Jessie's POV
*fast forward*
Last night of holiday break. Pasukan nanaman bukas. May dinner date kaming tatlo ngayon, since last night na nga. Pero kaibahan lang dito lang kami sa dorm. Hassle pa daw kasi kapag sa labas. Nagluto nalang si Courtney ng makakain namin ngayon. Ang tagal naman ata nung dalawang yun. Nauna namang lumabas si Gayle.
"Teka! Bat bihis na bihis ka ata, Gayle? Akala ko ba dito lang tayo?"
"Nako pasensya na, Jes. Ngayon lang kasi sinabi ni Cielo na magdadate daw kami ngayon." napakunot naman noo ko.
"Date? Kayo na ba? I mean kayo na ba talaga?"
"Ha? H-hindi." nag-iwas naman siya ng tingin sa akin. I smell something malansa ah. Nako.
"Osige. Mag-ingat nalang kayo. Umayos ka, Gayle ah."
Tumango naman siya at ngumiti sa akin. Sayang naman, so kaming dalawa lang ni Courtney ngayon.
*tok.tok.tok.*
Nagulat naman kami nung lumabas si Courtney, bihis na bihis din siya. Nagmamadali naman siyang buksan ang pinto, ni hindi nga kami pinansin eh. Nagkatinginan naman kami ni Gayle, parehas kaming nagulat. Si Courtney may date? Woah! Bago yun ah.
"Goodeveninv girls!" si JACE! "Pahiram muna si Jemiel. Babalik ko din." pagpapaalam niya. Wow! Isa pa silang malansa.
"Nako, Jace! Kahit wag mo nang ibalik yan. Para matutong makipagdate." natatawang sabi ni Gayle.
"Oo sige! Dalaga ka na, Ney! Dalaga ka na!" sabi ko naman.
Tiningnan naman niya kami ng masama. Tapos lumapit sabay sabunot sa buhok namin. Sadista.
"Pasalamat kayo, mahal ko kayo. Mauna na nga kami. Bye girls! See ya later. Gifts? Nasa kama ko, pakikuha nalang. Pasensya na Jes ha?" I mouthed 'It's okay' then smile at her.
At tuluyan na silang umalis ni Jace. Saan naman kaya date nila? Nagpaalam na rin si Gayle, nagagalit na daw si Cielo eh. Edi sila na may DATE! Ako wala! Sino nagsabing bitter ako? Di ako bitter ah! Inggit? Lalo namang hindi. Nalulungkot lang kasi ako, wala akong kasama. Well, wala si Jasper ngayon. Kasama ang family niya sa out of country vacation nila. Isasama niya sana ako, but I refused. Nakakahiya naman dba? Tsaka, duh?! Out of country yun. Buti sana kung out of town lang.
Namimiss ko na siya. Di pa kasi siya nagpaparamdam simula nung umalis sila last week. Pero ang sabi niya bago sila umalis baka daw pasukan na sila umuwi. Mukhang nananadya yun ah.
What now, Jes? Ano nang gagawin mo ngayon? Manonood nalang ako ng movie. Kumuha muna ako ng makakain, pagtapos pumunta na ko sa kwarto at nagstart na manood.
HORROR movie ang pinapanood ko. Tapang nu?! Hahahaha. Pero natatakot din naman ako. Ayan na! Dali takbo. Grabe maabutan na sila nung multo. Dali!!!! Ayan na!!!!
*brown-out*
Anak ng! Bakit nagbrown-out? Minamalas nga naman oh! Tumayo ako at naghanap ng flashlight, hirap pa naman ako makaaninag sa dilim kasi malabo ang mata ko. Saan ko ba hahanapin yung flashlight?
*blag*
"WAAAA!"
"MAY TAO BA DYAN?!"
Napasigaw naman ako. Shocks! Ano yun? Seriously, natatakot na ko. Sinubukan kong lumabas ng kwarto, dahan dahan ako kasi nga madilim. Ayun! Nahawakan ko na yung door knob. Bubuksan ko na sana ng may nagbukas, hinawakan ako sa dalawang kamay. Sisigaw na sana ako kaso tinakpan nila ang bibig ko. Kidnap ba'to? Nagpupumiglas naman ako pero di ko kaya. Hanggang sa ........