TSOL-Chapter 32

93 8 15
                                    

Cielo's POV

Maaga akong pumasok sa school ngayon, hindi na ko dumaan sa bahay baka lalo lang akong mabadtrip. Sa condo pala ni Andy ako nagpalipas ng gabi. Sa bahay kasi lahat sila galit sa akin, puro nalang daw ako kalokohan. Kung tutuusin wala silang karapatan magalit dahil hindi nila alam kung anong naramdaman ko noon. Walang makakapigil sa gusto kong mangyari ngayon. Gagawin ko kung anong gusto ko. Ano nga ba nangyari sa akin dati? Malalaman niyo rin yun sa tamang panahon.

Habang naglalakad ako papunta sana sa tambayan ko, nakita ko ang magaling kong kuya kasama yung babae niya. Nakaupo sila sa labas ng music room na laging nilang tambayan. Nabadtrip naman ako nang makita siya. Alam kong napansin nila ako kasi napatingin sila sa akin. Pero bago ko pa sila malagpasan tumayo si Jace at hinarangan ako.

"Saan ka galing? Bakit hindi ka umuwi kagabi?" tanong niya sa akin.

"Wala ka na dun. Tabi nga." sabi ko.

"Aba! Bastos ka talaga ah! Tinatanong kita ng maayos tapos ganyan isasagot mo! Hindi mo ba alam na nag-alala sila mama dahil sayo?!" napangiti nalang ako sa kalokohang narinig ko. Sila mag-aalala sa akin? Kailan pa? Eh wala naman silang pakialam sa akin ah. Imbis na matakot ako sa kanya lalo ko lang siyang inasar.

"Talaga? Nag-alala sila? Ang galing naman." kunwaring gulat na sabi ko.

"Sumusobra ka na talaga, Cielo ah!" nagulat nalang ako ng may tumama sa pisngi ko. Hay*p na to! Papatalo ba ko? Syempre hindi, kaya gumanti rin ako ng suntok. Hanggang sa nagsuntukan na kaming dalawa.

"TUMIGIL NA NGA KAYO! TAMA NA!" sigaw ni Courtney habang hinahatak palayo si Jace sa akin.

"Umayos ka, Cielo! Tumigil ka na sa mga kalokohan mo." banta ni Jace sa akin.

"Wag kang mangialam sa mga gusto kong gawin." ngumisi ako sa kanya "Alam ko naman kung bakit mo ko pinipigilan eh. Nagpapagood-shot ka lang naman kay Courtney." napatingin naman si Courtney sa akin na may pagtataka.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ni Courtney.

"Bakit hindi mo tanungin si KUYA?" talagang inemphasized ko yung kuya para maasar siya lalo sabay tingin kay Jace na natahimik bigla. "Ano, KUYA? Bakit hindi ka makasagot dyan?"

"Sabing tumigil ka na eh!" sinuntok niya ulit ako, this time napaupo na ko. Sh*t ang lakas nun ah. Pero imbis na magalit ako, lalo lang akong natuwa sa nangyari ngayon. Galit na galit na siya sa akin. Tumingin ako sa kanilang dalawa, nakayakap na si Courtney kay Jace para mapigilan ito.

"Tama na, Cielo. Please! Umalis ka na."

"Tandaan mo to, Jace! Hinding hindi niyo ko mapipigilan." tumayo na ko tsaka umalis. Kainis! Akala ko maiiwasan ko yung mga taong kinaiinisan ko, hindi pala. Nagkagalos pa tuloy ako.

--

Gayle's POV

Maghapon lang akong nasa clinic, maghapon akong tulog. Paano ba naman sumama yung timpla ng tiyan ko. Nasobrahan ata sa kain. Ang sarap kasi nung tindang siomai nila Ivann. Remember Ivann? Yung MC nung fashion show. Nakailang order ako ng siomai nila tapos kumain pa ko ng cookies. Yun! Boom sabog!! Katakawan ko kasi eh. Ito na nga pauwi na ko kasi 5pm na, magsasara na daw yung clinic. KFINE!

