Gayle's POV
Ngayong araw pala kami maglilipat. Buti naman, ayoko na muna dito sa bahay. Feeling ko kasi wala akong kalayaan. All set! May nakalimutan ba ko? Hmm. Wala naman na pala.
"Mommy? Daddy?" mukhang wala sila. Bahala nga sila.
Nilock ko na yung bahay, parang paglabas ko gusto kong sumigaw. I'm freeeeee! Hahaha. Kaso baka sabihin nila bagong labas sa mental.
Napansin ko naman na may tao malapit sa gate namin. Sino naman yun? Di kaya?
"Anong ginagawa mo dito?" si Cielo. Paano niya nalaman na dito ako nakatira?
"Obvious ba? Edi sinusundo ka."
What? Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Ako? Susunduin niya? Bakit?
"Bakit?" napakunot naman ang noo niya. Anong problema nito? Close ba kami?
"Tss. Girlfriend kita dba?" ay oo nga pala. Boyfriend ko nga pala siya. Bakit nakalimutan ko. Tsk tsk!
"Sorry, baby." ngumiti naman ako ng pagkatamis tamis. "Kaso wala naman akong pasok ngayon."
"Ah ganun ba? Sayang naman pagpunta ko dito, sige alis na ko."
"Ah, wait!"
--
"Ang bigat naman!" paulit-ulit niyang reklamo.
Tawa naman ako ng tawa sa kanya. Boyfriend ko siya dba? Dapat lang tulungan niya ko. Pinagbuhat ko lang naman siya ng mga bagahe ko, buti nalang pala dumating siya.
Pagdating namin sa dorm naabutan namin si Jessie na nag-aayos nang gamit. Napansin naman niya kami, ngumiti muna siya pero nung makita niya si Cielo bigla siyang napasimangot.
"Ah Jes, hinatid lang ako ni Cielo. Nagpatulong na rin." tumaas naman yung kilay niya. "Ah, uuwi ka na Cielo, dba?"
Napatingin naman siya sa akin.
"Seriously? Pagkatapos kitang ihatid at bitbitin yang gamit mo, pauuwiin mo lang ako? Hindi mo man lang ako pakakainin?"
Ha? Nagulat naman ako sa kanya. Adik ba siya? Napatingin naman ako kay Jessie. Mukhang galit na si Jessie, paano ng gagawin ko? Tsk paano ba?
"May pagkain doon sa ref, kumain muna kayo." waaa. Kinakabahan na ko. Galit yan, for sure. "T-tara. Kain na tayo."
Kumain naman na kami. Bakit ganon, bakit parang may naiilang ako? Hindi ka naman ganito Gayle ah? Sanay ka na sa mga lalaki. Umayos ka! Pagtapos niya kumain, umalis agad siya.
"Mag-usap tayo mamaya. Mag-ayos ka muna ng gamit mo. Hintayin din natin si Courtney."
Hihintayin pa si Courtney? Yung totoo? Gusto niyo kong mamamatay? Okay, OA ah. Eh kasi naman kay Jes pa lang lagot na ko, kay Courtney pa! Help me guys!!!
--
Comments, Votes. Thanks! :)