Cielo's POV
(note: lahat ng naka-Italicize ay flashback po :))
Umuwi akong ngiting ngiti dahil ang saya saya ko. Ito na ata ang pinakamasayang araw para sa akin. Hindi ko akalaing kakausapin niya ako. Ang babaw ko, grabe. Wala akong ginawa kundi ngumiti, hindi ako makapagconcentrate sa binabasa kong libro. Matutulog nalang ako, tinago ko na yung libro tsaka humiga sa kama.
......
Argh!!! Hindi ako makatulog! Kahit anong pwesto ko, hindi pa rin ako makatulog. Umupo ako sabay ginulo ang buhok ko. Ang bakla! Hindi ako makatulog dahil lang sa kinausap ako ng crush ko. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng gatas baka sakaling makatulong yun. Pagbaba ko naabutan ko si kuya Jace na nanonood pa ng tv, pero mukhang hindi naman nanonood, tulala kasi eh. Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng gatas, tapos dumiretso ako sa sala.
"Kuya. Bakit gising ka pa?"
Mukha naman siyang nagulat, halatang wala siya sa sarili.
"Wala. May iniisip lang. Mukhang masaya ka ata ngayon ah?"
"You know Gayle, right?"
"Oh, that crazy 2nd year student (hs) Hahahaha!" loko to ah. Tinawanan niya lang ako, aba! Itong si Kuya talaga. Ayun nagkwentuhan lang kami.
"Tanong? Tungkol saan ba?" tanong niya.
Ngumiti ako. "Panliligaw."
Humagalpak sa tawa si Kuya. Tinitigan ko lang siya ng masama. Nakakainis naman to. "Bakit ba tawa ka ng tawa ha?" tanong ko.
"Out of the blue naman kasi yung tanong mo. Hahahaha! Hindi ko ineexpect eh." tumingin ako ng masama sa kanya.
"Chill. Hahaha!"
So, nung natapos na siya tumawa nagtanong na ko. Grabe, hindi ko alam kung gagawin ko yun. Pagkatapos naming mag-usap na tulog na kami, maaga pa bukas para sa first move.
--
Kinabukasan....
Maaga akong pumasok, maaga naman talaga akong pumasok pero mas inagahan ko pa. Wala pang masyadong tao dahil maaga pa nga. May gagawin kasi ako. Pumunta ako sa locker room para hanapin yung locker ni Gayle. Uso pa ba tong style na to? Sabi kasi ni Kuya Jace effective pa daw to. Bumili ako ng cupcakes sinamahan ko pa ng short message tapos nilagay ko sa locker ni Gayle, buti nalang hindi niya na-ilock.
Parang ang baduy naman. Magugustuhan kaya niya to? Makaalis na nga baka may makakita pa sa akin dito. Bawal pa naman lalaki dito dahil girl's locker room ito. Patay ako kapag nagkataon.
"Ano nga ulit first subject natin?"
"Math." patay may paparating. Paano ako lalabas nito. Nagtago muna ako sa likod ng lockers. Magkatalikuran kasi yung dalawang locker.
"Gayle."
Napapikit ako nang marinig ko ang pangalan niya. Sila Gayle pala yun, kasama ang mga kaibigan niya. Bakit ang aga niya ngayon? Alam niya bang may gagawin ako? Kinabahan ako bigla. Para akong bakla dito, pinapapawisan na ko.
"Gayle, amoy pagkain." sabi nung kaibigan niya.
"Ha? Nako Courtney, aga aga pagkain agad ah."
Narinig ko naman silang nagtawanan maliban kay Courtney. Teka Courtney? Parang nabanggit ni Kuya Jace yung name na yun ah. Well.
"Totoo naman talaga eh. Hindi niyo ba naamoy? Psh. Dalian mo nga Gayle."
"Oo na."
Boses niya yun. Kinabahan ako lalo dahil anytime makikita na ni----