AYU
Two months ko ng hindi nakikita si Chad at sa two months na yun nakabili na kami ng magiging restaurant namin sa city namin binalak ni Kier dahil madaming tao at siguradong papatok sa madla malapit na din ang opening nito pinangalanan namin ito YukiDexi Cafe and Restaurant sa taas naman ay may bar kaya hindi sila mabo bored.
Nasa labas ako ng bahay ng may tumigil na black skoda octavia hatchbag, yayamanin ang may ari! namamangha kong sabi sa sarili ko. Nakita kong bumaba na ang may ari at yung taong hindi ko na nakikita ng dalawang buwan si Chad aaminin ko namimiss ko na siya at hinahanap ko ang presensya niya kahit saglit lang kami magkita.
"Hey Ayumi" bati niya sa akin pinagbuksan na siya ni manong guard at pinapasok.
"Buhay ka pa pala" natatawang sabi ko sq kanya.
"Naging busy kasi ako sa kompanya at may mga bussiness trip namiss mo ako noh?" sabi niya sa akin at hinalikan pa ako sa pisngi aba't close kami! Umiwas ako ng tingin kasi feeling ko namumula yung pisngi ko sa ginawa niya. Pumasok na kami sa loob at nagpahanda ng pagkain kaya nakaupo muna kami sa couch ng living room at nanood ng TV
"Kumusta ka naman balita ko magbubukas na ang restaurant niyo?" tanong niya sa akin nagulat naman ako kaya tumingin ako sa kanya.
"Kanino mo nalaman?" tanong ko sa kanya.
"Kay Tiff at Kier" tipid na sagot niya.
"Close na kayo ni Kier?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.
"Kinda. Bakit masama ba?" natatawang sabi niya.
"Hindi naman. Hindi lang ako makapaniwala. Sila kinokontak mo ako hindi" kunwaring nagtatampong sabi ko pero totoong nagtatampo ako. Feeling girlfriend ang peg haha
"Nahihiya kasi akong tawagan ka kasi baka busy ka" nakayukong sagot niya. Tinignan ko lang siya at tinitigan may makapal siyang kilay,thick and long eyelashes,color blue eyes,matangos na ilong at pinkish lips na parang ang lambot at ang sarap halikan. Hihi anlande mo Ayu! sabi ng utak ko.
"Baka matunaw ako" nakangising sabi niya sa akin kaya umirap ako.
"Ang feeling mo naman Mr. Richard Ramirez" natatawa kong sabi sa kanya.
"Nakita kitang tinititigan ako Ms. Ayumi Dennise Dela Vega Xi kaya huwag ka ng magkaila" sagot niya sa akin at ngumisi pa. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang buong pangalan ko kaya napailing ako.
"Inaantok ako pwede bang maki sleep over dito?" tanong niya sa akin.
"Okay sige sa guest room ka na lang muna ikuha na lang muna kita ng damit ni Kier" sabi ko sa kanya.
"Ay hindi na may damit ako sa kotse" sagot niya at ngumiti pa. Hindi rin siya handa eh.
"Hindi rin halatang pinaghandaan eh" natatawa kong sabi sa kanya.
"Namiss kita eh" sabi niya at kumindat pa sa akin kaya inirapan ko lang siya pero sa totoo lang kinikilig na ako at gusto ko ng sumigaw.
"Sige na matulog ka muna at gisingin na lang kita mamaya kapag kakain na. Ano nga palang gusto mo for lunch?" tanong ko sa kanya.
"Pwedeng ikaw na lang" sabi niya nagulat naman ako sa sinabi niya kaya namula ako.
"Ikaw na lang bahala ang ibig kong sabihin" natatawa niyang sabi at tunawa pa siya ng malakas.
"Bwisit kang Ramirez ka!" pikon kong sabi. Pero gusto ko ng lamunin ng lupa sa kakahiyan! Nakakahiya!
******
BINABASA MO ANG
CAPTURED BY YOU (COMPLETED)
RomanceWALANG DAHILAN PARA HINDI KA MAGMAHAL ULIT. KAPAG NABIGO KA SA UNA AT NASAKTAN SA PANGALAWA MALAY MO SA PANGATLO TADHANA MO NA ! AT KUNG PARA SAYO ANG ISANG TAO PARA SAYO TALAGA. THIS IS AYUMI'S STORY.