TWELVE

1.2K 19 0
                                        

*****

AYU

It's our graduation day kasama ko si mama na nakangiti ng wagas at proud na proud sa akin.

"Ma tama na nga yang kakangiti mo ang creepy na" natatawang sabi ko

"Anak naman magna cumlaude ang anak ko kaya proud ako" sabi niya sabay pasimpleng kurot niya. Ang sakit pa man din niyang mangurot.

Umakyat na ako ng stage at kinuha ang awards ko todo ngiti naman si mama. Pagkatapos ay nagpunta na kami ng reception para sa party ko na inihanda ni mama.

"Ma sabi ko sayo huwag ka ng mag abala eh" sabi ko kay mama kasi wala ako sa mood mag celebrate.

"Ayumi minsan lang tong mga ganito just enjoy yourself" sabi niya at inasikaso ang mga bisita.

"Just enjoy yourself? eh nasasaktan pa nga ako " bulong ko sa sarili ko at napabuntong hininga.

"Ang deep nun ah" sabi ni Kier at bigla na lang sumulpot sa kung saan.

"Kabute ka ba?" tanog ko.

"Pick up line ba yan? bakit? natatawang sagot niya.

" Sira sulpot ka kasi ng sulpot" sabi ko sa kanya at kinuha ang cellphone ko.

"Nasasaktan ka pa din ba?" nag aalalang tanong niya.

"Yes, masakit na yung i deny ka eh sa harap pa ng ex niya" sagot ko sa kanya. "Magiging okay din ako, and malay mo soon mag heal na yung sugat ko sa puso" dagdag ko pa sa kanya.

"Alam kong kaya mo yan, anong plano mo ngayon?" tanong niya pa sa akin.

"Im going to Paris malay mo mahanap ko dun yung ka forever ko dun sa Eiffel tower" natatawa kong sabi sa kanya.

"Road to forever ang peg?" natatawang sabi niya kaya napatawa na din ako. "Kaso sabi ng waze that road is not existing" dagdag niya pa kaya binatukan ko siya.

"Lalim ng hugot mo sira ka talaga kuya! Congratssssss coussss" sabi ni Rhed at  niyakap ako isa pa to kabute din eh.

"Magkapatid talaga kayo,parehong kabute" natatawang sabi ko.

"Ang ganda ko namang kabute" sabi niya at sumimangot pa.

"Parang tanga to" sabi naman ni Kier at tumawa sinapak lang siya ng kapatid nito.

Nagtatawanan at nagbabangayan kami sa table ng dumating si Zach. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito. Gusto ko siyang yakapin dahil namimiss ko na siya pero hindi ko ginawa dahil pinipigilan ko ang sarili ko.

"What are you doing here?" malumanay na tanong ko.

"I just want to talk to you" sagot niya sumenyas naman ako sa dalawang pinsan ko na iwan muna kami.

"May dapat pa ba tayong pag usapan sa mag nangyare?" tanong ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita Ayu give me another chance please" sabi niya.

"Another chance? yung kasama mo yung haliparot na ex mo is okay, pero yung i deny mo ako sa harap niya is not okay! Kaya huwag na Zach oo mahal pa din kita pero ayaw ko ng masaktan pa ulit sa iisang tao, Halos binigay ko na lahat sayo! pero sinaktan mo lang ako you don't deserve a second chance. Umalis ka na, umalis ka na !" sigaw ko sa kanya. Agad naman siyang umalis sa harapan ko. Pinahid ko muna ang luha ko sa mga mata ko pero hindi sila maubos ubos kaya napahagulgol na lang ako.



******

CAPTURED BY YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon