TWENTY TWO

1.2K 18 0
                                    

AYU

Halos isang linggo kaming magkasama ni Chad sa bahay gumala lang kami ng gumala at napagpasyahan naming magpunta ng manila kasi next week pupunta na din ako doon.
Wala naman kaming ginawa kundi gumala at mauuwi sa love making sa gabi. Kami na din, alam kong mabilis pero sinagot ko siya. Hindi naman sa easy to get ako pero relasyon naman ang pinapatagal hindi naman panliligaw ilang taon na ako no magpapakipot pa ba ako eh isang Richard Ramirez na yun ang multi billionaire sa larangan ng bussiness industry.

At ngayon ay hinatid namin siya sa airport kasama ko ngayon si Rhed.

"Mag iingat ka doon" bilin ko sa kanya agad naman niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Yes po, ikaw din mag iingat ka dito. Rhed pakibantayan siya ha" bilin niya kay Rhed tumango naman siya at ngumiti.

"I will call you time to time basta hindi ako busy" sabi ni Chad sa akin.

"One week lang yung bussiness trip mo pero namimiss na kita" paglalambing ko sa kanya.

"Ako din naman eh babawi ako pag uwi ko ha, mag iingat ka" bilin niya at hinalikan ako sa noo at sa labi. "Sige na pasok na ako baka naiinip na yung piloto" natatawang sabi niya at yinakap na naman ako. "Rhed ingat kayo lalo na sa pagda drive" biling niya ulit.

"Ako ng bahala sa kanya kuya" sagot niya at umirap pa. Napailing na lang si Chad at niyakap na naman ako. Pinagmasdan ko siyang makapasok hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Ayu tara na wala na ang love of your life mo" natatawang sabi niya kaya sumakay na kami sa kotse ni Chad iniwan niya sa akin ang kotse niya kasi yung akin naiwan sa Batangas.

Kumain muna kami sa malapit na cafe dahil biglang kumalam yung sikmura ko.

"Anong order mo?" tanong sa akin ni Rhed.

"Java Chip, red velvet cheese cake at chocolate cake" sagot ko sa kanya. Mabilis naman siyang nagpunta ng counter at nagbayad.

"Kumusta naman kayo ni Lash?" tanong ko sa kanya.

"Okay lang naman kami" sagot niya pero umiwas siya ng tingin.

"Don't deny it Rhed alam kong may problema kayo. Dahil kung wala kasa kasama mo siya and c'mon noong dumating ako dito hindi mo ata siya kasama." sabi ko sa kanya.

"Actually talaga wala na kami. Alam kong kasalanan ko din naman kasi ako yung may gusto nito at wala na akong magagawa doon" nakangiti niyang sagot at pasimpleng pinunasan ang nagbabadyang luha sa gilid ng mata niya.

"Kung mahal mo siya balikan mo. Yun ang gawin mo" payo ko sa kanya.

"Paano kapag hindi na niya ako mahal?" naiiyak na tanong niyan

"Paano kapag mahal ka pa niya? and bakit hindi ka sumugal ulit para malaman mo?" payo ko sa kanya.

"Pag iisipan ko" sabi niya kaya hinampas ko.

"Huwag mong pag isipan, gawin mo" sabi ko at umirap pa ako sa kanya.

"Ang brutal mo talaga kahit kailan" reklamo niya sa akin kaya napatawa ako.

Lumabas na kami cafe at nakasalubong ko si Zach.

"Hi" bati niya sa akin pero ngumiti lang ako at tumango.
May kasama siyang babae and they look together. Blonde ang hair nito at sexy, ngumiti din ang babae sa akin.

"Ah this is Meg my girlfriend, Meg this is Rhed and Ayumi friend ko noong college" pagpapakilala niya sa amin.

"Hello girls" bati sa amin ni Meg kaya ngumiti ako at nakipagbeso sa kanya. Nagkwentuhan pa kami saglit nang magpaalam na kami ni Rhed.

"Guys you look good together" masayang sabi ko kaya natawa silang pareho.

"Thank you" sabi ni Meg at namula pa siya. Ang cute lang din nila at nakita ko din si Zach na namumula kaya umiwas ng tingin sa amin. Ang cute lang hihi.

****

CAPTURED BY YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon