****
CHAD
Nasa isa akong club ngayon ng may nakita akong babae. She's pretty and sexy. May sexy lips siya na para bang ang lambot at ang sarap halikan. I find her cute and unique in her own way and at the same time may pagka weird siya. Nagbar ako para makalimutan ang ex kong si Alona inabot din kami ng taon pero iniwan niya pa din ako. Ganun pala yun no? kahit ilang taon pa kayo ng mahal kapag gusto niyang iwanan ka, iiwan ka choice niya yun eh.
"Hey kuya pasama naman ako!" sabi ng pinsan kong si Tiffanie.
"Saan ba?" tanong ko sa kanya.
"Sa Batangas sa bahay ng friend ko, nandoon kasi si Robi yung kinukwento ko sayong boyfriend ko" sabi niya.
"Fine magpalit lang ako saglit" sabi ko sa kanya at nagpunta ng kwarto ko. Bumaba naman ako agad at nandoon na nga sa sasakyan ko si Tiffanie hindi naman siya halatang exited diba?
"Pakilala mo sa akin yang boyfriend mo ah" seryosong sabi ko kay Tiffanie.
"Yes naman kuya huwag mo lang bubugbugin yun ah" natatawang sabi niya sa akin at tumawa pa. Umiling na lang ako sa kanya.
Malapit lang naman ang Batangas sa amin kaya mabilis kaming nakarating doon. Bumaba kami sa three storey house at halatang mayaman ang nakatira bongga din ang harapan. Maya maya ay binuksan ito ng babaeng nakatali ang buhok into messy bun, nakashort ng maong at loose shirt. Parang namumukhaan ko siya pero hindi ko maalala kung saan. Kasunod nito ang lalaking matangakad at gwapo, agad naman itong yumakap kay Tiffanie at niyakap din siya pabalik ni Tiff at niyakap din niya ang babae.
"Guys this is my cousin Richard
Ramirez, kuya Chad this is my boyfriend Robi and this is her best friend na close friend ko si Ayumi" pagpapakilala niya sa amin."Miss nagkakilala na ba tayo dati?" tanong ko sa babae natawa naman ito sa akin.
"Ah oo sa bar I'm Ayu" masayang sabi niya. Kaya pala familiar siya.
"Pasok muna kayo sa loob" aya niya sa amin. Malawak at malaki ang loob ng bahay nila at kung bongga na sa labas mas bongga sa loob. May family picture sila sa sala at yung picture lang ni Ayu at mama niya I guess.
"Mama mo?" tanong ko sa kanya.
"Ah oo mama ko siya fifty na siya sa sabado, di halata no" natatawang sabi niya.
Kaya pala maganda siya may pinagmanahan naman pala siya.
"Ang ganda niya, parang ikaw" sabi ko sa kanya. Namula naman ang mukha niya kaya kinurot ko ito.
"Wow ah masakit" reklamo niya sa akin tinawanan ko lang siya. Madaming awards ang nakasabit sa sa dingding. Valedictorian pala siya noong elementary siya hanggang highschool at magna cumlaude siya noong college siya.
"Matalino ka pala kahit ang dami mong hugot" natatawang sabi ko sa kanya.
"Grabe ah mas okay ng hindi ako bumagsak sa grades ko dati kaysa bumagsak sa taong hindi naman ako mahal" natatawa niyang sabi.
"May kulang sa awards mo" seryosong sabi ko.
"Ano naman?" kunot noong taning niya.
"Best in hugot or Queen of hugot" natatawa kong sagot binatukan niya ako at inirapan pero bakit ganun ang cute niya pa din kahit umirap.
*****
Team Zach o Team Chad ??😂😂😂😂
![](https://img.wattpad.com/cover/161690335-288-k323136.jpg)
BINABASA MO ANG
CAPTURED BY YOU (COMPLETED)
RomanceWALANG DAHILAN PARA HINDI KA MAGMAHAL ULIT. KAPAG NABIGO KA SA UNA AT NASAKTAN SA PANGALAWA MALAY MO SA PANGATLO TADHANA MO NA ! AT KUNG PARA SAYO ANG ISANG TAO PARA SAYO TALAGA. THIS IS AYUMI'S STORY.