*****
AYU
Kakarating lang namin ng mga kaibigan ko at dumiretso sa bahay sa Batangas, birthday kasi ni mama kaya isu surprise ko siya natawagan ko din sina Kier at Rhed.
Pero ngayon nasa isang club muna kami nagkayayaan naming mag club muna kaya nandito sina Kim,Ash,Sky,Robi,Rhed and Kier. Umiinom ako ng margarita ng may tumabi sa akin. Well gwapo siya at matangkad.
"Hi miss?" bati niya sa akin.
"Hello" sabi ko in a flirt tone. Nasa club ako no kaya ilabas mo din ang naughty side ko.
"My name is Chad and you?" tanong niya ng nakangiti shocks ang gwapo ang puti pa ng ngipin! pasimple kong kinapa kung meron pa yung panty ko. Makalaglag panty kasi besh!
"Ayu, my name is Ayu" sagot ko at ngumiti ng matamis napangiti din siya sa akin.
"Why are you here anyway?" tanong niya sa akin.
"Were having fun nakakapagod kasi kapag laging subsob sa trabaho" natatawa kong sagot."How about you?" dagdag kong tanong.
"Nag iinom iniwan kasi ako" sagot niya.
"Seriously? sa gwapo mong yan iniwan ka? well ako nga noon dineny?" natatawa kong sabi sa kanya. Parang nagulat siya kaya napakunot yung noo niya.
"Ang tanga naman nung lalake" sabi niya at ngumiti.
"Ganun talaga eh , nagmahal tayo kaya at the end nasaktan tayo" sabi ko at tumawa.
"Ilang taon kayo?" tanong niya.
"Uhm two months or four hindi ko na maalala that was six years ago." sabi ko at ngumiti.
"ilan ba naging ex mo?" tanong niya sa akin
"Siya pa lang" sabi ko at ngumiti.
"Bakit hindi ka nag try ulit?" tanong niya.
"Naging busy na kasi ako eh, eh ikaw ilang taon kayo?" sabi ko.
"Three years kami pero naghanap siya ng iba" sagot niya.
"Hindi ka na ba magmamahal ulit?" tanong ko
"Malay mo soon lalo na ngayon at may nakita ako" natatawa niyang sagot.
"You know what ang mga lalake talaga kapag nanliligaw sila para silang santo pero kapag nakuha na nila ang gusto nila parang sinaniban na sila ng masamang espiritu." sabi ko at tumawa pa.
"No hindi naman lahat, isa lang yung minahal mong lalake huwag mo namang lahatin" seryosong sabi niya sa akin. Matagal din kaming nagka kwentuhan nang tinawag ako ni Kier.
"Sino siya?" tanong ni Kier.
"This is Chad, Chad this is Kier pinsan ko" pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Nag shake hand silang dalawa.
"Sige Chad we have to go" paalam ko sa kanya kumaway naman ito sa amin.
"Magkaka lovelife ka na niyan" natatawang sabi ni Kier.
"Ang gwapo ng fafalicious mo" sabi ni Sky at tumawa.
"Cheers para sa lovelife ni Ayu!" masayang sabi nina Kim at Ash natawa naman kami sa kanila. Lumapit si Kier may Ash crush niya kasi eh. Si Rhed naman ay katabi ni Lash mag jowa na pala sila. Baklang to!
"Si Tiff susunod daw dito" sabi ni Robi.
"Oh di maganda para di ka malungkot" natatawa kong sagot sa kanya.
"Yes I miss her" sabi niya naku inlove talaga itong bestfriend ko sa jowa niya.
Ako kaya kailan magkaka lovelife?
******

BINABASA MO ANG
CAPTURED BY YOU (COMPLETED)
רומנטיקהWALANG DAHILAN PARA HINDI KA MAGMAHAL ULIT. KAPAG NABIGO KA SA UNA AT NASAKTAN SA PANGALAWA MALAY MO SA PANGATLO TADHANA MO NA ! AT KUNG PARA SAYO ANG ISANG TAO PARA SAYO TALAGA. THIS IS AYUMI'S STORY.