Sana naman nasa dorm na yung dalawa para may maasar ako. Ang bad ko ba? Eh ganun talaga ako. Masanay na kayo. Habang pauwi ako naalala ko na hindi pala kami nagkita ni Cielo ngayon. Oh! Utak niyo naman! Yun namiss ko? Psh! Hindi ah, naisip ko lang baka namatay na yun dahil sa sama ng pakiramdam niya. Uy joke lang naman, alam ko naman na mahal na mahal niyo si Cielo kaya hindi siya pwedeng mamatay. Ano ba yan! Ito ba epekto ng gamot na pinainom sa akin kanina. Kung ano-ano na pumapasok sa isip ko. Tsk tsk!

Nakarating ako sa dorm nang di ko namamalayan. Masyadong occupied ang isip ko kakaisip kung ano bang nangyari kanina bago ako kumain ng kumain. Alam kong may problema kay nagpakabusog ako kanina. Ano ba yun? Napakamot ako sa ulo kasi hindi ko talaga matandaan eh. Mamaya ko nalang ulit iisipin.

"Oh? Anong ginagawa mo dito, Jace?" tanong ko ng makapasok ako. Nakakagulat lang kasi eh, dalawa lang sila ni Courtney dito. "Hoy babae! Anong problema mo ah? Bakit nagdala ka ng lalaki dito?" sunod na tanong ko. Sa aming tatlo, ako o si Jessie lang posibleng magdala ng lalaki sa dorm. Pero si Courtney? Hindi!

Tumayo naman si Courtney at lumapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakataas ang aking kilay. Nang makalapit naman na siya sa akin bigla niya akong binatukan.

"Ang OA mo talaga, Gayle." sabi niya tapos umupo ulit. Tapos naupo ulit siya sa tabi ni Jace.

"OA?! Ako pang OA ah? Baka nga kundi ako umuwi ng maaga, eh baka kung ano ng gawin niyo." sabi ko. Binato ba naman ako ng unan. Binato ko nga rin. Nakakainis na ah.

"Ang OA mo talaga!" sigaw niya. "Ginagamot ko lang yung mga sugat nitong si William. Yung magaling mo kasing boyfriend tsaka tong lalaking to eh, nagsapakan kanina. Sa harapan ko pa talaga!" napaaray naman si Jace nung diinan ni Courtney yung pagpunasan sa sugat niya sa bandang gilid ng lips niya. Paano ba naman kasi, yung pwesto nila kanina nakaupo si Courtney sa lapag tapos si Jace nasa sofa nakayuko kay Courtney, para tuloy silang naghahalikan.

"Dahan dahan naman, Jemiel. Masakit!" napaisip ako kung bakit nag-away yung dalawa kanina. Anong nangyari? Ang alam ko, close sila ni Cielo. Grabe naman kung magsapakan sila sa maliit na dahil lang.

"AH!!! WILLIAM TAMA NA! HAHAHAHA!" napatigil naman ako sa pag-isip ng sumigaw si Ney nakakatawa. Nagkikilitian na pala sila. Wow ha! Nagharutan pa sa harap ko.

"Hoy tumigil na nga kayo. Wag kayong maglandian sa harap ko." sabi ko.

"Inggit ka lang, Gayle." pang-aasar ni Jace tapos sabay silang tumawa. Aba!

"Gusto mong dagdagan ko yang mga sugat mo?" tumahimik naman silang dalawa. "Bakit pala kayo nag-away ni Cielo?" pagkabanggit ko pa lang sa pangalan ni Cielo, bigla nalang nagbago yung mood ni Jace. Bigla siyang naging seryoso.

"Lumayo ka na kay Cielo. Please lang, Gayle." napatingin ako kay Jace na seryosong-seryoso ngayon.

Napapikit naman ako dahil may naalala ako bigla.

"Layuan mo na si Cielo, Gayle. Lolokohin at sasaktan ka lang niya." sabi ni Nigel.

--

Dahil like mo si Jace, ayan! Sayo to dinedecate kasi may exposure sila Jace at Courtney. :)

Comment. Vote! Thanks :)

Three Sides of Love (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon