TSOL-Chapter 15

149 19 13
                                    

Jessie's POV

Ano ba talagang nangyayari? Naguguluhan na ko. Sa akin kasi lumapit si Jasper hawak yung mga papers na hawak ni kuya kanina. Tumingin ako sa kanya at nakangiti siya sa akin.

1st paper

Why are these special?

Allow me to explain.

2nd paper

1st gift

Butterflies.

I feel some butterflies in my stomach, when I'm with you.

"Bakla mang pakinggan, pero totoo yun, Jessie. Kinikilig ako sa tuwing kasama kita."

3rd paper

2nd gift

My heart.

I give you my love.

"Nasa sayo na ang puso ko noong pa lang. Kaya kong patunayan yan hanggang sa ako'y mahalin mo."

4th paper

3rd gift

Infinity necklace

Symbolizes my infinite love for you.

May kinuha siya sa bulsa niya, yung infinity necklace. Shocks, ang ganda lang. Tapos lumapit siya sa akin. Nakakahiya ang daming tao! Tapos tong mga bestfriends ko grabe makatili.

"Jessie?" tawag niya sa akin.

"Jasper."

"Please allow me to love you. Give me chance to prove, how much I love you."

Okay? Wala akong masabi, ganito talaga siya kaseryoso sa akin. Sa totoo lang kinikilig ako ngayon, ngayon lang kasi may gumawa ng ganito sa akin. Ganito pala pakiramdam nun.

"JESSIE! SUMAGOT KA NA!" sigaw nung dalawang baliw kong bestfriends.

"Oo, Jasper. Binibigay ko sayo yung chance na hinihingi mo." ngumiti ako sa kanya. "At sana yung chance na yun wag mong sayangin. Ipakitang mong dapat kitang mahalin."

Niyakap niya ko at napa-YES siya. Hala! Di ko pa naman siya sinagot pero kung makayakap naman to, wagas! Eh hayaan na nga. Kinilig naman ako eh. Hahahaha! Kumalas na siya sa pagkayakap sa akin. Sinuot niya sa akin yung necklace. Ang ganda talaga.

"Oops! Tapos na ang palabas, pwede na kayo umalis." taboy ni Gayle sa mga USI. Natawa nalang kami sa kanya.

--

Jasper's POV

YES! Nagawa ko. Buti nalang di ako pumalpak. Yan ang dahilan kung bakit di ako pumasok ng ilang araw, pinaghandaan ko talaga tong araw na to. At masaya akong nagawa ko ito ng tama!

Sa tatlong linggo kasi na lumipas, napatunayan kong di ko talaga kayang mawala si Jessie sa akin. Napatunayan ko sa sarili kong mahal na mahal ko siya. Ginawa ko tong surprise na to kahit walang kasiguraduhang bibigyan ako ng chance ni Jessie. Kabang-kaba ako kanina nung makita ko siya. Lahat ng efforts ko hindi naman na sayang dahil sa chance na ibinigay niya.

Kakahatid ko lang sa kanya sa bahay nila. Dun muna daw siya matutulog. Ang masaya pa dun, pinakilala niya ko sa family niya. Official manliligaw na niya ako ngayon. Nang makauwi na ko sa amin. Tumambay muna ako sa madalas naming pinagtatambayan ng mga kaibigan ko. Nagdala rin akong gitara. Marunong akong maggitara pero wag niyo kong asahan kumanta. Kaya kumausap pa ko ng marunong kumanta, para sa surprise ko kanina.

Three Sides of Love (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon