TSOL-Chapter 6

198 29 21
                                    

Courtney's POV

Jusme! Nagmadali na kong pumunta sa lobby. Bakit ba ko umoo sa pinsan kong yun. Naman! Magkacram talaga ako nito, buhay nga naman! Nasaan sila.

Hanap.

Hanap.

Hanap.

Ayun lang pala sila, tumakbo ako palapit sa kanila. Huminga ako nang malalim, sabay salita with matching nakapikit pa!

"GIRLS! OMG OMG! SORRY ANG TAGAL NIYONG NAGHINTAY DITO!KASI NAMAN YUNG PROF NAMIN ANG TAGAL MAGPALABAS EH!" sabi ko. Bakit di sila nagsasalita? Pagdilat ko. O-oh! Napangiti ako ng awkward.

"A-he-he sorry po. Mali lang po ako nang nilapitan. Sorry po talaga." nakakahiya nakatingin lahat sa akin.

Bakit kasi di ko napansin na sumobra pala ako ng takbo. Stupid, Courtney! Kainin na ko ng lupa. Ano ba to?!

"Courtney! Halika na, dali! Sorry po sa abala. Pasensya na kayo sa kaibigan namin, stressed lang to!" sabay hinila na nila ako.Thanks for saving me guys!

"Bakla ka, Courtney! Anong ginawa mo? Nakakatawa ka!" Gayle. Sarap batukan, pinagtawanan pa ko.

"Shut up, Gayle! Mag-aaway pa kayo eh." buti pa si Jessie.

"Thank you, Jes!"

"Pero nakakatawa ka talaga! Epic talaga ng itsura mo girl!" akala ko kakampi ko na, inasar lang din pala ako. Inirapan ko nga sila.

"Tara! Kailangan pa natin pumunta sa dorm, pwede na daw natin ichek yung room natin." ha? Ay! Oo nga pala, paano to?! Nasaan na ba kasi yung magaling kong pinsan.

"Eh girls, may hinihintay pa ko eh."

To: Insan

Saan ka na? Dito na ko! BILISAN MO NA!

Sent!

"Wow! Sino ba yan huh? Lumalove-life ka na ba?" binatukan ko nga. Pasaway talaga tong Gayle na to.

"Pinsan ko po, okay?" tumango tango naman siya.

From: William

Hi Jemiel! Friday today, right? You promised me na magkikita tayo ngayon di ba? See yah. Kasama ko pinsan mo ngayon.

Hala naman! Bigla akong kinabahan. Ohmy! Anong gagawin ko? Bakit kasi nagpromise-promise pa ko sa William na'to. Kinakabahan tuloy ako. Palakad lakad lang ako, pabalik balik. KINAKABAHAN TALAGA AKO!

"Para kang natatae, Courtney. Ano bang nangyayari sayo?" sabi ni Jes. Tawa naman sila.

"W-wala. N-naiinip ako, ang tagal kasi ni Chen eh. Ang dami ko pang gagawin eh." pero kinakabahan talaga ako dun sa William na yun eh.

"Insaaaaaan!" napalingon naman ako. Hala, andyan na sila! Pasimple akong nagtago sa likod nila Jes at Gayle.

"Anong ginagawa mo dyan sa likod? Ang weird mo!" Gayle.

"Hi Gayle, hi Jessie!" bumati din naman silang dalawa sa pinsan kong si Chen. "Insan! Ano na? Tara, mall na tayo! Yung pinapabili ko." aya sa akin ni Chen.

Lumapit ako sa kanya ng nakayuko. Ayokong makita si William, nahihiya kasi ako eh.

"Ah kasi pupunta pa kami dun sa dorm namin, mauna ka nalang sa mall. Tapos susunod nalang ako sayo." nakayuko pa rin ako. Kinalabit naman ako ni Gayle at nilakihan ako ng mata. Pati si Jes, parang sinasabi anong-nangyayari-sayo look.

"Ah ganun ba, sige! Nga pala insan, si Jace William. Siya yung katext mo, Jace si Courtney Jemiel pinsan ko." napatingin ako sa kasama ni Chen at nagulat ako. Napalunok ako nang wala sa oras. Woah! Siya si William,? Siya yung nakabangga ko nung nakaraan.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko, halatang gulat na gulat sila. Binigyan ko sila ng Ill-explain look at ngumiti ako. Napatingin ako kay Jace at nakangiti siya sa akin. Ang GWAPO niya pala!

"Ah hi William, ay Jace! Ay ano ba parehas mo lang palang name yun." ngumiti naman ako sa kanya.

"Hi Courtney! Pero mas gusto ko pa rin yung Jemiel. Nice to meet you, Jemiel." nilahad naman niya yung kamay niya, tinanggap ko naman. Shakehands!

"Nice to meet you too. Ah mauna na kami ah." hindi ko na sila pinasalita at hinatak ko na sila Gayle at Jessie palayo.

Nakakahiya. Nahihiya talaga! Tsk! Hinatak ko sila hanggang sa makalabas kami ng school.

"HAHAHAHAHAHAHA! SERIOUSLY COURTNEY!" tawa nilang dalawa, nang-asar pa! Inirapan ko nalang sila at nauna ng maglakad.

Napahawak naman ako sa dibdib ko, ang bilis pa rin ng tibok ng puso. Bakit naman? Tsk. Hay. Jace.

--

Comments, Votes. Thanks :)

Three Sides of Love (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon