AYU
Nakita ko si Chad na nagluluto at naka apron pa ito. Lumapit ako sa table at nakita kong may itlog,ham at hotdog. Ngayon ay naggigisa na siya for sinagang ng maamoy ko ang bawang at sibuyas na ginigisa niya ay napatakbo ako sa banyo para doon magduwal.
Narinig ko naman na pinatay niya muna ang stove at tarantang nagpunta siya sa akin.
"Are you okay baby?" tanong niya sa akin at hinagod pa ang likod ko agad ko namang pinunasan yung bibig ko.
"I'm fine noong maamoy ko kasi yung sibuyas at bawang na ginigisa mo bumaliktad yung sikmura ko kaya ako nagduwal" paliwanag ko sa kanya.
"Are you pregnant?" tanong niya.
"Hindi pa ako dinadatnan" sagot niya. Delayed na ako kasi dapat last week pa ako dinalaw ng menstruation ko. At hindi malabong mabuntis ako dahil hindi naman kami gumagamit ng proteksyon.
"Magbihis ka magpapa check up ka ngayon" sabi niya kaya agad akong nag half bath at nagsuot ng dress at flat sandals. Magkahawak kamay kaming lumabas ng elevator hanggang sa makasakay kami ng kotse niya at dumiretso sa malapit na Obgyne.
Agad naman kaming pumasok sa clinic ng hindi naman katandaan na babae.
"Chad kumusta ka?" magiliw na tanong nito.
"I'm fine tita. By the way this is Ayumi my soon to be wife, Hon this is Tita Mia." pagpapakilala niya sa amin. Nagulat pa ako sa future to be wife niya kasi hindi pa namin napag uusapan. Nakipagbeso ako sa doctor at ngumiti.
"Your so beautiful iha" puri sa akin ng doktor kaya namula naman ako. Nagbigay siya sa akin ng pregnancy test kit at pinapasok sa banyo. Agad ko namang ginawa ang procedure at nag two red lines nga. Positive! thanks God magiging mommy na ako!. Lumabas na ako sa banyo at pinakita ang PT kit. Nanlaki naman ang mata ni Chad at agad akong niyakap.
"You made my day hon thank you for the special gift" sabi niya at hinalikan pa ako kaya napangiti ako. Inalalayan ako ni dok para mahiga for ultrasound para makita kung okay lang ba ang tibok ng heart ng baby namin at kung ilang weeks na siya.
"Okay naman ang heart ng baby niyo at three weeks pregnant na siya. Huwag kang masyadong ma stress at inumin mo yung mga vitamins at uminom din ng gatas. Kumain ka ng gulay at prutas kasi maganda yun para sa baby. Ikaw Chad huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Ayumi" bilin ni dok sa amin.
"Tita goodboy naman ako ah" sabi ni Chad kaya napatawa ako.
Nagpasalamat na ako kay dok at lumabas na kami sa clinic niya. Napagpasyahan namin na pumunta kay mama.
Nandito na kami sa bahay ni mama at prente itong nakaupo.
"Mama sorry po pero I'm pregnant" sabi ko at yumuko.
"You don't have to apologize anak" nakangiti niyang sabi sa amin. "Kailangang asikasuhin niyo ang kasal bago lumabas ang apo ko" seryosong sabi niya.
"Yun na nga po ang aasikasuhin namin bukas na bukas din" seryosong sabi din ni Chad. Nagkwentuhan pa kami bago kami nagpasyang umuwi.
"Hindi mo naman kailangang gawin yung kasal kung hindi ka pa handa" sabi ko kay Chad.
"Sino bang nagsabing hindi pa ako handa? magkakaanak na tayo sa tingin mo ba hindi pa ako handa besides mas lalo na akong gaganahan sa trabaho dahil may magiging baby na tayo" nakangiti niyang sagot.
Ako naman ay hindi ko ini expect yung sagot niya sa akin. Kaya hinawakan ko ang tummy ko at sinabing
"Baby masaya ako na dumating ka sa buhay namin ni daddy magpalakas ka lang sa womb ni mommy ha"
****
BINABASA MO ANG
CAPTURED BY YOU (COMPLETED)
Roman d'amourWALANG DAHILAN PARA HINDI KA MAGMAHAL ULIT. KAPAG NABIGO KA SA UNA AT NASAKTAN SA PANGALAWA MALAY MO SA PANGATLO TADHANA MO NA ! AT KUNG PARA SAYO ANG ISANG TAO PARA SAYO TALAGA. THIS IS AYUMI'S STORY.
