Proloque

4.6K 63 1
                                    


Titig na titig ako sa nag-iisang larawang naiwan sa akin ng natatanging babaeng minamahal ako.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking labi. Alam kong punong-puno ng kalungkutan, hinagpis at pagsisisi ang nakabadya sa aking mukha pero hindi ko kayang ngumiti o tumawa man lang kaya.

Today was her death anniversary. Nanatili parin ang sakit at ang di maipaliwanag na kalungkutan sa aking puso. Noon ko lamang napagtanto noong araw na iyon na may nararamdaman na ako para sa kanya. Siya na ginawa ang lahat upang masigurado ang kaligtasan ko. Siya na ginawa ang lahat upang maging masaya ako.

Limang taong lumipas na hindi naghihilom ang sugat sa aking puso.

'nasaan ka na ngayon mahal ko?'

'nasa langit ka na ba?'

'binabantayan mo ba ako?'

Naninikip ang dibdib ko. The pain won't even subside. Ganito nalang palage ang nararamdaman kong sakit kapag nakatitig sa nag-iisa niyang larawan.

She left me. She protected me and all I ever did was stare at her lifeless body. Ni hindi ako mapag-isip ng tama at na blangko ang utak ko noong makita ko siyang tinadtad ng bala ng baril at tumulo sa mismong bibig niya ang napakaraming dugo habang nakangiti ang kanyang labi, nakatitig ang kanyang mga matang puno ng pagmamahal sa akin. Namamaalam.

I even read her mouthed

'I love you'

Hanggang sa hindi ko na nakayanan ang sakit at napaupo ako at nagtuloy tuloy sa pagyugyog ang aking balikat.

'why did you leave me arriane? Bakit hindi mo inintay ang araw na masasabi ko sayo ang mga katagang matagal mo ng minimithi na marinig'

'mahal kita arriane, minahal kita at hindi ko alam kong paano nangyari. Mahal na mahal kita.'

Totoo ngang sa huli mo lamang marerealize kong gaano kaimportante ang isang tao kapag nawala na siya sa buhay mo. Mine left me to the underworld. If I could just turn back time. If I could.

Photographed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon