismiss, sasabihin ko muna kung sinu-sino ang magkakapartner para sa final project niyo. Ayos lang ba class?" Sumang-ayon na ang lahat kay Sir Mariano para madismiss na agad kami. Walang lugar ang angal angal pagdating sa ganito.

"Sige ito na yung magkakapartner. Sabihin ko na para masimulan niyo na rin yung project niyo" Nagsimula naman na si Sir sa pagbanggit ng mga pangalan namin.

"Ackerman, si Constantine ang kapartner mo" Narinig ko naman na tinawag yung apelyido ko pati yung magiging kapartner ko. Tumingin ako sa paligid para hanapin yung partner ko kaso absent pala siya ngayon.

Kilala ko naman sa mukha yung partner ko kaso nakalimutan ko lang kung anong pangalan niya. Basta ang alam ko lang eh babae yun.

"Okay, class dismissed. Yung mga absent ngayon paki-inform na lang sila tungkol sa project ah? Wag kalimutan" Pagkatapos mabanggit lahat ng makakapartner namin ay dinismissed na kami ni Sir.

Nagsilabasan naman na kami sa RM521 at nagkanya-kanyang alis na.

"Oy Kuya Claud sinong partner mo?" Tanong ni Benedict sa akin habang pababa kami papuntang 1st floor.

"Si Constantine. Ano na nga ulit pangalan nun? Taragis matatapos na yung sem may hindi pa ako kilala hahaha" Natawa din si Benedict sa sinabi ko. Totoo naman kasing hindi ko kabisado yung pangalan ng mga kaklase kong block A. Galing kasi ako sa block C tapos bigla lang akong nalipat sa A. Hindi ko rin alam kong bakit taragis eh.

"Ay si Alterria. Mabait yun tsaka magaling din. Kaibigan yun nina Celestine at Solar. Sila yung Powerpuff Girls ng block natin haha" Naalala ko na. Si Alterria Constantine nga pala yun. Hindi ko pa kasi nakausap yun kahit minsan kaya diko alam yung pangalan niya.

"Kilala ko na pala hahahaha salamat, Ben"

"Ay naku signs of aging hahahahahaha" Nang-asar pa talaga ang g*go. Taragis.

"Si Celestine naman partner ko. Magtropa pala partner natin hahahaha" Nakitawa na lang ako dahil wala naman na akong madagdag sa sinabi ni Ben. Absent naman ngayon si Eustace dahil inatake nanaman siya ng sakit niya. Wala tuloy akong alagad ngayon. Taragis.

Pagkalabas namin sa EC ay nakasalubong namin yung Powerpuff Girls. Papasok pa lang sila.

"Oy Powerpuff Girls! Tapos na klase natin kay Sir Mariano" Halata namang nadismaya yung tatlo sa sinabi ni Ben. Napatingin naman ako kay Alterria na walang bakas ng pagkagulat sa mukha. Normal lang siyang nakatingin kay Benedict sabay balik ulit sa pagse-cellphone. Taragis paano ko kaya makakausap ito kung ganyan din siya katahimik?

"Halaaaa sayang naman yung pasok namin. Kainiiiiis" Sa pagkakaalam ko si Solar yung nagreklamo. Hindi ko rin gaanong kilala itong tatlong ito eh.

"Sinabi na ni Sir Mariano yung magkakapartner kanina para sa final project natin" Kita ko naman sa mga mukha ng kaharap namin na curious sila sa sinabi ni Ben. "Tine! Partner nga pala tayo"

Tinaas naman ni Ben yung kamay niya para makipag-apir kay Celestine at nag-apiran silang dalawa na may kasamang tawa.

"Tapos ikaw Solar si Trace ang kapartner mo" Napatango-tango lang si Solar pagkatapos marinig kung sinong kapartner niya.

"Ter!" Nag-angat naman ng ulo si Alterria at inayos ng kaunti ang salamin niya. Mukhang magiging awkward yung paggawa namin ng project ah? Taragis.

"Ito naman partner mo" Biglang umakbay sa akin si Ben na ikinagulat ko dahil hindi ko inexpect na aakbayan ako ng mokong na ito. "Si Kuya Claud. Magaling ito promise" Dagdag pa niya. Taragis talaga itong si Ben kahit kailan eh. Ayokong sinasabihan ako ng magaling sa harap ng ibang tao. Nakakahiya kaya.

Paglingon ko sa direksiyon nilang tatlo ay biglang nagtama ang mga mata namin ng magiging kapartner ko.

'Kanina pa ba siya nakatingin sa akin?'

Mga ilang segundo rin kaming nagtitigan ni Alterria saka ako nag-iwas ng tingin at tumawa na lang ng kaunti. Taragis dito pa lang awkward na. Paano pa kaya pag gagawa na kami ng project namin?

"Kaya natin ito. Haha" Sumang-ayon naman sina Solar at Celestine sa sinabi ko at si Ben naman ay nakipag-apir pa sa amin. Kasama si Alterria.

"Oy una na kami ni Kuya Claud. Ingat kayo ah" Nagpaalam na si Benedict sa tatlo at kinawayan ang mga ito. Maging ako ay kumaway rin sa kanila at nagpaalam.

Tumingin ulit ako kay Alterria para makapagpaalam ako sa kanya at laking gulat ko naman na nakatingin siya sa akin. Sandali pa kaming nagkatitigan bago siya ngumiti at kumaway sa akin.

"Kuya Claud, good luck sa atin" Natulala ako bigla ng magsalita si Alterria. Yun ang unang beses na kinausap niya ako.

"Haha good luck" Dahil nablanko ako bigla at hindi ko alam ang sasabihin ko ay nag-good luck na lang din ako. Hindi ko alam kung anong nangyari pero parang may naramdaman akong kakaiba nung kausapin ako ni Alterria. Kinabahan ako bigla na ewan. Taragis na yan abnormal na ata ako. Langya.

---

Sa libo-libong mga nangagsipagdaan,
Iisa lamang ang tanging nasulyapan
Pigurang pumukaw ng pansin at siyang kumalabit,
Sa pusong kay tagal nang nananahimik

---

Ika-22 ng Nobyembre, taong 2017, ang simula ng paglalakbay tungo sa liwanag na unti-unting sumisilay sa madilim na kalawakan

🌠

Dealing with an AstronautTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon