Ermita's story
"I'm pregnant sev" paos ang boses ni mita galing sa pag-iyak. Nakatitig sa kanya si sev. Ni hindi eto nagsasalita at puro titig lang ang ginawa.
Kinakabahan si mita. Alam niya na mali ang magbuntis. Mali ang nangyari. Hindi niya naman ginustong magbuntis. Hindi niya ginustong ipagbuntis ang anak ng ibang lalaki. Higit sa lahat ang ipagbuntis ang anak ng kapatid ng asawa.
Ngunit anong magagawa niya. She was raped. Kanino siya magsusumbong? Kanino siya hihingi ng tulong? Sev has no power. He was the second in command while sef was the emperor.
Lumatay ang sakit sa mukha ni sev. Halos pangapusan si mita ng hininga. Bigla ay nagsisikip ang kanyang dibdib.
She doesn't want any of the things she experienced. Ang buhay na tahimik ang ninanais at gusto niyang makamit.
Pumikit si sev. Nang muli etong magmulat ng mga mata ay puno ng pang-unawa at suyo ang mga mata neto.
"Come here mita. Sit and let's talk" masuyo din ang boses neto.
Nahihirapan si mita. Dahan-dahan siyang naglakad. Pilit nilalakasan ang loob at kahit barado na ang kanyang lalamunan sa pagpipigil na huwag umiyak ay kinaya niya.
Nang makaupo ay hinawakan ni sev ang kanyang kamay at nilaro.
"What are your plans then?" hindi napaghandaan ni mita ang tanong na iyon ni sev. Napatitig tuloy siya sa lalaki.
Titig na humaba at katahimikan ang naghari.
"Don't stare too much my mita. This is fucking breaking my heart. The child you are carrying isn't mine yet i can't do anything about it. I'm sorry. I am sorry sweetheart." gumaralgal ang boses ni sev.
Napayuko si mita at hinayaang maglandas ang kanina niya pa pinipigilang mga luha. Hawak ni sev ang kanyang kamay kaya wala siyang maipamunas sa luhang tuloy tuloy na tumulo.
'no! Hindi mo kasalanan sev. Kasalanan ng iyong ama ang lahat. Kasalanan ni salvo!'
Puno ng galit at pagkamuhi ang puso ni mita
'please sev, ilayo mo ako dito. Sa lugar na eto. Gusto kong lumayo. Umalis at mamuhay ng tahimik'
Ngunit walang boses na lumabas sa bibig ni mita.
"Let's leave this place my mita. I will give you the life you wanted to have. Let's make memories together and our children. Let's teach them the importance and value of family. Let's teach them about love and appreciate simple things. I love you ermita. You will always be the mita i once adored. I also want peacefulness" pinaloob siya ni sev sa mga bisig neto. Patuloy ang pag-iyak ni mita. Unti-unti kumakalma ang kanyang puso. Natutuwa na narinig ni sev ang hinaing at isinisigaw ng kanyang puso.

BINABASA MO ANG
Photographed ✔
Chick-LitThe Simon's series 4 Lora Bella Madrigal was enjoying her life and freedom. Matagal din bago niya nakamit ang pinakamimithing pangarap na katahimikan at katiwasayan. Kaya naman sobra sobra siyang nag-eenjoy sa isang ordinaryong buhay bilang isang si...