Gayle's POV
Kamusta ang buhay ko? Ito, miserable. Bakit kasi pumayag-payag pa ko sa gusto ni Cielo? Maging girlfriend niya for I don't know how long. Tss. Kakarating ko lang galing school, grabe pagod na pagod ako. Ikaw ba naman sundan yung mga exes niyo kahit saan magpunta. What I mean, kapag lunch at vacant namin. Since blockmate ko si Andy niya, at blockmate si Nigel err. So ayun kapag nauuna sila magvacant hihintayin kami then vice versa.
Di ko alam kay Cielo kung bakit masyadong naghahabol kay Andy, andito naman ako. Ano daw? Anong sabi ko?! Psh. Sa totoo lang ginusto ko rin naman yung ganitong set-up namin, kasi nga diba si Nigel gusto ko rin pagselosin. But time passed by, nagsawa na rin ako sa kanya. Nga naman, aanhin ko yung taong nang-iwan sa akin kung may darating namang mas better sa kanya. Ganyan siguro ang exact na sasabihin ni Courtney sa akin.
Pero para sa akin, mga lalaki? Parang laruan lang nila ang mga babae, kaya bakit pa ako magseseryoso diba? Bakit di rin ako makipaglaro? Yun gusto nila diba? So my next victim, Cielo Jan Richards. Napapangiti naman ako sa mga naiisip kong mangyayari sa amin ni Cielo. Mainlove, talo. For sure, ako ang mananalo.
"Oh andito ka na pala, Gayle." si Jessie.
"Kararating ko lang din." sabi ko.
*ring. ring.*
Cielo's calling....
(Asan ka?)
Wala man lang hello. Napairap naman ako.
"Bakit?"
(Asan ka nga?)
"Dorm."
(Great. I'll be there in 5 minutes.)
"What?" ano namang gagawin niya dito.
(Just open the door, we'll go to somewhere.)
and he hanged the phone.
"Gosh, what's with him?"
"Oh bakit?" tanong ni Gayle.
"Aalis ulit kami ni Cielo. Nakakainis. Sige, alis lang ako."
Pagbukas ko ng pinto tumambad sa akin ang nakakabwisit niyang mukha. Inirapan ko siya.
"What?!"
"What-whatin mo mukha mo! Ano saan naman tayo pupunta?"
"Mall."
"Mall? Kailan ka pa nahilig magmall?"
"Basta, pumasok ka na dyan sa kotse. Dalian mo!"
The nerves! Grabe talaga tong lalaking to. -___- Tahimik lang ako sa biyahe. Naiinis ako kasi paiba-iba yung mood niya. Minsan mabait. Minsan masungit, pero madalas mainit ang ulo. Kaya siguro iniwan ng gf. Psh buti nga. Nakarating kami sa mall ng walang umiimik sa amin, na kaya namin yun?
"Baba." simpleng sabi niya.
Syempre ako si pasaway bat ko susundin. "Bakit ba tayo andito?"
"I said, baba!" conyo -___-
"I said, bakit nga tayo andito?" sarap asarin. Hahaha! Bumaba naman siya, pabagsak niyang sinara yung pinto. Tapos binuksan yung pinto ko sabay hila sa akin palabas.
"Sht. Pikon." bulong ko.
"Ano?!" tumingin siya ng masama sa akin. Inirapan ko nga, makatingin eh!
Nakakainis sumunod nalang ako sa kanya, siya naman lakad lang ng lakad. Libot lang kami libot dito sa mall, daef! Yung totoo, anong gagawin namin dito? Nagugutom na ko.