TSOL-Chapter 20

110 14 4
                                    

Jessie's POV

Start na ng foundation week namin ngayon nakakaexcite naman kasi pwedeng pumunta yung mga taga-ibang school. Maraming ng mga tao kahit maaga pa lang. Yung mga kablock ko wala pa! -___- tagal-tagal naman nila. Sa di kalayuan nakita ko sila Jace at Cielo, grabe! Yung mga taga-ibang school halos mabali yung leeg kakatingin sa kanila. Heartthrob eh.

Pansin ko, close silang dalawa. Bakit kaya? Oh! Papalapit sila dito sa booth. Bakit kaya?

"Hi Jessie!" bati ni Cielo.

Yeah. Magkakilala na kami nyan ni Cielo. Pero si Jace hindi pa, hindi pa kasi sila pinapakilala ni Courtney sa amin.

"Si Jace nga pala, Jessie. Jace si Jessie." ngumiti naman ako kay Jace. Ngumiti din siya pabalik.

"Yeah. I saw her yesterday. Bestfriend ni Jemiel, right? Nababanggit niya kasi mga bestfriends niya sa akin." ngumiti nanaman siya. Why so pogi ngumiti nito?

"Magbestfriends din ba kayo?"

Natawa naman silang dalawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Magkapatid kami nito ni Cielo. Di lang halata kasi mas pogi ako sa kanya." mejo nagulat naman ako, magkapatid pala sila. Well tama naman siya, pogi siya. Pero parehas lang naman siya eh.

Nagkwetuhan naman kaming tatlo habang wala pa akong kasama. Samahan na muna daw nila ako. Masasabi ko? Mabait naman silang dalawa. Mayabang nga lang. Hahahaha! Dumating naman na yung mga kablock ko, nagulat nga sila eh. Yung dalawa sa kinababaliwan nila andito. Aalis na daw silang dalawa at pupunta sa booth nila, which is 'Horror booth' ang corny nga daw. Mga engineering student pala sila.

"Oh? Bakit, Jace? May nakalimutan ka ba?"

Kumuha siya nung paper na ginawa namin para sa mga letters. Matapos siyang magsulat, binigay niya sa akin yung paper.

"Pakibigay nalang. Salamat Jessie!"

At tuluyan ng umalis. Kanino ko naman ibibigay to? OMG! Jemiel? Sino yun? Teka? May kilala akong Jemiel ah? Yung bestfriend kong baliw, Jemiel yun. Ay! Baliw! Kay Courtney. Hahahaha!

Hooray! Kinikilig ako para kay Courtney. Jace pala at Courtney ah! Woohooooo! Ngingiti-ngiti ako sa sobrang kilig. Nagulat nalang ako ng may humalik sa pisngi ko at binack-hug ako.

"Bakit ngingiti-ngiti ka dyan?"

"Jasper!" inalis ko nga yung kamay niyang nakayakap sa akin. "Chansing ka talaga ah!" binatukan ko nga. "Nagnakaw ka nga ng kiss, yumakap ka pa?"

Napakamot naman siya sa batok niya. "Sorry naman. Namiss lang naman kita eh." sabi niya habang nakayuko.

"Pinagpalit mo na kasi ako sa basketball na yan." biro ko.

"Di ah! Jessie naman, ikaw lang ang gusto ko! Ikaw lang mahal ko."

"Sige nga! Pasigawan mo nga sa lahat?" try lang natin.

Tumayo naman siya sa pagkakaupo. Nakaupo kasi kami sa gilid ng booth  namin.

"MAKINIG KAYONG LAHAT!!!" sigaw ni Jasper.

'Si Jasper yun dba?'

'Oo nga. Ano naman kaya yung sasabihin niya?'

'Si papa Jasper!'

Nagtilian naman yung ibang babae. Okay, ang OA ah. Nagulat naman ako kasi hinila ako patayo ni Jasper. Teka wag mong sabihin...

"MAKINIG KAYO! ITONG BABAENG NASA TABI KO, SI JESSIE ANDRADA ANG BABAENG PINAKAMAMAHAL KO AT HANDA AKONG MAGHINTAY HANGGANG SA SAGUTIN NIYA AKO!"

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Tumingin at ngumiti siya sa akin sabay pisil sa ilong ko. Kinilig naman yung iba sa ginawa niya. Yung iba naman kung ano-ano pinagsasabi. Tulala pa rin ako sa kanya hanggang sa hilahin niya ko paupo. Loko-lokong Jasper.

"Anong ginawa mo?" hinampas ko siya ng mahina.

"Sabi mo kasi ipagsigawan ko, edi ginawa ko." ngiting-ngiti naman siya.

Inirapan ko naman siya. Nakakahiya kaya. Mga ilang minuto pa ang lumipas nagkwentuhan lang kami tapos nagpaalam na rin siya dahil may practice pa pala sila.

Inasar-asar naman ako ng mga kablock ko, pagkaalis ni Jasper. Pambihira oh!

*bzzt bzzt*

*bzzt bzzt*

Kinuha ko naman yung cp ko.

2 new messages

From: Courtney

Mga mahal ko! Sabay sabay tayo maglunch ngayon. Kitakits sa cafeteria :)

To: Courtney

Sure. I'm on my way. :)

Sent!

May isa pa palang message.

From: +63926*******

Nice. Mukhang ang saya saya niyo ah. Well, enjoy it Jessie. Makikilala mo rin ako, Jessie. Very soon. Mag-ingat always.

Sino nanaman ba to? Nagmadali akong idial ang number niya sa phone ko.

Dialing....

+63926*******

Inis! Nakailang dial pa ko pero di niya sinasagot. Inis kong nilagay sa bulsa ko ang phone ko.

ARAY! "Ano ba, miss! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Mag-ingat ka naman!" sigaw ko sa kanya. Di man lang kasi tumingin sa dinadaanan niya.

"Di lang din ako ang may kasalanan, miss Jessie. Mag-iingat ka rin kasi paminsan-minsan." tapos dinaanan niya lang ako.

Napalingon naman ako sa kanya. Sino ba siya?

--

Comments, Votes. Thanks! :)

Three Sides of Love (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon