Jessie's POV
It's my turn! Alam ko na kung anong itatanong nila sa akin, kaya naman inunahan ko na sila ng kwento. Nagkwento ako kung paano kami nagbreak ni Alex. Tahimik lang sila habang nagkekwento ako.
Ikiwento ko rin kung paano kami nagkita ni Jasper, nagulat pa nga sila nung sinabi kong classmate ko si Jasper. Kaya daw pala kasama ko lagi.
"Eh Jes, tanong lang ah. Ano bang dahilan mo at nakipagbreak ka kay Alex?" Gayle.
"Ayaw ng parents ko sa kanya. Ayaw nila kay Alex." malungkot kong sabi.
"Ano nang plano mo ngayon, Jes? Kay Jasper." Gayle.
"I'll give him a chance." tumango tango naman si Gayle.
"Ayaw ng parents, give him a chance? Seriously Jessie? Ok ka lang?" Courtney. "Ginive up mo si Alex kasi ayaw lang ng parents mo sa kanya? Tapos magbibigay ka ng chance kay Jasper. Sagutin mo ko, mahal mo pa ba si Alex?"
"Oo."
"Anong kalokohan to, Jes? Mahal mo dba? Bat pinakawalan mo?" di ako nakasagot. Natahimik kami saglit.
"Hindi ko alam kung ano ang plano mo ngayon, pero kung anoman yan sana hindi mo pagsisihan." Courtney.
"At sana maging masaya ka, Jessie. Pero sure ka na bang bibigyan mo ng chance si Jasper?" Gayle.
"Oo." lumapit na sila sa akin at niyakap na ko. At dun natapos ang hotseat namin.
--
House Rules
1. WALANG MAGDADALA NG LALAKI. Pero kung kailangan, dapat magpapaalam muna bago magpapunta.
2. Kanya-kanyang gawing bahay. Jessie - maglilinis ng bahay, tiga-hugas ng pinggan
Courtney- cook, labandera
Gayle- tiga-plantsa, tiga-tiklop ng damit
3. Curfew hour : 10pm
4. Share sa gastusin.
--
"Teka naman, bat ako labandera?" reklamo ni Courtney.
"Edi ikaw na Gayle, ikaw nalang labandera."
"Gusto niyo magutay-gutay yung mga damit natin? Ako ginawa niyong labandera." may point naman siya. So, no choice.
"Sige ako nalang, ikaw nalang tiga-hugas ng pinggan Courtney." tumango tango na sila.
--
Short update. Writer's block.
Comments, Votes. Thanks! :)