Tinukod ko ang aking kamay sa hamba ng pinto at pinilit ang sarili na hintaying mawala ang aking hilo. I was supposed to leave the country kaso nagkaproblema ang aking ama sa isa sa mga underground organization, someone tipped the police na mayroong mangyayaring pagdidiskarga ng mga walang lisensiyang mga armas and dad asked me to take care of the transaction idagdag pa ang sobrang bigat ng aking pakiramdam.
"lora babe, namumutla ka." sinalat ni agot ang aking noo saka nag-aalala niyang kinapa ang aking likuran.
"normal lang ang temperatura mo bakla. May masakit ba sayo? kakabalik mo palang sa trabaho naku naman. Pagagalitan ka niyan ni madam. Hinahanap ka pa naman nun at may naghahanap sa iyong customer. Iyong sinasabi ko sayo na gwapong ma-ma, pabalik-balik at ikaw daw ang kelangan niya makausap. Kilala mo ba yun?"
pumikit ako saka itinaas ang kumot. Gusto kong matulog.
"sge na, magpahinga ka na nga lang. Ako ng bahalang magsabi kay madam na masama ang timpla mo. Saan ka ba kasi pumunta at halos tatlong linggong mahigit kang nawala. Di mo na ginawang isang buwan ang bakasyon mo." tunog pilosopo pa si agot.
"Gusto kong matulog agot, please" paos kong sabi saka hinayaan na ang sariling tuloy-tuloy na lamunin ng antok. Di ko na nga narinig ang huling sinabi ni agot.
Nagising ako na magaan ang pakiramdam. Tumunog ang aking tiyan.
Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwang, hindi pwedeng hindi ko makita ngayon si diego my loves. Namimiss ko na ang sangganong pogi.
Mag iisang buwan ko ring tiniis ang sarili na hindi masilayan ang sinisinta ng aking puso. Ayoko lang ng distraction dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at bigla ko na lamang sunggaban ang Simon na iyon at halikan siya ng napakalalim tanda ng pagpaparamdam kong gaano ko siya namiss.
Nag-asikaso na ako, paglabas ko ng banyo ay nandoon na si agot at nagmemake-up.
"Ayos na pakiramdam mo babes?" tinanguan ko siya saka nginitian.
"Mabuti. May mga VIP's daw tayo ngayon kaya bawal daw ang absent sabi ni madam. Lika na matatapos na ako. Ako na magkokolorete sa mukha mo tapos kakain na tayo at lalarga na. Gah! Magkakapera na naman ako." tuwang-tuwa si agot.
Lakas kasing gumastos ng mamahaling mga bagay kaya palageng ubos ang pera. Masyado siyang materialistic.
Pagkatapos naming kumaen ay nag taxi kame papunta ng Bosso Locco.
Sobrang crowded at jampacked ng parking area. Malakas din ang music na naririnig ko.
"Sa VIP tayo. Doon tayo naka assign babes. We'll just dance the same dance na pinraktis naten noong nakaraang buwan. Absent ka kasi ng absent kaya hindi ka nakakasama sa bagong steps na tinuturo, mabuti nalang at pumayag si madam na yung lumang sayaw na muna naten para kumpleto tayong lahat na makakasayaw."
Kumikislap kislap na ilaw ang sumalubong sa mga mata ko. Napapikit ako nang biglang akong nahilo.
Shit naman! Nakakainis. Ayos na ang pakiramdam ko e.
Napakapit ako sa balikat ni agot na naunang naglalakad.
"Oh, masama na naman pakiramdam mo. Naku, pa check up kana at baka iba na yan, ang huling beses na may nalaman akong ganyan ayun nalaman namin buntis si inday. Ikaw nakipag cola ka ba?" malakas ang boses ni agot, malakas din kasi ang tugtog.
"Anong cola?"
"Duh, make love teh! Sa taiwanese ganurn ang term of expression!" natawa ako. Siguro kakanuod lang ng taiwanese drama ng bruhang to at ina aapply na agad agad ang nalaman.

BINABASA MO ANG
Photographed ✔
ChickLitThe Simon's series 4 Lora Bella Madrigal was enjoying her life and freedom. Matagal din bago niya nakamit ang pinakamimithing pangarap na katahimikan at katiwasayan. Kaya naman sobra sobra siyang nag-eenjoy sa isang ordinaryong buhay bilang isang si...