3rd person's POV
First day of 2nd semester sa Emerald University, makikita mo yung ibang estudyante eh tamad na tamad pang pumasok, yung iba tsismisan agad, yung iba excited, yung iba naman libro agad ang hawak. Sa kabilang banda naman.
"Hoooooooy! Jesssssieeeeeeee!" halatang gulat na gulat si Girl. Ikaw ba naman sigawan eh.
"Ano bang problema niyong dalawa?! Bakit niyo ko sinigawan?" sabi niya. Sumagot naman yung isa.
"Eh paano ba naman kasi kanina ka pa nakatulala dyan, kinakausap ka namin." sabi naman sa kanya nung girl na may pagsophisticated ang dating.
"Tama! Mukha kaming ewan dito oh!" sabi naman nung isang girl na boyish ang dating.
"Tigilan niyo nga muna ako Gayle at Courtney. Kay aga-aga eh." at nagwalk-out. Nagkibit-balikat naman ang dalawa.
Bestfriends, yan silang tatlo.
Si Jessie Andrada, siya ang pinakamatanda sa tatlo. 19yrs. old, computer engineering student. Simpleng babae, maganda kahit walang arte sa katawan, matured pero isip bata minsan, mabait, friendly pero wag na wag aawayin dahil palaban tong babaeng to. Maraming nagkakagusto sa kanya.
Si Courtney Jemiel Abranilla. 18yrs. old, medical technology student, pangarap maging isang doctor. Simpleng babae, marunong mag-ayos sa sarili kaya mukhang matured pero isip bata, bubbly, madaldal, masungit pero mabait. NBSB kahit maraming nagkakagusto sa kanya.
Si Gayle Madrigal, pinakabata. 17yrs. old, fashion designing student, simpleng babae as in simple, boyish kung kumilos, pasaway, maingay, makulit, friendly, matured pero may pagka-eng-eng pagdating sa pag-ibig at mabait. Mas type niya yung mas bata sa kanya.
kilala niyo na sila ah.
--
Jessie's POV
Gusto kong mapag-isa ngayon, alam kong di ako titigilan ng dalawang yun. Pumunta ako ng cafeteria, kafirst day first day nasa cafeteria agad ako. Hays.
"Isa nga pong vanilla ice cream." agad kong binayaran at humanap ng upuan.
Buti pa ang ice cream nacocomfort ako, habang enjoy na enjoy ako sa pagkain. Ayan na sila.
"Jes, grabe ka andito ka lang pala. Pinagod mo kami kahahanap sayo." Courtney.
"Sinabi ko bang hanapin niyo ko?" sabi ko sa kanila habang ninanamnam ko yung ice cream.
"Aba aba tigilan mo nga kaartehan mo Jes. Ano bang problema mo?" Gayle.
"Wala. Wala akong problema. Wala pa ba kayong klase?" pag-iiba ko ng topic. Ayoko munang pag usapan kung anong problema ko.
"Well, maaga pa. 10am pa klase ko eh. Ikaw ba Gayle?" sabi ni Courtney.
"8am. May isang oras pa ko, kaya spill Jes. What's your problem?" psh, akala ko ligtas na ko. Pero ano bang magagawa ko? Edi sabihin nalang.
"Me and Alex broke up." walang ganang sabi ko.
"What?! For real? As in break? Hiwalay?" sabay nilang sabi.
"Yeah. Last month lang, ako nakipagbreak." walang gana kong sabi sa kanila.
"Teka bakit? Jes, 3years din kayo. Ano bang nangyari?" sabi ni Courtney. Halatang nag-aalala siya.
"Hulaan ko, may babae siya nu? Pare-pareho lang yan mga lalaki. Wag kasing seryoso masyado. Laruan ang tingin nila sa babae, edi makipaglaro tayo." sabi ni Gayle. Bitter talaga nitong babaeng to.
"Bitter. Hindi lahat ng lalaki ganun sa iniisip mo, sadyang malas ka lang kasi. Hahaha!" pang-aasar ni Courtney.
"Hoy Courtney manahimik ka nga dyan! Akala mo naman may experience ka sa love love na yan." ayan na naman po sila. Hindi sila nag-aaway sadya ganyan lang sila.
"Gayle hindi naman porket walang experience, wala na kong alam sa love. Ang point ko, mamili ka kasi ng matinong lalaki. Tsaka wag magmadali may nakadestiny namang lalaki para sa atin eh." hahahaha. Hindi ko mapigilang tumawa ang kulit kasi ni Courtney habang sinasabi niya yun, magkahawak yung kamay tapos nakatingin pa sa taas. Para bang inimagine niya yung destiny guy na sinasabi niya.
"LANGYA! WALANG DESTINY COURTNEY!" sigaw ni Gayle.
"MERON!" sigaw naman ni Courtney.
"WALA!"
"MERON!"
"HEEEEEEEP! Tama na nga yan. Mukha na kayong ewan oh." umawat na ko, nakakahiya pinagtitinginan na kami. "Next time na tayo mag usap girls. Ikekwento ko lahat ng nangyari, wag muna ngayon. Sige, mauna na ko. Bye!" nagbeso muna ako sa kanila tsaka umalis.
Pumunta na ko sa classroom, as usual maingay. Umupo ako sa harapan, iidlip muna ako saglit.
minutes passed.
"Miss, miss!" sino ba to? Kitang natutulog yung tao eh.
"Hey! Miss, may nakaupo ba sa tabi mo?" hindi ko pa rin pinansin, aalis din yan.
"Miss! Uy gising." aba! Hindi pa nakuntento niyugyog pa ko. Sino ba tong istorbo na to? Nag-angat ako ng ulo, at nagulat ako.
"J-jasper? Jasper del Castillo?" OMO! Bakit siya andito?
"Yes! Its me Jessie. Uupo na ko dito sa tabi mo ah." at ngitian niya ko.
HINDI!. Nako naman!
--