*****
ZACH
Nakita ko si Ayumi na papalabas ng school katatapos lang din ng practice namin so I decided to envite her for lunch or snack kaya linapitan ko siya.
"Hey Ayumi right?" tanong ko sa kanya lumingon siya sa akin ng nakakunot noo ang sungit niya talaga pero maganda siya.
"Yes what do you need?" pagtataray niya sa akin.
"I'm Zach Fuentes yung nakabangga mo sa parking lot" sabi ko sa kanya.
"Ah yung nasabihan ko ng hambog sorry about that" sabi niya at ngumiti.
Kaya inaya ko na siya for lunch and she said yes kaya nagpunta kami sa La Prietta Restaurant. Ako na yung nag order ng pagkain namin , madami din kaming napagkwentuhan like sa course na kinukuha namin.
"May kapatid ka ba ?" tanong ko sa kanya.
"Wala only child lang ako ikaw?"
"Tatlo kami si ate Hail ang panganay at si Gab ang bunso" nakangiti kong sagot.
"Ang saya niyo siguro ano?"
"Yes kahit na may away at tampuhan pero at the end of the day nagkakaayos pa din kami." sagot ko sa kanya.
"How I wish meron din sana akong kapatid" natatawang sabi niya.
"Eh paano if meron nga?" biro ko sa kanya.
"I accept them kapatid ko yun eh" nakangiting sagot niya. Ang ganda niya talaga walang kolorete ang mukha niya at nakatali lang into messy bun ang buhok niya.
"Hey staring is rude alam mo ba yun?" sabi niya ng may pagkailang ang cute lang.
"Sorry" paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Baka malate ka sa next class mo" sabi niya sa akin.
"Nope two pa yung start ng class ko eh ikaw?" tanong ko sa kanya.
"Half day lang ako " sagot niya at tiningnan ang wrist watch niya. "One thirty na pala Zach tara na baka ma late ka sa class mo tagal din nating nag usap" natatawa niyang sagot.
"Sige ingat sa pag da drive" paalala ko sa kanya tumango lang siya sa akin.
Pinagmasdan ko siyang pumasok sa sasakyan niya kumaway siya kaya kumaway din ako pabalik. Ang saya niyang kakwentuhan at the same time napagmasdan ko siya. Bumalik na ako ng school ng nakangiti nang makasalubong ko sina Kier at Lash.
"Saan ka nagpunta? kanina ka pa naming hinahanap" sabi ni Lash.
"Dyan lang" sagot ko.
"Zach tapatin mo nga ako gusto mo ba si Ayu?" seryosong tanong ni Kier tinignan ko naman siya.
"What if I said yes" walang alinlangan kong sagot.
"Huwag mo lang sasaktan yun Zach. Ayu is important to us kaya huwag na huwag mong sasaktan pero kapag sinaktan mo yun alam mo na ang mangyayare" seryosong sabi niya.
"Si Ayumi ba pinag uusapan natin? yung pinsan niyo ni mylabs?" tanong ni Lash sinapok naman siya ni Kier.
"Huwag mong mina mylabs ang kapatid ko Lash Mondragon huwag mo siyang isali sa mga naging babae mo makakatikim ka din talaga sa akin" seryoso niyang sabi si Lash naman ay pasimpleng lumayo kay Kier.
"Katakot ka naman dude" sabi ni Lash kay Kier at kumapit pa sa akin si Lash. "Fafa oh si Kier katakot" sabi ni Lash at inipit pa ang boses.
"Gago ka talaga Lash bitaw ka nga" sabi ko ka Lash at tumawa.
"Hindi niyo na ako lab" sabi ulit ni Lash at inipit na naman ang boses niya. Binato na siya ni Kier ng mineral bottle na hindi ko alam kung saan niya pinulot. Panay naman ang reklamo ni Lash kaya tinawanan na lang namin siya ni Kier.
********
BINABASA MO ANG
CAPTURED BY YOU (COMPLETED)
RomanceWALANG DAHILAN PARA HINDI KA MAGMAHAL ULIT. KAPAG NABIGO KA SA UNA AT NASAKTAN SA PANGALAWA MALAY MO SA PANGATLO TADHANA MO NA ! AT KUNG PARA SAYO ANG ISANG TAO PARA SAYO TALAGA. THIS IS AYUMI'S STORY.