fifteen

2.2K 60 0
                                    

Too much love will kill you
If you can't make up your mind
Torn between the lover
And the love you leave behind
You're headed for disaster
'Cause you never read the signs
Too much love will kill you - every time

Patuloy ang pagtitig ko sa papalubog pa lamang na araw habang hawak sa kanang kamay ang kopita ng alak na may pulang likido.

"it's already forty-five minutes and you keep staring at it. Aren't you tired already, mia bella?" ani daddy sa nag-aalalang tono. 

Halos magdadalawang linggo na akong hindi pumapasok sa trabaho. Text ng text at tawag ng tawag si agot na hindi ko sinasagot. Pabalik-balik daw ang isang poging customer at hinahanap ako. Noong tinanong ko kong ano ang itsura ng lalaki ay tumatama sa deskripsyong binigay niya ng mga pisiskal na katangian si Diego. I was too preoccupied with my mission that I've got no time to waste. Gusto ko kapag bumalik ako sa aking normal na buhay ay wala akong ibang iisipin. 

Isang buntunghinga ang makailang beses kong ginawa saka hinarap si daddy. 

"Can you tell me all the information about salvo daddy? I needed to fly for greece. I'll be staying there indifinitely. My mga kailangan akong gawin at tatapusing misyon. I need any information about ramo laurel. Her likes and preferably her favorites" nakaupo si dad sa upuang kutson sa mismong bahagi ng kwarto ng hotel na kinaroroonan namin. Earlier that day ay mayroon kameng dinaluhang seminar and my father is one of the speaker. He needed a date and so I voluntered, in thought that salvo might be present. Kaso hindi eto dumalo.

"Kong anumang impormasyon ang ibinigay ni ermita sa iyo ay iyon lamang ang alam ko at ng mga taong sumusubaysabay kay ramo. Other things, I do not know. Bakit kaya hindi ka pumunta sa mansiyon ng mga simon sa remedyos. Balita ko ay nakikipag-usap si sev sa mga babaeng pinipili niya para sa kanyang mga apo. Malay mo at piliin ka niya lorabella" seryoso ang tono ni daddy but there was some playfulness on his face. Isang mapang-asar na ngisi ang kumawala sa kanyang labi at ang kanyang mga mata ay punong-puno ng kaaliwan. 

Tinaliman ko siya ng tingin. Sa lahat ng bagay ay matapang ako huwag lamang sa mga multo. I cringed when I heard stories about them. Minsan ay iniiwasan ko ring manuod ng mga patalastas na nakakatakot. Ayoko talaga ng mga itsura nila. Pakiramdam ko ay babangungutin ako kapag natulog ako at sila ang huli kong makikita. Jusko talaga!

"anyway, seryoso ako sa suggestion ko. Sev ang Ramo were lovers for ten years bago nagpakasal si ramo kay serafin." kumalabog ang aking puso sa nalaman. Sampung taon? Sampung taon ang relasyon ni ramo kay senyor sev. Damn!

Lumapit ako kay daddy saka umupo sa kanyang tabi at inilagay ang ulo sa kanyang balikat. 

"Is there a love that'll last long dy?" yumakap ako sa bewang ni daddy saka ko naramdaman ang kanyang paghalik sa aking ulo.

Hindi ako naniniwala sa forever at true love dahil ang lahat ng tao ay mayroong kapasyahang pipili ng buhay na gusto nilang tahakin at mayroon din silang kapasyang pumili ng taong kanilang mamahalin. 

But when love hit you. Gaano man katino ang isip mo na huwag gustuhin ang taong iyon, kapag nangingibabaw ang emosyon at nararamdaman ay natatalo ang logical mong pinaniniwalaan. Lalo na kapag mahina ang resolba mo, mahina ang will power mo. 

Mabuti na lamang at mas nangingibabaw parin ang utak ko sa puso ko. Even if I wanted diego antonious. I know I can't have me. That is a very complicated math equation because diego is a math problem that can never be solved. Masyado siyang misteryoso at tuso. Napakamapanganib.

And my parents love is another thing. Daddy married my mother for business reasons. Iyon pa ang isang bagay na gustong kong malaman. Is my mom alive? Is she? Hindi ko matanong kay daddy dahil hindi ko alam kong alam niya ba ang katotohanang iyon? At natatakot ako na baka wala akong makuhang impormasyon sa kanya. Mom's name is a forbidden word for my dad. Mula noon hanggang ngayon ay bawal sabihin ng kahit sino, ni bigkasin ang pangalan ng aking ina. 

"Dad" 

"hmmn. what is it mia bella?" malambing ang boses ni daddy na punong-puno ng pagsuyo. 

"can i ask you a personal question?" 

"hmmn. depende sa tanong? ano yun nak?" ayan tuloy at nagdadalawang isip na ako. Shit! Bakit biglang nakakatakot ang boses ni daddy.

"is mommy alive?" in whispered. Mahina na sinigurado kong makakarating sa pandinig ni daddy. 

Bigla kong naramdaman ang paninigas ng braso ni daddy. His breathing ragged. Bigla kong naramdaman ang pagka stiff niya. 

Umayos ako ng upo saka hinarap si daddy. And I saw how his face paled at biglang tumalim ang kanyang mata. Naging sobrang seryoso at nakaktakot ni daddy. 

Shit! bigla akong kinabahan. 

"uhm, let's just forget I ever asked dy."

"You've already watched the video?" natahimik ako. Hindi ko mapigilang kumuyom ang kamao. Ano ba talaga kasi ang katotohanan sa likod ng pinaniniwalaan ko? 

Sumunod na naghari ang isang nakatutulig na katahimikan. Sobrang tikom ang bibig ni daddy. Minsanan na nga lang kame magkasama. 

"Yes, she is alive and well. Arisce, your mother is alive and living the life she's been doing for years, Comfortably." pakiramdam ko ay may lumamutak sa aking puso sa nalaman. walang emosyon ang mukha at ang bwat katagang lumabas sa boses ni daddy, na para bang napipilitan lamang siyang sabihin iyon. 

Nilingon niya ako at tinitigan. 

"kaya huwag mo ng alamin kong nasaan siya ngayon dahil hindi makabubuti para sa iyo. She left you. She wanted nothing from you. Isa sa dahilan ng aming pagpapakasal ay ang pagbibigay niya sa akin ng anak kapalit ng kanyang kalayaan. Kalayaang mamuhay ng naaayon sa kanyang kagustuhan. She doesn't want any envolvement from the mafia. Kaya nakikiusap ako lorabella. Don't ever think of investigating about her. Alam kong madali lang para sa iyo ang alamin ang mga bagay patungkol sa iyong ina pero sana ay sundin mo ako. Mahal kita mia bella. palage mong tatandaan na ikaw ay sapat na sa buhay ko." naiiyak ako habang nakatitig sa mukha ng aking ama. 

Sa lumipas na taon ng aking buhay ay ang daddy ang palageng nanjan para sa akin. Malamig man minsan kong tratuhin niya ako ay nararamdaman ko parin ang pagpapahalaga at pagmamahal na inilaan niya. Gusto kong makita ang mommy, gustong-gusto ko siyang makilala, makausap. Ngunit habang nakatitig sa nagsusumamo at nag-aalalang mukha ni daddy at sa mga mata niyang mayroong nakatagong lihim na bigla na lamang napalitan ng kalambutan ay hindi ko maiwasang hindi siya bigyan ng nang-uunawang tingin. 

Hinawakan ko ang kanyang mukha saka siya masuyong tinitigan.

"your always tough when it comes to facing everyone but your so soft daddy, like right now. Thank you for everything, I love you dy. Don't worry about it. I won't do anything" I assured him saka siya hinalikan sa noo at niyakap sa bewang. 

"at mahal din kita higit mia bella"

Photographed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon