AYU
Kinabukasan ay nagpunta kami sa botique ni Kim. May botique kasi siya dito. Agad na kaming pumasok at sinalubong kami ng isang babae.
"Good morning po" bati niya sa amin at nagpa cute pa kay Chad pero pinalagpas ko yun.
"Ano pong gusto niyo?"tanong niya at todo ngiti pa ito kay Chad. Nagpaalam muna si Chad sa akin para sagutin yung tawag mula sa office niya at hinalikan ako sa pisngi.
"Gusto kong kayo ang magtahi ng wedding gown ko. Ang gusto ko ay dirty white" sabi ko sa kanya. Ayaw ko kasing mag wedding dress ng white kasi alam ko naman ng hindi na ako birhen bago ako humarap sa altar.
"Ayaw niyo po ba ng white?" tanong niya.
"No mas gusto ko ang dirty white at gusto ko may mga diamonds siya at backless sa likod." sabi ko sa kanya pero nakita kong umirap siya at bumulong pero rinig ko naman.
"Ang arte arte" bulong niya sa akin. Kaya nag init yung ulo ko sa kanya.
"Kanina ka pa miss ha, yung magpacute ka sa magiging asawa ko pinalagpas ko iyon at pati yung inirapan mo ako tapos ngayon ay sasabihib mo ako ng maarte?!" galit kong sabi sa kanya.
"Eh totoo naman eh ang arte mo" sagot niya at umirap pa. Tinawagan ko naman si Kim at agad niya itong sinagot.
"Hello Ayu kumusta? nakarating ka na ba ng botique" tanong niya sa akin. Nakita ko naman na namumutla na yung babae at halatang kinakabahan ito kaya napangisi ako. It's pay back time bitch!
"Ah yes Kim nandito na ako at may isang empleyado ka na ang talim ng tabas ng dila gusto kong alisin mo siya nagpapacute pa siya kay Chad at binastos niya ako" paglalambing ko kay Kim,tumingin ako sa babae at ngumisi.
"Sure what's her name?" tanong ni Kim sa kabilang linya.
"What's your name?" mataray kong tanong sa kanya.
"Rain Gomez po" sabi niya at pinagpapawisan pa siya.
"Rain Gomez? sayang isa pa man din siya sa magaling kong empleyado pero your fired!" sabi ni Kim at agad ko ng pinatay yung tawag at ngumisi ako sa kanya.
Tumingin sa akin yung babae ng masama at akmang sasampalin niya sana ako ng may mga kamay na humawak sa kamay nung babae.
"Subukan mong idapo yang mga palad mo sa mukha ng asawa ko at sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw." banta ni Chad at tinignan ko naman yung babae at tila naiiyak na siya. Tinawag ko naman ang guard.
"Alisin niyo na siya dito tanggal na siya sa trabaho" sabi ko at tumalikod na. Lumapit naman si Jona sa amin yung baklang empleyado ni Kim.
"Maam Ayu kumusta po?" tanong niya sa akin. Kilala ko siya dahil nakakasama namin siya kapag lumalabas kami.
"Ayos lang naman ako, magpapatahi sana ako ng wedding gown" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Magpapakasal ka na ?!" gulat na gulat na tanong niya. Napatango naman ako sa kanya.
"Yes this is my future husband Chad" pagpapakilala ko kay Chad.
Sinabi ko na ang gusto ko kay Jona at ang sabi niya siya na ang bahala sa gown ko. Kaya nagpaalam na kami sa kanya at umalis.
****
BINABASA MO ANG
CAPTURED BY YOU (COMPLETED)
RomansaWALANG DAHILAN PARA HINDI KA MAGMAHAL ULIT. KAPAG NABIGO KA SA UNA AT NASAKTAN SA PANGALAWA MALAY MO SA PANGATLO TADHANA MO NA ! AT KUNG PARA SAYO ANG ISANG TAO PARA SAYO TALAGA. THIS IS AYUMI'S STORY.