fourteen

2.4K 58 6
                                        

I maneuvered the chopper. Isang kuntentong ngiti ang aking iginawad sa papasikat pa lamang na araw.

Isang bagong umaga. Isang maaliwalas na panibagong sibol na araw.

Napapikit ako kasabay ng aking munting panalangin. Hindi man halata sa nakasanayan kong buhay pero kasabay ng pagtuklas ng mga lihim ng organisasyon ay ang pagbibigay ko ng aking mumunting dasal.

Wala namang mawawala sa isang paniniwala. May kanya kanya namang pinaniniwalaan ang isang tao at si arrianne ang nagturo sa akin ng mga simpleng bagay, nang pag hiling, pagtitiwala at pagdarasal.

Napangiti ako nang masilayan na ang unti-unting pag-usbong ng liwanag ng panibagong umaga.

Kasabay ng pag-ikot sa ere ng chopper ay ang pagtunog ng aking pribadong linya.

"Lora's speaking"

"I need you here at thirty, lorabella"

"Hmmn, give me an hour senyora. Malayo ang maynila sa remedyos"

"Of course. An hour and no excess than a minute" a glint of wickedness was formed on my lips.

Inayos ko ang earpiece at salamin saka iminaniobra ang chopper. Pinindot ko ang isang maliit na button na magkokonekta sa akin kay avi.

"Lora?" isang munting ungol ang aking narinig kasabay ng pag-iyak ng isang maliit na boses.

Francois dustin Simon. Avi's one year old son is a sweetheart.

"I'm sorry lorabels. What is it? Kakagising ko lang. Francois is not feeling well, nakaidlip pala ako kahit pano?"

"Have you heard about senyora?" Diretso kong tanong.

"Uhm, yeah, someone was sneaking into the barrier and i think He hired some experts to infiltrate our system. Ayun at halos walang tulog si maya. You know how she's baliw when it comes to hacking." ang He pinatutungkulan ni avi ay mismong si salvo.

"how do you think He knows that we are after him?" narinig ko ulit ang iyak ng anak ni avi.

"Let's talk when your here lorabels. Badtrip ang anak ko. Bye" i sigh.

Nag focus na lamang ako sa pagmamaniobra ng chopper.

Nang malapit na ako sa destinasyon ay nag signal ako sa saka umikot sa clearing ng rooftop na paglalapagan ng chopper.

Ermita's garden is a greenhouse in a wilderness.

Napapalibutan ng kabuuan ng kagubatan ang hideout at mismong opisina at sanktwaryo ng senyora ermita.

Nabubuksan lamang ang main gate sa pamamagitan ng boses ni maya at ng face scanner ng mukha ng senyora.

Napapalibutan ng iba't ibang klaseng patibong ang labas ng ermita's garden.

Pinalagyan din ng senyora ng hidden camera ang kabuuan ng kagubatan pati na ang mansiyon.

Sa kasalukuyan at sa pagkakaalam ko ay hindi alam ng mga apo ng senyora na nagtatrabaho para sa kanilang abuela ang kanilang mga asawa.

Iisa lamang ang rason kong bakit binuo ng senyora ermita ang organisasyong kinabibilangan nila.

Ang magapi si salvo at ang magkaroon ng katiwasayan ng pamumuhay. Isang tahimik at maaliwalas na umaga ang nais ng bawat isang kasapi ng organisasyon na masilayan. Isang hanging masarap langhapin.

Tahimik na buhay na malayo sa karahasan.

Sa mga susunod na henerasyon ay  nais ng senyora na magkaroon ng simpleng pamumuhay ang kanyang kaapu-apuhan pagdating ng araw na wala na eto. Isang seguridad para sa nakararami.

Bumaba si lora ng chopper saka naglakad pababa ng second floor kong nasaan ang opisina  ng senyora.

Bumungad sa kanya ang nakasimangot na si maya na nakahalukipkip. Humihikab na si freedom na halos wala sa ayos ang buhok at ang sumasayaw  na inihehele ang anak na si avi.

"Muntik na ma late beh!" tiling sigaw malapit sa tenga ko na  nagpagulat sa akin.

"Ay pukingking mo"

"Mabango teh! Nag ph-care ako. Lol" tatawa-tawang tuloy-tuloy na pumasok at umupo si ava sa upuang nakalaan para dito.

Ava Leviste, aviona's sister is part of senyora ermita's army.

Ang alam ko aside sa pagiging isang fashion designer ay kumukuha siya ngayon ng kursong abogasya.

And i heard she's good. She's defending more than five suspects that earned a lot of win. She's tactless most of the time.

umikot ang mga mata ko saka umirap kay ava na nakangisi.

"Buweno at kompleto na kayo. Uumpisahan na naten ang meeting"

narinig ko ang malakas na pag-ungol ni maya na sinabayan ng hagikhik ni freedom.

"I told you to sleep mayanera and you insisted that you needed to join with us and now your-

"Making reklamo and ungol ungol" Natawa ako kay ava. Jusko talaga tong kapatid ni aviona.

"Shut up veronica!"

nailing ako ng ngumuso eto.

Inabot ng senyora ang isang folder kay avi. Nagtinginan kame.

"Isang napakahirap na trabaho ang inyong gagawin."

Ipinasa sa akin ni avi ang folder na tinanggap ko naman.

Naglalaman eto ng pangalan at importanteng detalye ng taong kailangan kong subaybayan.

"First thing is you both need to plan tessa romualdez escape at kailangan niyo siyang himuking maging kaisa naten. Avi, Snowhite Romualdez is your next mission. Lora, make sure the Atkinsons lost all their power and leave the country after. Ramona Sofia laurel is heading for Greece. Maraming nakabantay na mga tauhan ni salvo ang nagkalat upang masigurado ang kanyang kaligtasan. Ramo knows where sef is."

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng senyora na dagli niya ring natabunan ng kalamigan.

I sigh saka ibinalik kay avi ang papel na hawak ko.

Madali lang trabahuin ang mga Atkinson's. But Ramo Laurel is a difficult task.

Tuso at pinagkakatiwalaang tauhan ni  salvo ang babae. Ramona Sofia Laurel, sef's ex-wife, salvo's mistress, sev's first love.

Biglang sumakit ang ulo ko. The mafia's family lineage are a headache. Masyadong komplikado at magulo, idagdag pang parte sila ng organisasyong iyon na pinamumunuan  ni salvo.

His father is an emperor yet the emperor is nothing when the council speaks and interogates. Ang batas lamang na sinusunod ng konseho at ang taong kanilang kinatatakutan ay si josef o sef yet he is nowhere to be found and Salvo is again claiming his throne.

A complicated puzzle. A complicated family. An old man who wanted power to control everything.

Matatapos lamang ang gulo at mawawalang bisa ang kasunduan na pinagtibay ng dugo ng bawat ninuno kapag tinanggalan ng nararapat at nang may malakas na kapangyarihan ang itinala at isinulat sa kasulatan.

And sef is the only one who can stop the chaos. Siya lamang ang nag-iisang makakaputol ng lahat ng kaguluhang sinimulan ng ama.

He was part of his father's game plan so many years past.

Tuso at nakakatakot man si Josef pero natutong lumambot ang kanyang puso para kay senyora Ermita at bago pa masimulan ang mga pagbabagong dapat at pinlano ng magkapatid na sef at sev ay pumasok sa eksena si salvo. Ipinahuli si sef at ikinulong. Ipinapatay si sev.

Naging magulo ang bawat pangyayari, naghati-hati ang loyalty ng bawat tauhan.

At ang plano na matagal ng gustong isakatuparan ng senyora ay ang siguraduhin ang pagkakapatay kay salvo at ng bawat konseho na mismong mga tauhan neto.

Sila lamang mga babae ang malakas ba panlaban ng Senyora at napakahirap gawin ng bawat plano dahil kaakibat neto ay ang kaligtasan ng bawat pamilya at mga mahal sa buhay.

Photographed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon