Jessie's POV
"A-alex?" nauutal kong sabi.
"Jessie!"
Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang gulat ko sa kanya. B-bakit? Bakit kailangan niya pa niyang bumalik? Pero bakit parang gusto ko ang yakap niya ngayon? Bakit hindi ko siya tinutulak palayo? Oo! Itulak mo siya, Jessie!
"Alex, ano ba! B-bitawan mo ko." tinutulak ko siya pero ayaw niya pa rin. "Alex!!!! Bitawan mo ko!" at bumitiw na din siya.
"Namiss kita, Jessie." tumingin siya sa mga mata ko, diretso sa mga mata ko.
"Mauuna na ko."
Tinalikuran ko na siya. Hindi na ko lumingon kahit tinatawag niya pa ko. De javu lang? Parang nung nagbreak lang kami. Di ako dumiretso sa classroom. Nagpunta muna ako sa gym at naupo. May practice game pala ngayon ang varsity namin.
Napahawak ako sa dibdib ko, ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Napapikit ako dahil dun.
Inhale!
Exhale!
Inhale!
Exhale!
"Jessie, okay ka lang?" napadilat ako. Si Jasper. Oo nga pala, varsity pala siya dito. Pati si Cielo.
"O-okay lang ako."
"Namumutla ka eh." nag-aalalang sabi niya.
"Nainitan lang ako. Di ka papasok ngayon?" napaiiba ko ng topic.
"Oo. Excuse naman ako, malapit na rin ang laban. Baka hindi kita mahatid mamaya ah."
"Ayos lang yun, ano ka ba."
"Hm date tayo sa Saturday?" tanong niya.
"Osige ba!" ngumiti naman ako sa kanya.
Ilang oras rin akong nanatili sa court, di na ko pumasok ng first subject. Pagpasok ko, hanggang dito sa classroom may bulung-bulungan.
'May bago pa lang transferee dito.'
Huh? May bago nanaman silang pag-uusapan. Nung nakaraan si Jace ang pinag-uusapan ah. Ngayon, bago na? Hmm.
'Pero sabi nila gwapo daw.'
'Talaga? Edi dagdag heartthrob nanaman.'
'Meron na ngang Cielo, may Jasper, may Jace. May bago pa?'
'Grabe na ituuu!'
Grabe tong mga kablock ko. Ang oa nilang magreact. Pero grabe lang ah. Jasper heartthrob? Di ko alam yun ah. Ang galing! Hahaha. Kahit papaano umokay na ko nung nakausap ko si Jasper.
"JESSIEEEEEEEEEEEEEEEE!" napatingin ako bigla sa pintuan.
"ANONG PROBLEMA NIYONG DALAWA?" sigaw ko.
Mga loka-loka to. Sumigaw ba naman, eh may klase sa kabilang room. Pumasok sila sa room at hinila ako palabas.
"Aray! Ano ba!" pumiglas ako. Nakawala naman ako.
"Si ALEX!" sabay nilang sabi.
Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pangalan niya. Juice colored. Pero di ko pinahalata sa kanila na affected ako.
"Nakita ko na siya kanina." wala sa mood kong sagot.
"Anong sabi niya?"
"Mamaya. Pumasok muna tayo sa klase."
Dumating na rin kasi si prof. Hinanap ko yung output na ginawa ko para sa major subject na'to. Teka, nasaan na ba yun? Isip isip, Jessie! Di ko naman siguro na iwan yun diba?. Nako magchecheck pa naman si Prof ngayon.
"Abay!" tawag ni prof. Lumapit na yung kablock ko.
Nako naman! 3 pa ang mauuna bago ako tawagin, di pa naman siya tumatanggap ng late to. Major pa man din to.
"Aguilar!"
Inalabas ko lahat ng gamit ko sa bag. Jessie, san mo ba talaga nilagay yung output na ginawa mo!!! Nagpapanic na talaga ako.
"Alesca!"
Kinakabahan na ko! Grabe-grabe! Naiwan ko ata talaga sa bahay. Nanlumo ako. Patay na talaga.
"Amiel!"
Ako na susunod sa kanya. Sana may himalang mangyari. Maghimala sana! Please! Please!
"Andrada!"
Please! Please! Nakapikit pa ko nyan with matching cross finger. Pleaseeeeee!
"Jessie, ikaw na." bulong nang na sa likod ko.
Tumayo na ko. "Sir?"
"Your output?" patay.
"Sir my output?"
"Yes miss Andrada! Your output."
"Yes sir my output!" natawa naman mga kablock ko. Halatang kinakabahan ako.
"Miss Andrada, I'm serious here. Give ----"
*knock knock*
Boom! Himala! Yes! Nakahinga ako ng maluwag. Naupo muna ako at umubob sa desk ko.
"Yes, mister?" tanong ni Sir.
Nagtilian naman yung mga kablock ko babae. Bakit?
'Siya yung bagong transferee!'
'Ang gwapo nga niya!"
"Quiet!" saway ni Sir. Sino kaya yun at nagtilian sila?
"Ah sir, can I excuse Miss Jessie Andrada?"
Napatingin ako bigla sa nagsalita. Oh no! Alex?
"Why?"
"This. I think she owns this stuff."
Pinakita niya yung hawak niya. Yung, yung OUTPUT ko! Bakit na sa kanya?
"Nahulog niya po kasi itonung nagkabanggaan kami."
Nagflashback naman sa akin yung nangyari kanina. Oo nga pala!
"Okay, Miss Andrada pakikuha nalang sa kanya."
Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya.
"Salamat." di ako tumingin ng diretso sa kanya.
"See you around, Miss Andrada." bulong niya sa akin habang nakangisi siya. At umalis na siya.
Pinacheck ko kay Sir yung gawa ko. At naupo ulit. Kinilabutan ako dun ah. Ano bang balak mo, Alex?
--
Comments, Votes. Thanks! :)
Si Alex Rosales po. :)