TSOL-Chapter 28

94 12 2
                                    

Gayle's POV

Nasa cafeteria kami ngayon. Wala pa ring tigil tong dalawang to sa pagtatanong. Hindi ako makapagconcentrate sa paggawa ng designs ko. Isa pa lang nagagawa ko.

"Gayle! Bakit ang sweet niyo ni Cielo? Kaya pala gabi ka na umuuwi ah." asar ni Ney.

"Kunwari naiinis siya pero kinikilig din pala. Hahaha!" natatawang sabi ni Jessie.

"Duh?! Sino naman nagsabi sa inyong kinikilig ako?"

Grabe tong dalawang to. Ang kukulit talaga. Hindi ko nalang sila pinansin, nagsketch nalang ulit ako. Napatingin naman ako sa kanila kasi bigla silang natahimik.

"Babe." nanlaki mga mata ko. Babe?

Yung lalaking iniiwasan ko ngayong araw. Naiinis kasi ako sa kanya, paano ba naman kasi may nakapost na pictures namin kahapon. Nung nagpicnic kami, nag-amusement park at yung paghatid niya sa akin. See? Sabi na eh, ginawa niya lang yun para makahakot ng atensyon at mapansin ng ex niya. Teka? Bakit ba ako nagkakaganito? Diba yun naman talaga ang dapat ginagawa namin, magpapansin at pagselosin yung basurerang ex niya.

Ano bang nangyayari sa akin? Hays. Hindi kaya, HINDI HINDI!! Napailing nalang ako. Ano ba naman tong iniisip ko. Hindi ko siya pinansin, tinuon ko lang ang pansin sa paggawa nang mga designs.

"Gayle." umupo siya sa tabi ko.

"Ahm Gayle, una na kami ni Jes ah. Tara na, Jes!" aya ni Ney.

"Teka. Sasama na ko, magtatime na rin eh."

Napatingin naman silang dalawa sa akin. Nilakihan ko sila ng mata, napairap naman sila. Inayos ko mga gamit at tumayo na. Ni hindi ko man lang siya tiningnan. Bahala ka dyan.

"Teka nga! Bitawan mo ko!" wala. Hinila nanaman niya ako. "Cielo ano ba!"

--

"Foundation Week"

Yey! Foundation week na! Excited na ko, pero kinakabahan din ako. Paano ba naman mamaya na yung fashion show. Hindi lang basta simpleng fashion show yun, kasi maraming pupunta. Allowed Lahat ng courses pumunta. Akala ko nung una kami kaming FD students lang, yun pala lahat na. Ang mga judges namin mga dean ng ibang courses, kaya bongga talaga itong event na ito.

Sabi ni Ma'am, dapat bongga talaga dahil kami ang opening event for the first day of foundation week. Yung iba pala naming blockmates, sila ang naghahandle sa booth na pinangalanan nilang "Boutique de Paris".

Nandito ako ngayon sa dressing room ng auditorium. Chinicheck ko kung maayos yung pagkakatahi ng mga damit. I made casual attire, cocktail dress, long gown, corporate attire and wedding gown. Nahirapan talaga ako sa wedding gown, dito kami lahat na challenge. Actually, hindi pa dapat kami pwede sa wedding gown dahil para sa higher year pa yun, 2nd year pa lang kami. Pero sabi ni Ma'am, challenge daw yun sa amin.

Ang magsusuot pala ng mga ginawa namin ay ibang students. Pinapili kami ni Ma'am na limang participants, syempre pinili ko yung dalawa kong bestfriend. Si Jessie para sa corporate attire at si Courtney naman sa wedding gown. Mas keri ni Ney maggown kaysa kay Jes, mas bagay kasi kay Jes yung corporate attire. Dapat kay Courtney talaga yung long gown, pero dahil sa kapos sa height at mejo napahaba talaga ang long gown ko, iba nalang pinasuot ko. Buti nga at pumayag silang dalawa eh. Mas na pressure daw sila kaysa sa akin kasi sila yung rarampa.

Ang bilis ng oras. 3pm na, 5pm ang start ng fashion show. Nga pala, hinahanap niyo daw si Cielo? Ewan. Hindi ko pa rin kami nagkikita nun. Hindi na ako galit sa kanya pero matapos nung nag-usap kami last week, hindi ko na siya nakita ulit. Tsaka ko nalang ikekwento sa inyo kung anong napag-usapan namin, busy pa ko eh..

"Hi Girlaloo! Nandito na kami." napatingin naman ako sa dumating.

"Good. Ito na yung mga damit girls. Tingnan niyo muna, may tatawagan lang ako."

Lumabas muna ako sa dressing room. Waaaaa! Bakit ngayon pa hindi macontact? Dapat kanina pa siya nandito eh.

Dialling Ate Flory (make-upartist).....

The subscriber cannot be reach. Please try your call later. *toot. toot.*

Ilang beses ko pang tinry tawagan pero wala talaga. Tsk! Kainis, pumasok nalang ako sa loob.

"Oh bakit, Gayle?" tanong ni Jessie.

"Yung make-up artist na kinausap ko, wala pa rin hanggang ngayon! Paano na yan? Wala pa naman akong alam dyan sa make-up, make- up na yan."

Ngumiti si Jessie sa akin. Nagagawa pa niyang ngumiti ah, kitang namomroblema na ko eh. "Anong tawag mo kay Courtney?"

Napatingin ako kay Courtney, inaayos na niya yung mga gagamitin niya. Napangiti nalang ako. Buti nalang nandito sila, kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko.

Nag-umpisa na si Courtney na ayusan yung iba kong models. Grabe kinakabahan talaga ako, hindi ako mapakali. Sana matapos ni Ney bago mag 5pm. Tumutulong naman si Jessie sa pag-aayos. Napapangiti nalang ako kasi tulong-tulong sila.

"Oh look, nandito na pala si Miss attention seeker."

Nawala ang ngiti ko nang makita ko si Andy. Napatigil naman sa mga ginagawa ang mga kasama ko, pati sila napatingin kay Andy. Nakatingin naman ang mga kasama niya sa amin.

"Magpapatawa ka ba mamaya, Gayle? Seriously, sila ang magmomodel sa mga gawa mo?"

Napatingin ako sa mga kasama niya. Oh, yung mga oh-so-pafamous girls pala kasama niya. Mga feeling models, oo mukha silang models kasi matatangkad at sexy sila. Akala mo professional hindi naman. Napairap ako dahil sa sinabi niya.

"Ni wala kayong make-up artist. Just, Courtney. Oh Em!"

Tiningnan ko si Courtney. Kalmado lang siya hindi naman siya mukhang galit, ganun din si Jessie. Alam nilang kaya tong isang to. Buti naman at may aawat sa akin. Konti nalang babanatan ko na to.

"Tara girls, mag-ayos na tayo." sabi niya. Then pumunta na sila sa area nila. Pero papatalo ba ko? Finorward ko ng konti yung paa ko.

*bogsh!!*

"What the?!" ayun, nadapa si Andy. Akala niya ah. Hahahaha! Natawa naman ang mga kasama ko.

"Oh, ingat ka. Muntik ng tumama yung mukha mo sa sahig. Kawawa ka naman kung madamage yang mukha mo, baka wala ng matira sayo." nginitian ko siya nang pang-asar. "My girls, gorabells na kayo. Tuloy na kayo dyan." sabi ko kela Courtney. Tawa naman sila nang tawa.

Tiningnan ko si Andy. Woah! Kung nakamamatay lang ang titig, malamang patay na ko. Ngitian ko lang siya. Well, points for me.

--

Three Sides of Love (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon