SIXTEEN

1.2K 22 0
                                        

****

AYU

Nasa garden kami ni Chad nasa loob naman ang mga kaibigan ko.

"May pupuntahan ka ba bukas?" tanong niya sa akin.

"Bibili ako ng regalo for mama bakit?" sagot ko sa kanya.

"Date tayo bukas" sabi niya kaya nagulat ako sa kanya.

"Bilis ah pero for real?" tanong ko pero yung totoo gusto ko talaga haha.

"Friendly date lang maliban kung gusto mong i date ang hindi pa nakakamove on" natatawang sagot niya sa akin.

"No way! sira ka talaga" sagot ko sa kanya at tumawa.

"Pero salamat kasi nakilala kita" seryosong sabi niya. Ay wag kang ganyan kyah! kinikilig ako!

"Naku wala yun" kunwaring sabi ko.

Nagkukwentuhan pa kami ng lumabas na nga sila Rhed,Kier,Lash,Kim,Ash at Sky yung magkasintahan nasa loob pa.

"Bagay kayo" sabi ni Sky kaya namula ako.

"Namumula si ate" kantyaw naman ni Kim at nagtawanan sila.

"Ligawan mo na Chad" natatawa ding sabi Ash at nagtawanan na naman sila.

"Tigilan niyo nga kami nakakainis kayo" inis na sabi ko panira sila ng lovelife ko. Nagtawanan na naman sila kaya tumayo muna ako at dumiretso sa kusina.

Tumulong muna akong magluto kila manang para mawala yung inis ko.

"Marunong ka palang magluto" sabi ni Chad

"Ah yeah chef ako dati sa Paris at nagkaroon ng sariling restaurant" sagot ko sa kanya.

"Eh bakit hindi ka magtayo dito?" tanong niya

"Balak ko nga din eh pero soon magpapatayo ako dito." sagot ko ng nakangiti.

"Yayamanin" sabi niya at ngumiti

"Baliw eh ikaw anong pinagkakaabalahan mo?" tanong ko sa kanya.

"Ceo ako ng kompanya ng pamilya ko ako na kasi yung sumalo ng responsibilities ni dad" sagot niya.

"Hindi ba mahirap yun? pressure at pagod" sabi ko sa kanya.

"Noong umpisa oo pero nasanay na ako ganun talaga eh, hindi ko naman kayang pabayaan ang kompanyang pinaghirapan nila" sagot niya sa akin.

"Yan ba ang gusto mo para sa sarili mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo idol ko kasi si dad kasi naba balance niya ang work at sa pamilya niya akala ko madali lang pero hindi din pala kaya nga idol ko siya" sabi niya at ngumiti pa.

"Buti ka pa kami kasi ni mama siya yung nasusunod, noong una she want me to take commerse at natapos ko naman ito with amazing awards" natatawang sabi ko sa kanya.

"Commerse yung natapos mo pero how come na naging chef ka?" curious na tanong niya.

"Simple lang nag aral ulit ako" natatawa kong sagot sa kanya.

"Pilosopa ka din eh no" natatawa niyang sabi sa akin kaya napairap lang ako sa kanya at hinanda na ang pagkain.

Tinawag na ni Chad ang mga kaibigan namin at kumain na kami. Nagtatawanan kami habang kumakain ng tumunog ang cellphone ko si mama ang tumatawag.

"Excuse guys" paalam ko sa kanila at sinagot ang tawag.


"Yes ma?" sabi ko sa kanya.

"Anakkk I miss you na uwi na ako dyan" masayang sabi niya sa akin.

"Ma talaga feeling bagets! magsi singkwenta ka na ma" natatawa kong sabi sa kanya.

"Tse anyway I miss you dear see you tommorrow baby!" sabi niya at tumawa.

"Ma hindi na ako baby twenty six na ako kaloka ka" sagot ko sa kanya kaya tumawa din siya. Nagpaalam na siya sa kabilang linya at pinatay ko na din ang tawag. I miss her so much.

*****

CAPTURED BY YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon