SEVEN

1.4K 21 0
                                    

*****

AYU

Nakarating na ako ng condo ko kasama ko si Zach kanina at hindi naman pala siya hambog in fact mabait siya. Nag half bath muna ako at nagpalit ng pambahay. Maya maya ay may nag doorbell. Istorbo! matutulog ako eh.

Binuksan niya ang pinto and it's Rhed na namumula ang mata. Agad niya itong pinapasok niyakap naman siya ni Rhed.

"Nakipag break na sa akin si Rick" sabi niya habang umiiyak si Rick ang boyfriend niya almost two years na sila.

"Bakit daw?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na daw siya masaya sa akin at hindi na daw niya ako mahal nagsasawa na siya sa akin dahil may mga bagay na hindi ko maibigay sa kanya" kwento niya habang umiiyak.

"Tahan ka na hindi siya worth it ang gago niya para pakawalan ka" pang aalo ko sa kanya at niyakap siya. Kumuha ako ng alak sa fridge alam kong kailangan niya ito pansamantala.
Uminom muna kami nilunod niya yung sarili niya sa alak habang umiiyak pa din.

"Mahal na mahal ko yung gagong yun eh" sabi niya pinapakinggan ko lang siya.

"Sabi niya mahal niya ako at hindi niya ako iiwan pero iniwan niya ako. Ano pa bang kulanh sa akin" sabi pa niya

"Walang kulang sayo sobra sobra na nga ang naibigay mo sa kanya" pang aalo ko sa kanya.

"Tang inang yun siguro kaya siya nagsawa dahil may babae na siya dahil may iba na siya" umiiyak pa din na sabi niya.

"Hey stop it hayaa mo na siya" sabi ko sa kanya.

"Ang sakit sakit eh, ang sakit dito" sabi niya at tinuro pa niya ang dibdib niya. Umiiyak pa din siya ng umiiyak hanggang sa nakatulog na ito. Inayos ko muna siya sa sofa at tinawagan ang kapatid niya. Sinabi ko lahat lahat kaya nagmamadali itong nagpunta sa condo ko.

"Dito na siya matulog may guest room naman dito palitan ko muna siya" sabi ko kay Kier at binuhat niya ito sa guest room. Pinalitan ko muna siya at pumunta sa sala.

"Thank you Ayu" sabi niya sa akin.

"Ano ka ba naman Kier okay lang yun." sabi ko sa kanya.

"Humanda talaga ang Rick na yun gago siya eh" galit na galit na sabi ni Kier.

"Kalma ka nga Kier" sabi ko sa kanya.

"Hindi Ayu kapatid ko na sinaktan niya, ikaw muna bahala sa kanya ha" sabi niya at hinalikan ako sa noo ugali na niya iyon simula mga bata pa lang kami.

"Mag iingat ka" sabi ko na lang sa kanya nagpunta muna ng kusina para magluto.


******

KIER

Gagong Rick yun wala siyang kwenta!. Agad akong bumalik sa school at hinanap siya nakasalubong ko si Lash.

"Si Rick nakita mo?" tanong ko kay Lash.

"Nasa likod kasama ang mga barkada niya" sagot niya nagmamadali akong nagpunta doon nakasunod lang si Lash sa akin. Galit na galit ako ngayon dahil sa ginawa niya sa kapatid ko.

Kwinelyuhan ko siya at sinuntok kaya napahandusay siya. Halata namang nagulat siya at pinahid ang dugo sa gilid ng labi niya.

"Sinabihan na kitang huwag mong sasaktan si Rhed diba!" sabi ko sa kanya at sinuntok na naman. Walang nagtangkang umawat sa akin dahil alam nilang galit ako. Sinuntok ko siya ng sinuntok hanggang sa mawalan na siya ng malay. Tinignan ko naman ang mga barkada niya nagsi iwasa lang sila ng tingin.

"Idala niyo na yan sa clinic" malamig na sabi ko agad naman silang sumunod.

"Relax na dude tapos na" sabi ni Lash alam kong mananagot ako sa school dahil sa ginawa ko kay Rick pero wala na akong pakialam.

"Kier Dela Vega proceed to the president's office now."

"Kier Dela Vega proceed to the president's office now" sabi ng speaker

"Lagot ka sa tatay mo" natatawang sabi ni Lash. Agad na akong nagpunta sa president's office ayaw ko naman siyang pag antayin dahil baka magiging dragon na yun.

"Anong nakain mo at sinaktan mo si Rick?" tanong niya sa akin.

"Sinaktan niya si Rhed pa what do you want me to do? panoorin lang si Rhed na umiiyak?" naiinis na sagot ko at oo tatay ko siya ang president ng school.

"Tama lang yung ginawa mo son serves him right kumusta na siya ngayon?"

"Nandoon siya sa condo ni Ayu pa, sige na kailangan ko na siyang balikan doon" sagot ko at tumalikod na.

"Pakikamusta ako kay Ayu" sigaw niya sinara ko na ang pinto at umalis na. Kailangan konh kamustahin ang kapatid ko.

*******

CAPTURED BY YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon