AYU
Today is my mama's birthday agad ko siyang pinuntahan sa kwarto niya. Kumatok muna ako bago pumasok hawak ko ang favorite cake niya.
"Ma" tawag ko sa kanya, nakita ko siya sa may veranda ng kwarto niya nagkakape pala siya ang aga naman niya nagising.
"Happy birthday ma" sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi ngumiti siya sa akin at yinakap ako. "Blow your candle ma bago tayo mag iyakan!" sabi ko sa kanya at tumawa.
Agad naman siyang nag blow ng candle niya.
"Anong wish mo ma?" tanong ko sa kanya.
"Simple lang naman anak, magkaroon ng apo" natatawang sagot niya kaya uminit yung pisngi ko.
"Grabe ma ha wala nga akong boyfriend anak pa kaya?" natatawa kong sabi sa kanya.
"Nakakamiss kasi yung may baby sa bahay hindi naman na ako bumabata anak" seryoso niyang sabi.
"Malay mo ma soon, nga pala maghanda ka mamaya it's your 50th birthday ma" sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Bumaba na din ako at hinanda ang sarili ko.
Ngayon ay nasa isang hotel kami dito kasi gaganapin ang celebration ni mama. Nakasuot lang ako ng black dress na backless at tinernohan ng black high heels naglagay din ako ng light make up para palutangin ang beauty ko. Nang makontento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako at pinuntahan si mama. Nakita ko na din siyang papalabas, naka gold dress siya at ang ganda niya ngayon hindi siya mukhang fifty dahil ang bata niya tignan.
"Ready ka na ma?" masayang tanong ko sa kanya.
"Always ready my beautiful and favorite daughter" natatawang sagot niya.
"Sa beautiful ma matagal na mula pa noong pinanganak mo ako pero yung paborito? seriously ma ako lang yung anak mo" natatawang sabi ko sa kanya. Napatawa naman si mama kaya napairap ako sa kanya.
"Naku ma ikaw talaga ang ganda mo pa man din ngayon pero mas maganda ako" natatawang sabi ko kaya pasimple niya akong kinurot.
"Yung wish ko ha wag mong kakalimutan" natatawang sabi ni mama at kumindat pa sa akin napailing naman ako sa ginawa ng nanay ko.
Linapitan ko na ang mga bisita at ngumiti sila. Nandito ang mga kaibigan ko, ang pinsan kong sina Rhed at Kier, ang magpinsan na sina Tiffanie at Chad at ang hindi ko inaasahang tao na muli kong makikita si Zach agad na lumapit si Zach sa akin.
"Kumusta ka?" tanong niya makakumusta siya parang walang nangyare six years ago pero di ako bitter.
"Ayos lang heto masaya ako ikaw?" nakangiting sagot ko sa kanya.
"Sorry nga pala about sa nangyari noon" seryosong sabi niya.
"Ano ka ba ang tagal na nun huwag na natin ungkatin past is past" sagot ko pero nanggigigil na talaga akong sipain siya palabas. Tumingin ako kay Chad at pasimple itong sinenyasan para lumapit. Hinalikan niya muna ako sa pisngi.
"Ah Zach maiwan ka muna namin ha" paalam ko sa kanya at lumayo na sa kanya.
"Sino yun?" tanong ni Chad.
"Siya si Zach yung ex ko" sagot ko sa kanya halata sa mukha niya ang gulat.
"Bakit di mo sinabi?" kunot noong tanong niya.
"Kaya nga tinawag kita diba kasi naiilang ako" sagot ko sa kanya.
"Pero mahal mo pa ba?" tanong niya ulit.
"Hindi na ikaw ba kaya pang mahalin ang taong nanakit na sayo dati?" balik tanong ko sa kanya.
"Depende kung paano niya ako sinaktan" sagot naman ni Chad.
"Lalim nun ah" natatawang sabi ko kaya tumawa din siya.
"Ayumi pwedeng akin ka na lang?" tinignan ko siya at mukhang seryoso siya. Nabingi ako sa tanong niya pero bakit ganun feeling ko may mga nagliliparang mga paru paro sa tiyan ko at tila kinikilig ako. Gosh! hindi na ako teenager na dapat kiligin umasta ka nga sa taon mo Ayumi! galit na sabi ko.
Posible kayang nahuhulog na ako sa kanya?
*****

BINABASA MO ANG
CAPTURED BY YOU (COMPLETED)
RomansaWALANG DAHILAN PARA HINDI KA MAGMAHAL ULIT. KAPAG NABIGO KA SA UNA AT NASAKTAN SA PANGALAWA MALAY MO SA PANGATLO TADHANA MO NA ! AT KUNG PARA SAYO ANG ISANG TAO PARA SAYO TALAGA. THIS IS AYUMI'S STORY.