TSOL-Chapter 4

210 29 26
                                    

Gayle's POV

"Deal? Ano namang klaseng deal yan?" tanong ko sa kanya.

"Be my girlfriend." sabi niya habang nakasmirk pa.

"What?! Are you insane? Ano pinagsasabi mo?" nagulat naman ako sa suggestion niya, be his grilfriend daw?

"Be my girlfriend. Pagseselosin natin si Andy, alam kong mahal pa rin ako ni Andy. Sadya nagpadala lang siya sa ex mo kaya nakipagbreak siya sa akin." what?! Grabe. Makikipagdeal ba ko?

"Then, after niyang magselos? Anong pakinabang ko dyan?"

"Andy will come back to me and you can get Nigel too." well good idea, you'll see Nigel.

--

Ilang oras ang lumipas.

*Lunch break*

Jessie's POV

Kasama ko ngayon si Jasper. Makulit eh. Miss ko na yung bestfriends ko, sana lunch break na rin nila.

"Oh Jessie, ayun si Courtney oh!" oo nga. Nilapitan namin si Courtney, busy'ng busy sa cp kaya di kami napansin.

"Jusmiyo marimar! Kayo pala Jessie, Jasper. Nagulat naman ako sa inyo."

"Hahaha! Busy ka kasi masyado eh." sabi ni Jasper.

Ngumiti naman si Courtney at binigyan ako ng anong-meron-bakit-kasama-mo-yan look. Sinagot naman siya ng alam-mo-na-makulit-eh look. Tumango tango naman siya. Oha? Kami lang nagkakaintindihan nyan.

"Umupo na kayong dalawa. Jes, nakita mo si Gayle?"

"Yun nga eh, di nagrereply. Okay lang kaya yun?"

"Mukha ayan na ung hinahanap niyo." napatingin naman kami sa tinuturo ni Jasper.

o.O! Si Gayle at Cielo magkasama? Magkaholdinghands pa?

"Hi girls!" bati niya sa amin at bumeso.

"Parang walang nangyari ah."

"Courtney!" mang-aasar pa eh.

"Okay sorry."

"Hi Jasper! Long time no see." bati naman niya kay Jasper.

"Long time no see too." Jasper.

"Guys! Si Cielo nga pala BOYFRIEND ko." WTF?!

Gayle's POV

"Guys! Si Cielo nga pala BOYFRIEND ko." inemphasized ko talaga yung BOYFRIEND para marinig ng iba.

Lol. Sarap tumawa. Epic ng mukha nila Jes at Courtney. Hahaha! Pero naging seryoso din. Oh, mukhang alam ko na.

"Jasper, order muna kayo ni Cielo ng pagkain." sabi ni Jessie. Umalis na din ung dalawa. "Anong kalokohan to Gayle?"

"Kalokohan? Mukha bang kalokohan yun?"

"Oh come on Gayle, kilala ka namin." Jessie.

"Girlfriend ako ni Cielo, boyfriend ko siya. Anong kalokohan dun?"

"Bakit di mo man lang sinabi sa amin na nanliligaw pala siya sayo?" Jessie.

"You know, suprise!" tumawa ako.

"Gayle ayan ka nanaman eh. Paano kung niloloko ka lang din nyan?" Jessie.

"Edi maglokohan kami." walang gana kong sabi. Ayoko magkipagbangayan.

"Tigil mo yan Gayle." Jessie.

"Ayoko!"

"Gayle naman. Hindi ka ba nadadala huh?" Jessie. Teka, dapat si Courtney nang-aaway sa akin ah? Bakit tahimik ata to ngayon?

"Courtney! Pagsabihan mo nga tong babaeng to! Bat nananahimik ka dyan? Sayo lang naman makikinig to eh."

"Ha?" seriously? Nakikinig ba siya? Ah kaya pala.

"Sino yang katext mo?" sabi ko. Nilakihan ko siya ng mata.

"Kanina pa yan si Courtney! Sino ba yan ha?"

"W-wala. A-ano ba naman kayo. Classmate ko lang to nu." sabi niya, sabay iwas ng tingin.

"Wala daw. Akin na nga yang cellphone mo!" inagaw ko naman cp niya.

"Gayle! Ano ba! Bitawan mo nga! ISA!"

"DALAWA!"

"TUMAHIMIK NGA KAYONG DALAWA!" sigaw ni Jes. Oops, baka magalit na talaga yan.

"Nakakabadtrip naman eh! Ikaw Gayle, kung ayaw mong maloko ulit, tigil tigilan mo yan si Cielo. Heartthrob nga, kilala naman sa pagiging playboy. Hindi porket nagseryoso yan sa isang babae, ibig sabihin seryoso na siya sayo. Nag-aalala lang kami ni Jes na baka kung ano nanaman ang mangyari sayo. Ayaw lang namin maging katulad ka ng dati. Kilala ka namin Gayle, mabilis ka mainlove! Alam kong hindi mo mahal yan si Cielo, pero pagtumagal pa yang kalokohan niyo, ewan ko nalang. Pero kung yan gusto mo, sige! Bahala ka. Aalis na ko." umiwas lang yan kasi may katext. Pero seryoso, kapag yan si Courtney nagsalita tagus-tagusan. Napatahimik nalang kami. Hay.

"Ito na yung pagkain oh! Oh nasaan si Courtney?" sabi ni Jasper.

"Umalis na. May klase na daw siya." sabi ni Jes.

"Kumain na tayo! :)" sabi ni Cielo. Kumain na kami.

Napaisip tuloy ako. Tutuloy ko pa ba to? Sino kaya yung katext ni Courtney? Hindi naman ganun ka busy yun sa cp eh. Anong problema nun, init ng ulo?

--

Comments, Votes. Thanks :)

Three Sides of Love (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon