EIGHTEEN

1.1K 23 0
                                    

AYU

Natapos kagabi ang party ni mama ng maayos at masaya. Nasa bussiness trip na naman si mama kaya naisipan ko munang maglibot. Naka short at t shirt lang ako at pinaresan ko na lang ng tsinelas tsaka nag cap ako dala ko rin ang cellphone at wallet ko.

Wala akong kasama dahil bumalik na sina Ash,Sky at Kim sa paris kaninang madaling araw. Si Robi magkasama sila ni Tiffanie naggala din ata. Pababa na sana ako ng marinig ko ang boses nina Rhed at Kier na tila ba nagtatalo.

"Kuya naman kasi huwag mong sabihin kay Lash na nandito ako kila Ayu!" sigaw ni Rhed.

"Bakit ba kasi ayaw mong magkwento?" inis na sabi ni Kier.

"Hoy! kayong dalawa dyan pwede ba? huwag kayong magtalo? ang sakit sa tainga" inis na sabi ko sa kanila.

"Nakakainis kasi si kuya eh" sumbong ni Rhed sa akin.

"Ikaw naman Kier hindi ko sasabihin sayo kung nasaan si Kim" pananakot ko sa kanya.

"Ayu naman! huwag naman ganyan liligawan ko pa yun eh." nanlulumong sambit niya kaya tinawanan ko siya.

"Oh? seriously si Kier Dela Vega inlove na tapos sa kaibigan ko pang si Kimberly Legazpi yiee nakain mo?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Bahala nga kayo dyan" pikon na sabi niya at umalis kaya hinabol ko siya.

"Kier naman eh joke lang ibibigay ko na yung address huwag ka lang magtampo" sabi ko sa kanya kaya humarap siya sa akin.

"Nakakainis ka naman kasi eh" sagot niya at niyakap pa ako.

"Hoy bansot! halika na ililibre daw tayo ni Kier" natatawa kong tawag kay Rhed. Sa aming tatlo siya kasi ang pinakamliit.

"Hindi ako bansot cute size ako" sabi niya at binatukan pa ako.

"Sasabihin ko talaga kay-"

"Sorry na Ayu huwag mo ng sahihin please" puto niya sa sasabihin ko at nagplease pa siya. Alam kong may pinagdadaanan sila kaya hindi ko na siya kinulit pa. Sumakay na kami sa kotse ni Kier at napag usapan naming mag road trip muna.

Kung saan saan kami nakarating ngayon na naman kasi ulit nangyare yung ganito sa akin. Busy na kasi ako sa trabaho dati kaya ganito. Yung restaurant ko sa Paria si Sky muna ang nagha handle may tiwala naman ako sa kanya at alam kong kaya niya yun.

"Kier baba mo nga muna" sabi ko sa kanya sa stand ng mga street foods.

"Safe bang kainin yan?" alanganing tanong niya.

"Ang arte ah? sa thailand nga kumain ka ng uod" sagot naman ni Rhed at bumaba na din ito. Napailing na lang ako sa magkapatid. Kumuha na lang ako ng isaw at umupo muna sa malapit na bench tumabi si Rhed sa akin na may kwek kwek sa baso niya.

"Bakit hindi kayo magtayo ng reataurant niya ni kuya dito since pareho naman kayong yun ang passion." suggest ni Rhed at sumubo pa ito ng kwek kwek.

"Oo nga noh? maganda yang idea mo" natatawang sagot ko sa kanya.

"Oh diba? I'm so brilliant! tapos libre ako sa magiging restaurant niyo" natatawang sabi niya kaya hinampas ko siya mahina.

"So ganun na yun? ang yaman yaman mo tapos ang kuripot nasaan ang hustisya?" sabi ko sa kanya kaya napatawa siya. Maya maya ay dumating na din si Kier na may dalang balot sa kamay.

"Oh ang saya niyo ata?" tanong niya sa amin.

"Sinasabi ko kasi kay Ayu na magtayo kayo ng restaurant dito tapos libre ako doon" natatawang sabi ni Rhed.


"Baliw! pwede naman yun Ayu pero hindi libre si Rhed" natatawang sabi ni Kier at nagpapadyak na ng paa si Rhed.

"Ang dadaya niyo naman eh" sabi niya at nag pout pa kaya mas lalo kaming napatawa sa kanya.

****

CAPTURED BY YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon