*****
AYU
Kumakain na kami ng dinner nagluto ako ng adobo dahil paborito ito ni Rhed.
"Dapat talaga nag chef ka na lang eh" natatawang sabi ni Kier.
"Gago mabulunan ka sana" sabi ko at inirapan siya.
"Ang hilig mo talagang mang asar kuya eh" sabi ni Rhed.
"Hindi pa kayo nasanay sa akin" sagot naman ni Kier at ngumisi.
"Sanay na kaya wala kang lovelife dahil ganyan ka" sagot ko sa kanya at ngumisi.
"Tse! may nililigawan naman ako ah" sagot niya at sumimangot.
"Pero hindi ka pa din sinasagot ni Karla hanggang ngayon" natatawang sabi ni Rhed.
"Naku Kier iba na yan maghanap ka na lang ng iba" sabi ko naman sa kanya.
"Oo na iba naman na eh, i met her sa club" sabi niya at namula pa.
"Namumula ka? seriously?" sabi ko at tumawa ng malakas.
"Mga siraulo kayo" sabi niya at sumimangot pa.
"Malapit na pala ang ang graduation any plans?" tanong ko sa kanila.
"Babalik na akong Australia tumawag si mom" nakasimangot na sabi ni Rhed.
"Haharapin mo na ba siya? alam na ba ni papa to?" nag aalalang tanong ni Kier.
"Hindi pa kuya, sasabihin ko pa lang kapag nakausap ko siya" malungkot na sabi ni Rhed. Magkapatid sina Kier at Rhed sa ama. Tinanggap naman siya ni tita Kyla dahil nga sa mag isa lang si Kier na anak hindi na kasi ito pwedeng manganak ulit dahil tinanggal na ang obaryo nito.
Natapos na kaming kumain ng napagkasunduan naming mag movie marathon. Horror ang napili naming panoorin.
"Ahhhhhhh" sigaw ni Rhed at tinakpan yung mukha niya ng unan.
Nagtawanan naman kami ni Kier buti na lang at hindi maaga ang pasok ko bukas dahil napuyat kami sa kakapanood yung horror naging comedy dahil kay Rhed.
MAAGA akong nagising at ginawa ko ang morning ritwal ko at bumaba na ako ng kwarto ko at dumiretso ng kusina.
"Morning Ayumi!" bati ni Kier ng naka apron nagluluto ito ng bacon at hotdog.
"Walang pancake?" tanong ko.
"Hindi pa dumating yung pinadeliver ko" sabi niya at kumamot pa sa ulo niya.
"Okay na yun kaysa wala" sagot ko sa kanya. Pancake ang paborito ko sa almusal samahan mo pa ng hot choco na may marshmallows.
"Ayu paano kapag nanligaw sayo si Zach?" seryosong tanong ni Kier.
"Okay lang he's a nice guy naman eh" sagot ko at sumubo ng bacon.
"Type ka ata niya" sabi niya kaya napaubo ako sa gulat.
"Oy! anyare sayo eto o tubig" sabi niya sabay abot ng tubig.
"Nakakagulat ka naman Kier, manginig ka nga sa sinasabi mo" sabi ko sa kanya at inayos ang sarili ko.
"Kunwari ka pa alam ko namang kinikilig ka" natatawang sabi niya.
"Whatever Kier tigilan mo ako" sabi ko sa kanya at tinuloy ang pagkain ko. At ang bwisit kong pinsan kumanta kanta pa siya ang panget naman ng boses niya.
*****
BINABASA MO ANG
CAPTURED BY YOU (COMPLETED)
RomanceWALANG DAHILAN PARA HINDI KA MAGMAHAL ULIT. KAPAG NABIGO KA SA UNA AT NASAKTAN SA PANGALAWA MALAY MO SA PANGATLO TADHANA MO NA ! AT KUNG PARA SAYO ANG ISANG TAO PARA SAYO TALAGA. THIS IS AYUMI'S STORY.