Chapter 6: Royal Family

119 107 3
                                    

Chapter 6: Royal Family


"Mama..."

Ng marinig ko ang salitang yun ay bigla akong napatayo na sobrang pawis na pawis.

Lumingon ako sa aking paligid at nakita ko na nasa tabi ko sina Faith at Ella habang si Andrei naman ay naka sandal sa pinto.

"Nasan ako...?" Tanong ko sa kanila na para bang wala akong natandaan.

"Nasa clinic ka Shane." Sabi ni Ella.

"Nahimatay ka nung nasa exhibit tayo kanina.." Sabi ni Faith.

"Buti naman at nagising kana. Dalawang araw ka ng tulog dito." Sabi sakin ni Andrei na umayos ang tayo.

"Dalawang araw?!?!" Pagkagulat ko.

"Oo.." Sagot nila.

"Wag ka mag-alala tutulungan ka nalang namin sa lessons." Sabi ni Andrei na napatawa ng konti.

"Hindi naman yun ang inaalala ko eh.." Sabi ko ng malumanay.

"Edi ano?"

"Bakit ako nahimatay nung nakita ko yung picture ulit na yun?" Sabi ko na nakatingin sa baba.

"Anong picture?" Tanong nila.

"Di ko matandaan basta may isang babae at lalaki na mag hawak na baby." Sabi ko.

"Nasa exhibit ba?" Tanong ni Ella.

"Oo." Sagot ko.

"Baka naman nahilo ka lang sa sobrang stress or init." Sabi ni Faith.

"Baka nga.." Sabi ko.

Dumating ang nurse at nagtinginan kaming lahat.

"Ms. Hudson? You can go out now." Sabi niya.

"Ok, thank you." Sabi ko at dahan dahan tumayo.

Inalalayan ako nina Ella at Faith patayo at nagpunta na kami sa dorm.

Pagpasok namin sa dorm ay pinaupo nila ako sa sofa.

Napatingin kami sa pinto ni Christian ng lumabas siya doon.

Tinignan ko si Andrei na ang sama ng tingin kay Christian.

Kinalabit ni Faith si Andrei na sinesenyasang wag gawin ang gusto niyang gawin.

Hindi kami tinignan ni Christian na diretso lang lumabas sa dorm.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"4:30 ng hapon, bakit?" Sabi ni Andrei.

"Diba may pasok pa kayo?" Tanong ko at tumingin sa kanila.

Nagtinginan sila sa isa't isa at sumagot sakin.

"Hindi, wala..." Sabi ni Ella.

"Weh.. alam kong meron, sabihin niyo na. Diba walang sikretohan?" Sabi ko sakanila na konting nakangiti.

"Uhh... ano kasi..." Pagsasabi ni Faith na nauutal.

"Ano?" Sabi ko.

Napabuntong hininga si Andrei na tumingin saakin.

"Suspended tayo for 3 days.." Sabi niya na nauutal.

"Ano?!" Sigaw ko ng konti.

"Sabi ni Headmistress Alex.."

Hell and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon