TSOL-Chapter 2

224 28 19
                                    

Jessie's POV

"Kamusta ka na pala Jessie? Long time no see ah." siya si Jasper del Castillo, na nangungulit sa akin. Actually ayoko talaga sa kanya. Bakit? Ewan, basta.

"Ayos naman. Teka Jasper, ano pa lang ginagawa mo dito?" tanong ko. Nakakagulat naman kasi eh.

"Nagulat ba kita?" ay hindi obvious ba? "As you see andito ako, it means dito na ko mag-aaral."

"What?! I mean, bakit dito ka na mag-aaral?" nakakainis.

"Dahil gusto ko." he smirked.

I can't believe this. Hindi talaga pwede. Nanahimik nalang ako, dagdag problema nanaman to. Buti nalang dumating na yung prof namin.

Blah blah blah blah. *yown* kaantok.

"Class dismissed!" sa wakas tapos na ung boring na klase.

Wala naman nangyari masyado sa klase dahil first day, nakakatamad magkwento. 3pm na pala uwian na, inayos ko na mga gamit ko.

"May klase ka pa ba?"

"Wala na. Bakit?"

"Hatid na kita. May kasabay ka ba? Mall muna tayo, kain muna tayo bago umuwi. Ano?" seriously? Hays.

"Wala ako sa mood ngayon, Jasper. Salamat nalang." tamad na tamad na sagot ko.

"Ah ganon ba? Sige hatid nalang kita. Okay lang?" alok niya sa akin.

"Jasper, kaya ko umuwi mag-isa salamat nalang." nag-umpisa na kong naglakad palabas. Hays ang kulit.

"Kilala mo ko Jessie, ihahatid kita kahit sa ayaw at sa gusto mo." psh. Nagtanong pa.

"Fine!"

Wala. Siya pa rin nasunod, kumain muna kami bago umuwi. Matagal ko nang kilala si Jasper, friends kami pero nailang ako simula nung umamin siyang may gusto siya sa akin. Boyfriend ko pa nun si Alex. Hay Alex, naalala ko nanaman. Kakaisip ko sa nangyari sa amin ni Alex hindi ko namalayan nakauwi na pala kami.

"Andito na tayo." bumaba na ko sa kotse niya.

"Salamat Jasper. Pasok na ko, ikaw?" sabi ko.

"Ah hindi na. Uwi na rin ako. Magpahinga ka na." sabi niya sa akin.

"Sige. Ingat ka." tumalikod na ko nang tinawag ulit niya ko.

"Jessie, kung may problema ka pwede mo naman akong sabihan. Marami pang nasa paligid mo, hindi lang siya. Give chance to others. Sige." -at umalis na siya.

Grabe! Speechless. Eto na ba yung right time para bigyan ko siya ng chance?

Courtney's POV

Nakakapagod naman tong araw na to. 7pm na pala, first day pa lang ginabi na ko. Makauwi na nga.

"Ouch!" hala yung mga gamit ko.
"Tumingin ka naman kasi sa dinadaanan mo." badtrip naman. Kinuha ko na yung mga gamit ko, aba tinulungan niya ko.

"Nako miss, sorry nagmamadali kasi ako. Okay ka lang ba?" sabi ni Koya.

"Okay naman ako. Salamat sa tulong." pagtingin ko sa kanya, ay mukhang bago siya dito.

"Sige ah, sorry ulit." umalis na siya. Oh well, I'll go home na.

--

To: Jes, Gayle

Guess what girls? I saw a handsome guy a while ago in school. He's so handsome and cute. :">

Sent.

Kinikilig ako. Hahaha! Ano kayang name niya. Nagvibrate cp ko.

From: Gayle

Anong bago? Lahat naman gwapo at pogi sayo. -_-

To: Gayle

NAPAKABITTER MO TALAGA!

Kainis talaga to si Gayle lagi nalang kumokontra sa akin. Tss. Simula nung nagbreak sila ni Nigel naging ganyan na yan.

From: Jes

Really? Edi pormahan mo na, para magkalovelife ka na. hahaha!

To: Jes

Baliw -_- ayoko muna maglovelife nu.

Si destiny na bahala sa lovelife ko na yan. Basta alam hanggang crush crush muna ako.

--

Three Sides of Love (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon