TSOL-Chapter 24

103 14 1
                                    

Jessie's POV

Wala naman ng sumunod na nangyari. Naging okay naman lahat buong araw sa school. Wala namang nakasaksi sa nangyari kanina, kundi kalat na yun sa buong school. Napabuntong hininga naman ako. Panibagong taon, problema agad ang sumalubong sa akin. Uwian na pala, nanatili muna ako sa room hihintayin ko pa kasi Jasper. Pumunta kasi siya meeting ng varsity niya.

Feeling ko start pa lang ng klase pero pagod na pagod na agad ako. Pumikit muna ako, iidlip muna ako.

*flashback*

"Wala na ba talaga tayong pag-asa, Jes? Hindi mo na ba talaga ako mahal?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Alex, napag-usapan na natin to ah. Sabi mo okay na, pero ano nanaman tong sinasabi mo?"

Mas nagulat naman ako nung hinapit niya ako sa bewang sabay hinalikan. Dahil sa pagkabigla ko, sinampal ko siya.

"Bastos!"

Tumakbo ako palayo sa kanya. Bakit Alex? Tama na!

--

Nagising naman ako bigla. Panaginip lang pala. Hays.

"Baby, ayos ka lang ba?"

"Jasper, ahm ayos lang ako."

Niyakap ko si Jasper sa di ko malamang dahilan, nagiguilty ako sa kanya. Feeling ko andami ko nang kasalanan sa kanya.

"I love you, Jasper."

"I love you too." sagot naman niya. "Jes, sino si, sino si Alex?"

Bigla naman akong napatingin sa kanya. Di ko alam kung bakit ako kinabahan.

"E-ex ko siya, Jasper." tapos nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hinarap naman niya ako sa kanya.

"I trust you, baby."

--

Kinabukasan...

Alex's POV

Hi! Thank you author for the opportunity to explain my side.

I'm Alex Rosales. Ex-boyfriend ni Jessie. wag niyo sanang isipin na kontrabida ako dito, nagmamahal lang din kasi ako. Mahal na mahal ko pa rin si Jessie. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang mahal niya pa rin ako.

Galit siya sa akin ngaun, kaya naman hinayaan ko muna siya. Mali talaga yung ginawa ko sa kanya kay nagsisisi ako. Balak kong magsorry sa kanya kaya ito, hinahanap ko siya. Pansin ko lang andami atang tao sa may bulletin. Ano kayang meron? Syempre may pagkadakilang tsismoso din ako, kaya naki-Usi na ko.

"ANONG IBIG SABIHIN NITO?! SUMAGOT KA?!"

Narinig kong sigaw nang lalaki. Ano bang meron? Ano ba tong mga taong to?

"Excuse me, excuse me." nakipagsiksikan na ko sa mga tao.

"MAGPAPALIWANAG AKO, JASPER! HINDI KO GINUSTO YAN! MAKINIG KA MUNA SA AKIN! PLEASE!

"TAMA NA! WALA KA NANG DAPAT IPALIWANAG! AKALA KO BA MAHAL MO AKO?! NILOKO MO LANG PALA AKO! DAPAT NANINIWALA AKO KAY KARREL! HINDI KA LANG MANLOLOKO, MALANDI KA PA!"

Jessie?

Nang makalapit ako, si Jessie. Si Jessie nga. Lumapit pa ko sa kanya at nagulat dahil biglang may sumuntok sa akin.

"GAG* KA! MGA MANLOLOKO!" kundi ako nagkakamali siya si Jasper. Pero bakit? Lumapit pa ako kay Jessie nakita kong umiiyak na siya. Yung picture, yung picture nung gabing hinalikan ko siya. Nagmadali ako at tinanggal lahat ng picture.

"FVCK!!! SINONG GUMAWA NITO?!" mukhang natakot naman sila sa sigaw ko. "WALANG SASAGOT?! LAHAT NANG MAGKAKALAT NITO, MAGKITA-KITA TAYO MAMAYA SA PRESIDENT'S OFFICE!"

Hinila ko na palayo si Jessie sa mga tao. Sa garden kami napunta ngayon. Iyak pa rin siya ng iyak. Lumapit ako sa kanya para yakapin siya, pero umiwas siya. Napayuko naman ako.

"I'm sorry. Wag ka na umiyak." inabutan ko nalang siya ng panyo. Hindi niya tinanggap at sinigawan ako.

"LAYUAN MO NA, ALEX! ANO MASAYA KA NA HA?! NAKIPAGTULUNGAN KA PA TALAGA SA BABAENG YUN!" babae? sino? "HINDI KO ALAM ALEX KUNG ANONG PROBLEMA MO?! NAG USAP NA TAYO DIBA? ANO HA? GUMAGANTI KA? GUMAGANTI KA DAHIL SINAKTAN KITA?! GUSTO MONG NAKI----"

Niyakap ko siya nang mahigpit, kahit nagpupumiglas siya. Hindi ko alam ang mga sinasabi niya wala akong alam.

"Jessie, wala akong alam sa sinasabi mo. Maniwala ka sa akin."

"BITAWAN MO KO! ANONG WALA?! MAGALING KA NA RIN PA LANG UMARTE NGAYON! ANO MASAYA KA NA? GALIT NA SA AKIN SI JASPER! ANG SAKIT SAKIT! SANA DI KA NALANG NAGPAKITA! KASALANAN MO'TO! LAYUAN MO NA KO!!! AYOKO NANG MAKITA KA PA!" tuloy pa rin ang pag-iyak niya.

Lumayo ako sa kanya. Nasasaktan ako sa nakikita ko, ayokong umiiyak siya. Masakit!

"Gag* rin naman kasi yung boyfriend mo. Kung mahal ka niya, pakikinggan ka niya. Hindi iiwan nalang basta. Kung may tiwala siya sayo makikinig siya sa bawat paliwanag mo, hindi yung ipapahiya ka niya sa maraming tao at hindi ka niya sasabihin nang masasakit na salita. Wala na ngang tiwala sa mukha niya, wala pang tiwala sayo. Tandaan mo to Jessie, hindi ko magagawang saktan ka. Kasi hindi ko kaya, oo masakit. Masakit pa rin sa akin na may mahal ka nang iba. Pero hinding hindi ko kayang gumanti sayo, Jessie. Mahal na mahal kita. I'm sorry, kasalanan ko'to wag kang mag-alala aayusin ko'to."

Since ayaw na niya akong makita, umalis na ko sa lugar na yun. Mananapak din ako nang walang kwentang tao!

--

Karrel's POV

SUCCESS!!! Sira ka na Jessie. Sira na kayo ni Jasper. Sira ka na sa buong campus. Magaling Karrel, you did a great great job. Nagdiriwang ang kalooban ko ngayon. Sa akin ka na ngayon Jasper. Okay tapos na ang palabas. Kaya ito, parampa rampa nalang ako.

"OUCH! ANO BA?!" bigla ba naman may sumabunot sa buhok ko. Sino ba to?

"WALANGYA KANG BABAE KA!" napahawak ako sa pisngi ko. Ang sakit! Ang lakas ng sampal niya.

"ABA IKAW ANG WALANGYA! SINO KA BA?!" tanong ko. Ohw, si Gayle pala. Pero sino tong isang epal na to?

"Sino ako? Ako lang naman si Courtney Jemiel Abranilla. Isa sa bestfriend ni Jessie. Tama ka nga, Gayle. Pangit ang isang to! Insecure. "

"Tinamaan ng insecure disease yan." simpleng sabi ni Gayle.

"Gusto mo ring masampal?!" tanong ko dun sa isa. "Mukha kasing di nadala tong si Gayle sa sampal ko eh."

"Then try me." ngisian naman niya ko, sasampalin ko na sana siya nang may humawak sa dalawang kamay ko.

"Tsk. tsk!"

"Cielo, Jace ano ba?! Bat pinigilan niyo siya?!"

Ow the heartthrobs. Ano bang meron sa kanila at puro heartthrobs ang kasama nila? Binitawan naman ako nung dalawa. Nabigla naman ako kasi sinampal nanaman ako ni Courtney.

"HOW DARE YOU?!"

"MORE DARING THAN YOU! WAG MO KONG MAENGLISH-ENG ----- AAAH!! IBABA MO KO WILLIAM!" binuhat ni Jace na parang sako si Courtney.

"Ha-ha-ha! Get well soon, Karrel. Hintayin mo ang sampal ko. Tara Cielo!"

May araw rin kayo.

--

Okay, chapter 25 will be last part of JasSie story. Thank you! :)

Three Sides of Love (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon