Jessie's POV
Habang nag-iikot-ikot ako, nakita ko naman si Cielo na hila-hila si Gayle. Nakakatawa lang kasi parang bata lang si Gayle kung hilahin nitong si Cielo. Pasaway. Ayun! Kaya pala, nakita sila Nigel at Andy. Mga exes nila, ewan ko nga kela Gayle at Cielo kung bakit di nalang sila maging totoong magjowa eh. Okay naman silang dalawa kaya lang, laging nagbabangayan.
Pero sa nakikita ko close naman silang dalawa, sa ibang bagay nagkakasundo sila. Katulad nalang kapag siomai ang usapan, parehas nilang favorite yun. Tama na nga to, baka magalit si Gayle at sabihing chinichimis ko siya. Namimiss ko na kasi silang dalawa ni Courtney madalas kasing kagabi nalang kami nagkakausap ng mga yan. Busy eh. Hindi na tuloy kami update sa bawat lovelife ng isa't isa.
Nga pala nakalimutan kong ikwento sa inyo. May nagpapadala pala sa akin ng mga anonymous letters, this passed few weeks lang. Hindi siya love letters, parang death note nga eh. Kung saan-saan ko nakikita.
Katulad nung....
--
1.
Pag-uwi ko galing school may nakadikit ng note sa pinto. 'Mag-iingat ka sa bawat galaw mo, Jessie." And I was like, ano ako tanga? Sino naman kaya to?
2.
Pagkatapos ng lunch namin nung nagcr lang ako saglit tapos paglabas ko ng cubicle may kadikit na note sa salamin. 'I know your secret, Jessie.' What the! Sa inis ko pinunit-punit ko yung papel.
3.
Yung pangatlong papel naman nasa desk ko, nakita ko nung pagpasok ko. 'Alam ko ang kahinaan mo, Jessie. Mag-iingat ka.' nagtanong-tanong ako sa mga kablock ko pero wala naman daw silang nakitang nagdikit nun. Siguro masyadong maaga pumasok yung nagdikit nito.
4.
At yung last note naman, binigay ni Courtney sa akin. Nakita daw niya sa may labas ng kwarto namin, di daw niya sana kukunin kaso nakita niya yung name ko. At sa sobrang inis ko napamura ako sa nabasa ko 'Layuan mo si Jasper, Jessie. Akin siya!' di ko alam kung sinong may lakas ng loob angkinin si Jasper. Sinabi ko kela Courtney at Gayle to, at sabi lang nila baka daw obsessed lang kay Jasper.
--
Kung obsessed nga kay Jasper yun, nakakatakot pa rin siya. Pero wala pa naman siyang ginagawa sa akin. Pagkatapos nung last note wala ng naging kasunod pa. Natauhan na sigurong mas maganda ako sa kanya kay tumigil na. Lol!
Bumalik na ko kung nasaan yung booth namin. Malapit na nilang matapos yun, so tumulong na rin para madaling matapos. Kumukulo na yung tiyan ko, ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako naglalunch. Nagpaalam ulit ako sa mga kablock ko na kakain muna ako.
"Ay!" sigaw ko.
Bigla kasi may yumakap sa akin mula sa likod.
"Jasper, ano ba? Wag ka nga. PDA tayo oh!"
"Jasper? Who's Jasper?" nagtatakang tanong nito.
Kung hindi si Jasper to? Sino siya? Unti-unti akong humarap sa kanya. Nagulat ako sa nakita ko. Si Alex! Bakit nagpakita nanaman ba siya?
"Sino si Jasper, Jessie?!" sigaw niya sa akin.
"Ano bang pakialam mo, Alex?"
"Sino nga siya?!"
"B-boyfriend ko siya!"
Pagkasabi ko nun, nag-iba agad yung ekspresyon ng mukha niya. Nakita ko sa mata niyang parang nasaktan siya. Alex naman!
"Tama ang narinig mo, Alex. May boyfriend na ko. Kaya tigilan mo na ko."
"Hindi ako naniniwala sa'yo, Jessie! Ako pa rin ang mahal ko!"
"Stop acting like that, Alex!" sigaw ko sa kanya. "Tama na! Hindi na ikaw ang mahal ko, Alex. Si Jasper na ang mahal ko. Kaya please! Tumigil ka na. Nawala ka na ng ilang weeks tapos babalik ka? Para ano? Para guluhin ulit ako? Stop that non-sense act, Alex. Get lost!"
Nakatitig lang siya sa akin at parang binabasa kung anong iniisip ko. I'm sorry, Alex. Ayokong biguin si Jasper. Mahal kita, pero mas mahal ko na siya.
"I'm sorry, Alex. Please. Makakahanap ka rin ng babaeng para sayo." I'm holding back my tears not because I'm still inlove with him, I just don't wanna see someone is hurting because of me.
--
Comments, Votes. Thanks! :)