TSOL-Chapter 27

104 11 1
                                    

Gayle's POV

Antok na antok talaga ako. Wala ako sa mood makinig kay Ma'am ngayon. Ang gusto ko lang, ay matulog na. Napipikit pikit na yung mga mata ko, nang makarinig ako ng bulungan.

"Gelyn, ano yung sabi ni Ma'am?" tanong ko sa seatmate ko.

"About sa foundation week." simpleng sagot niya.

Nabuhayan naman ako. Foundation week? Kung hindi ako nagkakamali, 2weeks nalang at Foundation week na after that, Holiday break naman. Naexcite ako! Yey! Makikinig na nga ako.

"Okay since malapit na ang foundation week. Nakaisip ako ng magandang idea para sa booth natin. May naisip din akong activity na tayo ang magcoconduct."

"Mukhang exciting po yan ah."

"Exciting nga. Class, natatandaan niyo pa kung sino yung top 5 designers natin?"

Tumango naman kami. Oo. Kasali ako dun. Wag niyo na tanungin kung pang ilan, baka di kayo maniwala.

"Sino-sino nga ulit yun? Pakitaas ang kamay."

Nagtaas ako. Si Rochelle, Rhenze, Anna at Andy. Oo nga pala, kasama nga pala yung babaeng yun.

"That's it for today. You may go. Bukas ko ieexplain ang gagawin niyo. Kayong lima maiwan kayo."

Bigla naman akong kinabahan.

*bzzt* *bzzt*

Kinuha ko muna yung cellphone ko.

1 new message

From: Cielo unggoy

I'm here outside, I'll be waiting.

Anong drama ni Cielo?

Hays. Okay. After 15 minutes natapos ang pinag usapan namin kasama si Ma'am. Wow. A fashion show. Yes, fashion show nga. Gagawa kami ng limang designs na ipapasuot sa mga models at kung sino manalo sa amin, plus points sa midterm. Woohoo! Ang saya naman nito.

"Okay, that's all. Aasahan ko kayo, ang deadline ng designs ay next week. Sige, pwede na kayong umalis."

Palabas na sana ako nang room pero hinarang ako ni Andy. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. Anong problema nito? Napatingin ako sa kanya, tinaasan ko siya nang kilay.

"What?" tanong ko sa kanya.

"Iniisip ko lang kung bakit ikaw ang pinalit sa akin ni Cielo." sabi niya habang iniikutan ako. "Ang simple-simple mo lang naman. Parang hindi nga bagay sayo maging fashion designer eh, sarili mo kasi hindi mo pa maayos."

Tumingin ako sa suot ko. Anong masama sa suot ko? Skiny jeans, shirt and doll shoes. Karamihan naman kasi sa amin ganito lang. Simple. Hindi katulad niya, fitted red dress and black high heels. Yung totoo? Anong pinunta niya dito? Napairap naman ako. Napakaarte kasi eh.

"Oo nga't fashionista na ang dating mo ngayon, kayang kaya mong ayusan ang sarili mo. Pero mas magaling parin ako sayo. Remember, ako ang top 1."sabi ko sa kanya.

Nakita ko namang gigil na gigil na siya. Ano ka ngayon? Masyado siyang pakitang tao sa harap ng ibang tao. Pero kapag ako kaharap lumalabas ang baho. Ako pa kakalabanin niya ah.

"Sabi nga nila, "Don't judge the book by its cover." Madalas kasing mas maganda ang kalooban, kaysa panlabas." this time, ako naman ang umikot sa kanya. "Maganda ka nga." tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Ugali mo naman pangbasurahan."

Tapos lumabas na ko sa room, with my oh-so-happy-evil-smile. Hahaha! Narinig ko pa siyang sumigaw.

"B*TCH!!!!!!"

Napatawa nalang ako. Sa dami dami kasi ng kakalabanin niya, ako pa. Well, let's see Andy. Sa di kalayuan nakita ko na si Cielo. Nakangiti akong lumapit sa kanya. Goodmood ako ngayon, sana wag masira dahil sa kanya.

"Hi babe!" bati ko sa kanya.

"Hi. Bakit ang tagal mo? Yung iba mong blockmates kanina pa lumabas."

"Hm hinarang kasi ako nang basurera." natawa naman ako sa sinabi ko. Siya naman nagtataka.

"Ano?"

"Waaaaalaaaaaa! Saan tayo?"

Hindi na niya ako sinagot, basta nalang niya akong hinila. Here we go again. Saan kaya kami pupunta? Minsan naisip ko kung bakit naging heartthrob to eh. Ang yabang yabang, tahimik, nakakainis, napakabossy. Paano kaya natiis ni Andy to?

"Tunaw na ko." umiwas naman ako nang tingin.

Napagtanto ko na nakatitig pala ako sa kanya. Hindi ko namalayan na tumigil na kami sa paglalakad. Bumitaw ako sa kanya at nagpalinga linga ako sa paligid. Ang ganda naman dito. Green na green. Ang daming puno. Pumikit ako upang damhin ang hangin, mahangin kasi dito. Napadilat nalang ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"Kain na." sabi ni Cielo, na may kasamang ngiti.

Nakatulala ako sa kanya. Anong meron, bakit ang bait ni Cielo ngayon? Napatingin ako sa hinanda niyang lunch, siya lahat gumawa nito? Umupo ako sa tabi niya. Parang piknik ang peg namin. May adobo, fried chicken, spaghetti at salad. Napakunot noo ko, ang weird niya talaga ngayon ah.

"Kain na, babe." napatingin ako sa kanya. "Ayaw mo ba?" tanong niya, tapos biglang nalungkot yung mukha niya.

"Bakit ang bait mo? Anong meron? Hindi ko naman birthday ah? Birthday mo ba?" bakit ba bigla siyang nalungkot?

"Happy Monthsary." nagulat ako sa sinabi niya, m-monthsary?

"Pagkakatanda ko, November 5 naging tayo. At pagkakaalam ko December 5 ngayon. So, happy monthsary babe!"

Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Seriously?

"Ah ganun ba? Happy monthsary din, babe!" ngumiti ako sa kanya.

"Kain na tayo."

--

And that's it for the day. Mejo lutang pa rin ako, hindi ulit ako makatulog. Pagkatapos kasi naming kumain ni Cielo, namasyal pa kami. Saan? Basta, sa amin nalang yun. Tapos hinatid niya ko sa dorm. May roses at chocolates pa nga ako eh.

Ganun na kaya siya parati? Yung sweet, caring at gentleman? Pero alam ko namang laro lang to. He did it, with a purpose. Hindi naman niya siguro gagawin yun nang walang dahilan.

Atleast, nakita ko ngayon ang ibang side ni Cielo.

--

Kinabukasan...

"Ang sweet naman ni Cielo."

"Kyaaaa!! Ang gwapo talaga ni Cielo!"

"Sayang nga kasi si Gayle ang girlfriend niya ngayon, playgirl pa man din yun."

Aba't ano tong mga naririnig ko? Bakit naririnig ko pangalan ko? Napatingin ako sa mga chismosang palakang nasa tabi tabi. Sinamaan ko sila ng tingin. Natakot naman ang mga palaka, umalis.

"Bagay talaga si Cielo at Gayle. Ang sweet nila."

"Psh. Mas bagay pa rin sila ni Andy."

Ayan na naman, narinig ko nanaman pangalan ko. Bakit ba kami ang topic ngayon? Nagtanong ako sa mga nakasalubong ko kung anong meron. Aba, parang mga kiti-kiti. Kinakausap ko nang maayos tapos kikiligin sa harap ko. Sabi niya sa bulletin daw ako pumunta.

O.o! Ano to?

--

Comment, vote. Thanks! :)

Three Sides of Love (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon