AYU
Nagising ako dahil sa ingay ng mga tao. Babangon na sana ako ng sumakit ang tyan ko kaya napadaing ako.
"Huwag ka munang maggagalaw dahil yung sugat mo baka bumuka" sabi ni Chad sa akin.
"Nasaan ang baby ko? Bakit wala na siya sa tyan ko?!" nagpapanic kong tanong.
"Relax hon she's fine gusto mo bang dalawin siya?" sabi ni Chad kaya napatango ako bilang sagot.
Nagpunta kami sa nursery room at nasa loob nga ng incubator ang little angel ko.
"Anong ipapangalan natin kay little girl?" nakangiting tanong ni Chad.
"Alexius Scarlet Dane" nakangiti kong sagot sa kanya. Hinalikan niya ako sa labi.
"Akala ko talaga mawawala na kayo sa akin" sabi niya at nagpunas pa ng luha si Chad.
"Hindi ka namin iiwan hon, hindi ka namin iiwan ni baby" nakangiti kong sagot sa kanya at niyakap pa siya.
"Nakakulong na sa mental hospital si Alona matagal na pala siyang may problema sa utak mula ng mamatay ang parents niya at nasobrahan niyang gumamit ng bawal na gamot" sabi niya sa akin.
"Naaawa ako sa kanya hon pero at the same time nagagalit kasi dahil sa kanya muntik ng mawala si baby natin" sabi ko sa kanya at pasimpleng pinunasan ang luha sa gilid ng aking mata. Agad niya naman akong niyakap.
Isang buwan kami sa hospital dahil kay babay Scarlet ko at ngayon ay pwede na namin siyang iuwi. Hawak hawak siya ni Kier ngayon at isinayaw sayaw pa ito.
"Kailan ba kayo magkakaanak ni Kim?" biro ko sa kanya tinignan ko naman silang dalawa at pareho pang namumula.
"Buntis si ate Kim" natatawang sabi ni Rhed at lalong namula si Kim.
"Ikaw talagang pula ka ang daldal mo" sabi ni Kim at pinanlisikan pa niya ito ng mata pero si Rhed ay tawa lang ng tawa.
"Totoo naman ate eh your always eating lansones and you always sawsaw it to alamang and its like eww and your always mad at me eh dati hindi naman" nakangusong sabi ni Rhed kaya si Kim ay tumayo at pinisil sa pisngi si Rhed todo reklamo naman si Rhed at nagtago sa likod ni Lash.
"Yes I'm pregnant tatlong buwan na" nangingiting sagot ni Kim.
"I'm so happy for you" sabi ko at niyakap siya. Sina Ash at Sky ay parehong busy sa trabaho.
Maya maya ay dumating si mama kasama sina Zach at Meg. Agad naman lumapit si mama at niyakap ako ganun din si Meg.
"Kier ako naman ang kumarga sa apo ko" sabi ni mama kaya walang nagawa si Kier at ngumuso pa ito kaya pinanlisikan siya ng mata ni mama.
"Meg thank you talaga ng marami ha" sabi ko kay Meg.
"Naku Ayu nakailang thank you ka na sa akin mula at ng magising ka puro pasasalamat na yung sinabi mo sa akin" natatawa niyang sagot.
"Eh totoo naman utang ko sayo ang buhay namin ni Scarlet." sagot ko.
"Basta ba para sa inaanak ko eh" natatawang sabi niya kaya niyakap ko ulit siya.
Napagpasyahan namin na umuwi muna sa bahay namin ni Chad. Nagpahanda pala si mama sa bahay for baby Scarlet.
Magiliw naman kaming sinalubong ng mga katulong nandito na din ang bestfriend ni Chad na laging kasama niya sa pag aayos ng kaso laban kay Alona na si Hans lawyer pala ito.
Naging masaya ang unang ni Baby Scarlet namin sa bahay. Nasa tabi ko lagi si Chad at umaalalay sa aming mag ina at halatang masayang masaya siya at sana lang talaga wapa ng manggugulo sa amin.
****
Next Epilogue na hahaha
BINABASA MO ANG
CAPTURED BY YOU (COMPLETED)
RomansaWALANG DAHILAN PARA HINDI KA MAGMAHAL ULIT. KAPAG NABIGO KA SA UNA AT NASAKTAN SA PANGALAWA MALAY MO SA PANGATLO TADHANA MO NA ! AT KUNG PARA SAYO ANG ISANG TAO PARA SAYO TALAGA. THIS IS AYUMI'S STORY.
