JS 6: Packaging

7 3 0
                                    

Malapit na yung flight naming apat. sabi ni mom nakakuha na raw siya ng ticket namin.

Sobrang excited na akong bumalik uli sa Korea. babalik na ko ulit sa tahanan ko.

Hindi ko alam kung bakit may side ng utak ko na takot bumalik ulit dun. Siguro dahil kay lola. dahil bilang na yung mga araw niya. natatakot ako na baka makita ko mismo yung time na mawala na siya pero think positive.

Tinawag ako sa baba ng maid namin kaya dali dali naman akong bumaba.

"Bakit po?"

"Kakausapin daw po kayo ni ma'am Cassandra."

"Asan po ba siya?"

"Sa garden po."

"Ah. sige!"

Pumunta naman ako sa garden para alamin kung ano ba yung sasabihin ni mom. nakita ko siyang nag mumuni muni dun sa labas.

"Mom. you can do it! stay strong!"

"Thank you dear."

"Do this for lola mom!"

"Hindi ko maisip na ganun na kalala yung siywasyon nya."

"We can fix this mom."

"Thank you nak!"

Nakita ko na ang pag luha ng mga mata ni mom. kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit at patuloy ang pag suporta.

Maya maya pinaakyat na ako ni mom para mag ayos ng mga gamit at ayun ako hindi malaman kung ano yung gagamiting maleta.

"Ano kaya?"

Meron akong apat na maleta sa loob ng cabinet ko. Yung isa brown,yung isa black, white tas yung last is pink.

After a while nakaisip ako ng paraan.

"Miniminiminimo ano kaya ang gagamitin ko? eto ba o eto? Eto!

Parang tanga lang. Ayun! napili ko yung pink.

Sinimulan ko nang ilagay yung mga gamit ko na pang hygiene.

Sunod mga damit. most of mga dinala ko is dress tapos yung iba t-shirt na.

Then nilagay ko na yung mga underware. bras etc.

Nilagay ko yung favorite ko na mug yung color brown, plain.

Then mga sapatos. dalawang rubber shoes, tatlong heels, then dalawang house slippers na may tenga. i really love those slippers.

Pati na rin yung mga cosmetics ko. since mahilig talaga ako mag make up.

Then nag dala ako ng Chanel. na regalo sakin ni lola nung birthday ko tyaka yung Hermes Kelly Rose G. na bigay ni mom nung graduation ko.

Tapos nilagay ko yung badmenton ko. if ever lang naman. hihi!

Hindi nag kasya yung mga gamit ko so kumuha ako ulit ng isang maleta. yung black may ghadd mag mumuka akong black pink neto.

"Black pink in your area!"

"Hayss!nakakapagod!"

Tumigil muna ako sa pag iimpake at tumingin sa salamin.

"Stacy Smith. do you accept Jeon Jungkook as your husband?"

"Oh my ghadd."

When desperation came.
Oo! ganyan ako kapag walang magawa tapos sasayaw sayaw sa mirror ng kahit anong steps. tapos iisa isahin yung members ng fandom mo tapos kapag nag kamali uulit.

Ganyan ang abnormal na tao!.

I'm sure naman. lahat ng mga fan ng k-pop na try na din yan once.

Pero hindi naman ako ganun ka baliw diba? Konti lang naman.

Dati kasi pabalik balik lang ako sa mga concert. nung nasa Seoul pa ako.

Oo. sa Seoul yung bahay ni lola. meron din siyang bahay sa Busan, Daegu, Seogwipo na malapit sa dagat tyaka sa Seongnam..

Hindi ko alam kung bakit napaka raming bahay ni lola sa south korea. hindi naman lahat na gagamit.

Pero yung sa Busan sakin binigay ni lola. para daw if ever na bumisita ako meron akong tutuluyan.

Pero nung bata pa ako sa seoul ako kasami ni lola.

Jeon And SmithWhere stories live. Discover now