TWENTY EIGHT

1.1K 17 0
                                    

AYU

Anim na buwan na ang nakalipas muna ng ikasal kami ni Chad. Walong buwan na ang tyan ko ngayon. Ginigising ko si Chad kahit sa gabi kapag may gusto akong kaini. Naaawa na nga din ako sa kanya dahil kahit pagot ay gigising siya.

Ngayon ay nasa bahay lang ako. Si Sky muna ang nag handle ng restaurant ko at Kier naman sa negosyo naming dalawa. Kumakain ako ngayon ng manga at sinasawsaw sa chocolate. Nawi wirdohan na nga sa akin si Rhed kasi one time inulam ko yung orange. Yung mansanas sa bagoong ko sinasawsaw kaya iniirapan ko siya. Ang laki na din ng tyan ko at panay ang galaw ng baby ko. Hinihintay ko kasi si Meg dahil mamasyal kami.

Maya maya ay may nagdoorbell kaya agad ko itong pinabuksan kay manang at tumayo na din ako. Nakita kong papasok ang babaeng hindi ko kakilala.

"Sino ka?" kunot noong tanong ko.

"Hindi ko alam na sa kagaya mo lang mapupunta si Richard" sabi niya at ngumisi.

"Alona?" patanong kong sabi.

"The one and only" sagot niya kaya confirmed! kinakabahan ako sa gagawin niya lalo pa at buntis ako ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Kinakabahan na talaga ako pero hindi ko pinapahalata.

"Nandito ako para balaan ka kukunin ko si Richard!" galit niyang sabi.

"Pero iniwan mo siya! at mag asawa na kami" sabi ko sa kanya.

"Magagawa ko yun kapag namatay kayong mag ina!" sigaw niya at tinulak ako sa pader na malapit sa akin agad akong dinaluhan ng dalawang katulong pero pati sila ay tinulak niya lang. Naramdaman kong may mainit na likidong lumabas sa akin. Hinawakan ko ito at dugo! Oh God! not my baby please. Agad namang bumukas ang pinto at pumasok sina Meg at Zach. Agad akong dinaluhan ni Meg at inalalayang tumayo.

"Zach ikaw na ang bahala dyan huwag mong papatakasin yan. At ikaw tawagan mo si Chad" sabi niya sa isang katulong. Si Zach naman ay tumango at pinatulog na yung babae. Bumaba na kami at sumakay sa kotse ni Meg may driver naman siya kaya dalawa kami sa likod.

"Kaya mo yan Ayu just relax everything will be fine" sabi niya kaya triny kong magrelax hanggang sa mawalan na ako ng malay.

______________

"Kuya bilis sa malapit na hospital" sabi ni Meg agad naman silang nagpunta sa malapit na hospital. Inasikaso sila agad at ipinunta si Ayu sa operating room for cs section dahil ang dami ng nawalang dugo sa kanya at delikado kung mawalang ng tubig yung bata.

Agad namang umuwi si Chad kasama si Hans para kasuhan si Alona.

"Kapag may nangyaring masama sa mag ina ko papatayin ko talaga yung babaeng yun" galit na sabi niya.

"Chill bro magiging okay din lahat. Pumunta ka na sa hospital kami na n Zach ang bahala sa ex mong baliw" sagot niya at dumiretso naman na si Chad sa hospital.

Nakatayo doon si Meg at palakad lakad.

"Kumusta ang mag ina ko?" tanong ko kay Meg.

"Nasa operating room pa sila hindi pa lumalabas ang doctor" sagot niya. Inilabas ni Chad ang cellphone niya at tinawagan ang mama ni Ayu ganun din ang mga kaibigan ni Ayu.

"Sino ang kamag anak ng pasyente?" tanong ng doctor. Agad na tumayo si Chad at lumapit sa doctor.

"Ako po dok asawa niya ako" sagot niya.

"Ligtas na ang mag ina mo ililipat na namin yung misis mo sa private room pero ang baby dahil kulang sa buwan ay kailangan pa natin ilagay sa incubator" sabi niya at tumalikod na.

Thanks God sabi naman ni Chad

****

CAPTURED BY YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon