twenty

2.1K 61 0
                                    

Nakatulala siya sa lugar na hinintuan nila.

Eversince young. She always dreamt of escaping, gusto niyang gawin at puntahan ang mga lugar at bagay na itinuro sa kanya ni arriane.

And now staring at a busy amusement park. Pakiramdam niya nanginginig siya at isang kakaibang excitement ang pumupuno sa dibdib niya.

Nilingon niya si diego na nakatitig pala sa kanya at mataman siyang pinag-aaralan.

"You sure you're okay liefde? You look pale."

"Magdedate ba tayo irog ko?" ngumiwi si diego.

Kanina ko lamang siya tinawag ng irog ko at ayaw na ayaw niya yata ang salitang iyon pero di naman niya ako pinipigilan sa pagtawag.

"Yes liefde" at halos magningning ang mga mata ko sa antisipasyon.

"Edi tara na." Excited akong bumaba.

Nailing nalang si diego saka ako sinundan.

Kahit mabigat ang pakiramdam ay ipinagsawalang bahala ko na lamang. Gusto kong mag-enjoy, gusto kong sakyan ang ferris wheel na ipinagmamalaki ng karamihan.

Halos nakangiti ako buong araw at nawala ang pagsama ng aking pakiramdam.

"Gusto ko nun" tinuro ko ang dirty ice cream na mabilis na pinuntahan ni diego.

Sarap na sarap ako na kahit alam kong tumutulo na eto sa damit at gilid ng bibig ko ay wala akong pakialam. Dila lang ako ng dila.

"Such a messy eater liefde " matamis akong ngumiti kay diego na nakatitig sa akin ng seryoso.

Nakikita ko ang kabuuang mukha ko sa kanyang mga mata.

Lumagabog ang puso ko. Isang kakaibang pakiramdam ang nanulay sa aking puson.

Diego's stare was melting my insides and making my knees weaken.

Pakiramdam ko ba ay masyado siyang mabait sa akin ngayon. He isn't kind nor friendly lora. Stop imagining things!

Malamlam ang kanyang mga matang puno ng pagsuyo.

Why is he being like this all of a sudden. Why is he kind? Why is he soft? Why is he....

"You want something else liefde?"

That endearment again.

Liefde means love. Why is he calling me love? Kelan nga ba nagsimulang tawagin niya ako ng ganung enadearment?

Mula ng bumalik ka galing bakasyon lorabels.

Nakatulala lamang ako sa mukha ni diego ng mapapitlag ako sa mainit na palad na humawak sa braso ko at ang kanyang kamay ay humaplos sa aking mukha.

Napakurap ako.

Nag-aalalang diego ang aking nasilayan.

"Are you okay liefde?"

Napalunok at napatikhim ako.

Bigla ay sumama ang aking sikmura. Napahawak ako kay diego at biglang natutop ang bibig.

Umalsa yata ang lahat ng kinaen ko. Nangasim bigla ang aking sikmura.

Mahigpit na hinawakan ni diego ang aking braso. Nanunuot ang titig sa akin ng may pag-aalala.

"You're pale liefde. Let' s sit first" inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ako sa upuang nakalaan.

Bigla ay nahilo ako hanggang sa diko na mapigilan at hinayaan ang sariling isuka ang lahat ng aking kinaen.

Photographed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon