*****
ZACH
Napapailing pa din ako sa nangyari kanina sa parking lot. Ang astig kasi ng babae eh nakadalawa siya sa akin pinakyu na nga ako ginago pa ako ibang klaseng babae. She is sexy and has a tantializing deep brown eyes na parang tutunawin ka kapag tinitignan ka niya at bilugan ang mga ito, may natural red lips at matangos na maliit ang ilong. Ash gray ang kulay ng buhok nito at hanggang baywang niya yun. Matangkad, makinis at sexy siya sa suot niyang high waist short at crank top hindi ito naka heels katulad ng babae naka rubber shoes lang ito. Enough na ang pagpuri sa babaeng yun sabi ng utak niya kaya napailing na naman siya.
"Hey dude! kanina ka pa iling ng iling dyan ah hulaan ko babae no?" natatawang asar sa akin ni Kier.
"Gago pakialam mo ba dude?" natatawang sagot niya dito.
"Alam kong babae yan naku naman sa tagal na nating magkakilala kilala na kita uy! bestfriend na tayo nila Lash mula bata !" natatawang sagot nito.
"Oo na lang asan na ba yung ugok na yun" tanong niya dito.
"Dati pa din naghahanap ng bibiktimahin" sabi niya sabay tawa. Sa kanilang tatlo si Lash ang babaero, si Kier naman ang friendly sa grupo at siya ang pinaka gwapo. Ang lakas ng hangin !
Nagka girlfriend na ako sina Mara at Cheska pero naghiwalay din naman kami. Sabi kasi nito studies first daw pero alam naman niyang front lang nila yun. Nagsawa siguro ang mga ito sa kanya kaya siya iniwan pero sabi nga nila past is past.
Naglalakad na sila ng may maramdaman siyang parang naapakan niya isa yung id pinulot niya ito at tinignan kung kanino. Yung babae kanina sabi niya sa sarili niya so Ayumi Dennise D. Xi ang pangalan niya ang ganda ng pangalan it's suits her. Isa pala siyang commerse student sayang magkalayo ang building nila isa kasi siyang engineering student.
Ang ganda niya sa picture grabe."Si Ayu to ah" sabi ni Kier at agaw sa id na hawak niya.
"Paano mo siya nakilala?" kunot noong tanong niya.
"Dean's lister kasi to dude sa commerse building" sagot niya at ngumiti sa akin so matalino pala siya.
"Siya ba ?" natatawang sabi niya sa akin at napangisi siya.
"Oo siya yung babae kanina sa parking lot" sagot ko sa kanya.
"Palaban talaga yan at may pagka maldita" natatawang sagot nito at tumawa.
"Eh bakit kilala mo siya?" curious na tanong ko sa kanya.
"Pinsan ko siya dude akin na yan ako na magbabalik nito" sabi niya at umalis na. Dela Vega nga pala apelyido niya sa yun siguro yung D na middle initials niya. Kapatid niya si Rhed Dela Vega na may pagka bitch.
Nagtungo na lang siya sa department nila at nakasalubong niya si Brei na matagal ng nagpapansin sa kanya.
"Hey babe!" bati nito sa kanya at humawak sa bisig niya.
"Stop calling me babe and don't touch me" inis kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin.
"C'mon huwag ka ng pakipot Zach alam ko namang magugustuhan mo din ako" confident na sabi niya.
"Dream on Brei ang papansin mo na nga ang bitch mo pa" pambabara niya sa babae at tinalikuran na ito. Narinig pa niyang sumisigaw ito pero hindi na niya pinansin wala siyang panahon para sa mga kagaya nito.
*******
BINABASA MO ANG
CAPTURED BY YOU (COMPLETED)
RomanceWALANG DAHILAN PARA HINDI KA MAGMAHAL ULIT. KAPAG NABIGO KA SA UNA AT NASAKTAN SA PANGALAWA MALAY MO SA PANGATLO TADHANA MO NA ! AT KUNG PARA SAYO ANG ISANG TAO PARA SAYO TALAGA. THIS IS AYUMI'S STORY.