TSOL-Chapter 18

133 14 5
                                    

A/n: Hi guys! May konting pagbabago lang po. Imbis na 10 chapters kada love teams, dadagdagan ko pa po ng chapters. Kulang pala kasi yung 10 chapters eh. Kung ilan abutin kela Jasper at Jessie ganon din sa mga susunod. Okay? :) Salamat!

--

December 10, ****

Jessie's POV

Huwaaaa! December na, ibig sabihin malapit na holiday break. Yes mapapahinga rin ang mga utak namin. Kaya lang after the break midterm naman. Grabe! Wag munang isipin ang hindi dapat isipin. Hahaha!

Abala ang bawat department sa pag-aayos sa kani-kanilang booth. Foundation week kasi the next next day. Yung booth na naisip namin ay "Secret letter sender" bale kami magbibigay ng letter sa mga gusto nilang pagbigyan. Nako! Lalabas lalaganap nanaman ang torpe dyan.

"Guys, libot lang ako saglit ah. Dapat tapos na yang designs pagbalik ko." tumango naman sila, ngumiti naman ako.

Unfortunately, ako ang naasign para maging leader nila. Ewan ko ba kung bakit ako. Well, napapansin niyo siguro na hindi ko kasama si Jasper. Wala! Ayun naghanap na ng ibang babae. Mas maganda sa akin yung nahanap niya, brokenhearted tuloy ako </3 charot lang yun. Hahaha! Andun siya sa gym, may practice sila ng basketball. Sa last day kasi ng foundation week, eh may laro ng basketball. By department ang labanan kaya hiwa-hiwalay ang varsity.

Kamusta kami ni Jasper? Hm. Ayos naman kami nanliligaw pa rin siya sa akin. May sasabihin pala ako sa inyo, pero wag kayong maingay kay Jasper ah? Unti-unti na kong naiinlove sa kanya. Ayan nangingiti tuloy ako. Paano kasi, sinong hindi maiinlove sa mga ginagawa niya. Katulad...

--

1.

Nasa mall kami nun, bale normal lang kaming magkasama. No touch! Ganun. Habang naglalakad kami yung mga babae, tingin ng tingin sa kanya. Like, HELLO?! Kitang may kasama makatingin, WAGAS?! Tapos kapag tumingin sa akin inirapan ako. What the! Sarap tusukin ng mata.

Nagulat nalang ako nung akbayan niya ako, napatingin ako sa kanya tapos nginitian niya ko. Sabay sabing, 'Selosa ka pala' tas nginisian niya ako. 'Wag kang mag-alala, ikaw lang talaga, Jessie. Ikaw lang.' Oh dba? Sinong hindi kikiligin dyan?

2.

Nasa mall ulit kami, lagi kasi kaming nagmamall tuwing Saturday. Saturday night nun, nagdinner date lang kami kasi galing ako kela mama. Tinanong niya ko kung saan ko gustong kumain, pero ang sagot ko sa kanya. 'Kahit saan.'

Tapos nagtaka ako kasi parang ibang way tong dinadaan namin, wala nang mga restuarants or fast food chains akong nakikita. Nagulat nalang ako sa roof top kami nitong mall napunta. May nakaset-up na table for two.

NapaWOW nalang ako kasi kitang-kita dito yung view ng siyudad. Ang ganda. Tinanong ko kung bakit dito kami nagdinner. Pero di ko narinig yung sagot niya kasi bigla akong napatingin sa kalangitan kasi may fireworks. Grabe! Kinikilig ako. Hahaha! Nagpafireworks pala yung hotel na malapit dito sa mall.

3.

Papasok ako ng school mag-isa wala kasi siya ngayon, may aasikasuhin daw siya kaya di niya ko masusundo at di daw siya makakapasok. Nga pala lagi niya na kasi ako sinusundo at hinahatid sa dorm. Kaya nasanay na akong kasama ko siya.

Nang makarating ako sa classroom, nanlaki ang mata ko sa mga nakita ko. Roses! Ang daming roses. Teddy bear! Yung malaking teddy bear talaga! Di ko naman napansin si Jasper na nasa tabi ko na pala. Tinanong niya ko kung nagustuhan ko ba. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Wala akong masabi, naspeechless ako sa ginawa niya.

--

See? Sinong hindi maiinlove sa kanya, diba? Ang dami niyang effort! Gusto kong makabawi sa kanya at alam ko kung anong pambawi ang gagawin ko. Konting-konti nalang Jasper, malapit mo ng makuha ang 'OO' hinihintay mo.

Habang nag-iikot ako, nakita ko si Courtney na nag-aayos mag-isa ng booth nila which is the marriage booth.

"What's up, Ney?" mukha namang nagulat siya sa akin.

Humarap siya sa akin ng nakasimangot. "Kita mo naman diba? Nag-aayos." taruuuy!

"Bat ikaw lang mag-isa?"

"Naglunch na sila."

"Tungak ka talaga! Bat nagpaiwan ka kasi?"

Tumigil muna siya sa pag-aayos at humarap sa akin. "Nagbunutan kasi kami kung sino maiiwan dito para tapusin to. Dahil maswerte ang ganda ko ngayon, ako naiwan."

"Kawawang Courtney." natatawang sabi ko.

"Salamat sa pang-aasar."

"Wel----" napatigil naman ako sa sasabihin ko kasi may sumingit.

"Jemiel! Bat di ka pa naglalunch?" oh si Jace pala.

"William? Ah eh kasi inaayos ko pa tong booth namin."

Dito nga muna ako at papanoorin ko silang dalawa. Nangangamoy love team kasi.

"Kumain ka muna. Ito oh! May dala akong pagkain."

"Anong ulam?"

"Your favorite! Pork Adobo!"

"Wow! Sige tara kain tayo. Ay tara, Jes kain tayo!"

"Di na. Sige mauna na ko. Baka makaistorbo pa ko. Take care of that girl, Jace. Tatanga-tanga yan paminsan-minsan."

"Don't worry. I will." ngumiti naman si Jace. Tumingin ako kay Courtney, ah yun namumula ang gaga. Hahaha!

Nakalibot na nga ulit.

--

Comments, Votes. Thanks! :)

Three Sides of Love (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon